The Vampire's Maid Servant (Tagalog)
“Oo, pero ang nakasulat din sa aklat, iisa o bibihirang isinisilang ang may natatanging dugo ng bampirang ‘yon. Ibig sabihin lamang, hindi lahat ng dugo ng bampira ay makalilinis sa naturang halaman. Hindi rin natin alam kung paano iyon gagawin bilang proseso, ididilig ba ang dugo o ano?”
Napaisip din si Drake.
“Sa tingin ko kailangan kong kausapin ang grupo nila Rima, sa Zone 66 naroon ang Mandate of Heaven.”
“O, itanong mo sa kanila kung may paraan para makahanap ng ikalawang aklat. Ayon sa nagtitinda ng libro, ang mga aklat ng mga Elfo ay base sa katotohanan, ibig sabihin ang Eternal Rest at ang dugo ng bampira ang maaaring sagot para makabuo ng antidote sa mismong lason niya.”
Hot Chapters