TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )
boses ng supervisor namin, papalapit nang papalapit sa cubicle ko.
Naramdaman ko ang paghinto ng mga yabag ng sapatos sa mismong likuran ko. Ang pamilyar na amoy ng kaniyang mamahaling pabango, ang amoy na pilit kong kinakalimutan sa loob ng ilang linggo, ay muling pumasok sa sistema ko.
"Everything looks efficient here," baritono at mababa niyang boses. Ang boses na iyon na dumaing sa sarap habang hawak ako... narinig ko na namang muli.