Langit Sa Piling Mo (S.P.G)
Hindi mapagkaila na siya nga ang naroon kasama ang lalaking kinainisan ngayon.
"Hey, what are you doing?" Tumatawa na tanong ng lalaki sa may hawak ng camera.
"Video, duhh!" mataray na sagot nang hindi niya nakikita sa video pero alam niyang boses niya iyon.
"I know, baby, but you don't have to do that!" Matamis ang ngiti at malambing na lumapit sa humahawak ng camera ang lalaki kung kaya na-focus nang husto ang poging mukha nito sa screen.