Agam ng Kahapon
Dahan-dahan akong lumapit upang alisin ang lahat ng anumang posible pang banta na kanyang gagawin, at doon mismo nakita ko siyang nakatingin sakin, mga mata niyang puno ng pagsisisi, hinagpis at pag aalala sa kanyang maiiwanan, tila nabaon sa walang kabuluhang mundong kanyang napili, unti unti ay may kaunting luhang dumaloy sa mga matang iyon, nakatitig parin siya habang pinipilit huminga at makakuha ng hangin sa nagbabarang dugo sa kanyang lalamunan, at unti–unti ay humagok sa huling pagkakataon at tuluyan ng iniwan ng kanyang kaluluwa ang pobreng katawan habang nanatiling nakadilat ang mga mata.
Nanatili akong nakatayo at pinagmasdan ko ang puting butil na naka usli sa kanyang kanang buls
Hot Chapters