Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Contracted Wife of the Billionaire

Contracted Wife of the Billionaire

Cassiane Dela Vega, isang 23-anyos na dalagang lumaki sa kahirapan, ay handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Nang magkasakit ng malubha ang kanyang kapatid na si Caleb, napilitan siyang tanggapin ang isang kasunduang magbabago ng kanyang buhay—isang kasal kay Kane Remy Finnegan, isang 25-anyos na CEO na kilala sa kanyang malamig at walang pusong personalidad. Para kay Kane, ang kasal ay isa lamang transaksyon para masunod ang kagustuhan ng kanyang lolo—walang emosyon, walang koneksyon. Sa simula, malamig at kontrolado si Kane habang pilit namang inaarok ni Cassiane ang bagong mundo na kanyang ginagalawan. Ngunit sa bawat araw na magkasama sila, unti-unting natutukso si Kane sa kabutihan at init ng puso ni Cassiane. Habang nababasag ang mga pader sa puso ni Kane, lumalalim naman ang komplikasyon ng kanilang relasyon. Sa likod ng kasunduang walang puwang ang damdamin, unti-unting namumuo ang emosyon na kanilang parehong pilit itinatanggi. Ngunit hindi naging madali ang lahat. Dumating ang sandaling sinaktan ni Kane si Cassiane, dala ng paniniwalang siya lamang ang may nararamdaman. Nangyari ang isang gabi na nagbago ng lahat, kung saan ipinilit ni Kane ang kanyang damdamin at pag-angkin kay Cassiane. Kalauna’y napagtanto niyang mahal din siya ng dalaga. Sa kabila ng mga pagsubok, sakit, at lihim na kanilang hinarap, natutunan nilang yakapin ang isa’t isa at ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Sa huli, nanaig ang pag-ibig. Napalambot ni Cassiane ang pusong dating tila yelo. Naging masaya silang mag-asawa at nabuo ang kanilang pamilya kasama ang dalawa nilang anak—isang patunay na sa likod ng kasunduan, maaaring umusbong ang tunay na pagmamahalan.
Romance
720 viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S CONTRACT

THE BILLIONAIRE'S CONTRACT

Alexander is Jeselle's one true love, well as for her. He is the man of her dreams. Lahat ay naganap na naaayon sa kaniyang mga ninaais na mangyari, na para bang kakampi niya ang tadhana na handa siyang tulungan ano mang oras. Nang dahil sa isang kontrata, naisakatuparan niya ang kaniyang tanging pinapangarap na buhay. Nang dahil sa kasunduang ito ay nagkasalubong ang kanilang mga magkakaibang estado ng pamumuhay at mundo na siyang ikinagulat ng isa't isa. At sa kanilang pagpapatuloy, marami silang natutuhan sa isa't isa na naging susi upang sila'y magkamabutihan. Maayos na ang lahat, until that moment when she found out that everything is not as it seems.
Romance
1063.5K viewsCompleted
Read
Add to library
 A Wild Turn: THE SECRET CEO’S CONTRACT GIRLFRIEND

A Wild Turn: THE SECRET CEO’S CONTRACT GIRLFRIEND

Ellyn Perez has an incurable disease: a massive H-A-T-E for cheaters because of what her ex-boyfriend did to her. She isn't planning on avenging until she stumbles upon a devil who will claim what her heart really wants: sweet revenge and peace of mind—Red Sarmiento, her ex’s cousin. Could this be a huge wild turn?
Romance
9.82.8K viewsOngoing
Read
Add to library
MARRIAGE CONTRACT: UNCLE HUGO MERCEDEZ

MARRIAGE CONTRACT: UNCLE HUGO MERCEDEZ

Dahil sa hindi inaasahan pangyayari, Veronica Morgan, a famous model, and co-owner of CathVero Fashion, thought that she was with her cheating fiance. She was drunk kaya hinalikan niya 'to na agad naman tinugunan ng lalaki. At may nangyari sa kanilang dalawa. And on the next day, nagkalat na ang litrato nilang dalawa ng lalaki na isa palang sikat na Car Raicer, and the President of HVM Incorp. na si Hugo VONX MERCEDEZ. Ano ang gagawin ni Veronica kung o-offeran siya nito ng kasal ngunit matatapos sa loob ng 100 days? Tanggapin kaya niya?
Romance
9.929.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Bound to the Billionaire Contractor

Bound to the Billionaire Contractor

Auditor sa umaga. Asawa sa gabi. Kalaban sa katotohanan. Kapag puso, pamilya, at katarungan ang nagbanggaan—sino ang handa mong ipaglaban? Si Maria Ysabel Cruz ay isang ordinaryo pero masipag na auditor na napilitang akuin ang responsibilidad nang mamatay ang ina at bumagsak ang kalusugan ng kanyang ama. Sa desperasyon, nagkubli siya sa pangalang Maya Santos at pumasok sa isang contract marriage kay Renzo Alcantara—ang guwapo at makapangyarihang tagapagmana ng pinakamalaking construction empire sa bansa. Sa simula, naging perpekto ang lahat: natugunan ang gastusin ng kanyang pamilya, unti-unti siyang nahulog kay Renzo, at naranasan ang isang uri ng pag-ibig na akala niya ay para lang sa mayayaman. Ngunit gumuho ang ilusyon nang ma-assign siya bilang auditor sa mismong kumpanya ng mga Alcantara. Sa araw, siya ang matapang na Maria Ysabel na nag-iimbestiga sa mga katiwalian. Sa gabi, siya ang mapagmahal na Maya, asawa ni Renzo. Dalawang katauhan, iisang puso—at isang mapanganib na lihim. Hanggang sa mabunyag ang masakit na katotohanan: ang pamilya ni Renzo ang nasa likod ng ghost projects na kumitil ng maraming buhay at sa trahedyang pumatay sa kanyang ina. Ngayon, kailangan niyang pumili: Ipaglaban ang pamilya at katarungan para sa bayan… o ipagtanggol ang lalaking minahal niya? At si Renzo, may sarili ring laban: Patatawarin ba niya ang babaeng ilang ulit na nanloko sa kanya? O patuloy pa rin ba niyang mamahalin—Maya man siya o Maria Ysabel—kahit kapalit ay ang pamilyang kailanma’y hindi niya tinalikuran? Isang kwento ng pag-ibig, pagtataksil, at ang tanong na walang kasiguraduhan: Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig at katotohanan?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Consultant Turned Contracted Wife

Consultant Turned Contracted Wife

Matapos madiskubre ang pagtataksil ng nobyo, si Selena Payne ay nagpakalunod sa alak, isang gabing puno ng pait, galit, at isang hindi inaasahang pagkakamali. Sa ilalim ng impluwensiya ng alak, hindi niya naisip na mauuwi ito sa isang isang-gabing pagnanasa kasama ang isang estranghero. Nagising siyang walang saplot, puno ng marka ng gabing hindi niya matandaan, at may isang pangyayaring hinding-hindi na mababawi. Ang akala niya, madali na lang kalimutan ang lahat at magpatuloy sa buhay. Pero hindi ganoon kadali ang tadhana. Dahil sa isang napakapait na biro ng pagkakataon, ang bagong kliyente niya ay walang iba kundi ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon, Axelius Strathmore, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa. Bilang isang dating consultant, tungkulin ni Selena na tulungan si Axel makahanap ng babaeng pakakasalan. Pero sa isang hindi inaasahang twist, siya mismo ang inalok nito ng kasal. Isang taong kontrata. Isang kasal na walang emosyon, walang pag-ibig, isang pormalidad para sa parehong interes nila. Pagkatapos ng isang taon, pwede na silang maghiwalay, bumalik sa kani-kaniyang buhay na parang walang nangyari. Pero isang lihim ang hindi alam ni Selena. Binago ni Axel ang kontrata. Dahil natuklasan nitong nagdadalang-tao siya. Buo na ang desisyon ni Axel na sa kabila ng walang pag-ibig sa pagitan nila, gagawin niya ang kanyang responsibilidad at aakuin ito. Ang kasinungalingan na sinabi ni Axel ay unti-unting nabago nang mas makilala nila ang isa't isa. May namumuo sa pagitan nila sa paglipas ng araw.
Romance
1034.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's contract wife

The Billionaire's contract wife

Solo Luna
"I'll do everything to pay you for all the things you did." Dianne Kim Alexander "I am willing to hurt and accept the punishment just to be with you again." Davin James Demonese Dianne Kim Alexander ay galing sa Isang mayamang pamilya, ngunit nang namatay ang kaniyang Ina. Nabaon Sila sa utang dahilan para pumasok Siya sa Isang nakakasukang trabaho bilang dancer sa Isang sikat na bar. Habang matiyaga siyang sumasayaw sa harapan ng mga lalaking, biglang dumating ang matipunong lalaking hindi niya kilala. "Five hundred million dollars, I'll take her out!" Davin James Demonese, ang walang pusong bilyonaryong pingkakautangan ng ama ni Dianne. Na gagawin ng lahat para maiipit Ang pamilya ni Dianne dahil sa maling Akala. Ginawa niya lahat para mapapayag na maging contract wife si Dianne and he did. Sa pagpasok ni Dianne bilang Asawa ng bilyonaryo. Muli niyang maranasan ang pait ng Buhay. She will be betrayed and hurt many times lalo pag nalaman niyang Ang boung katotohanan. Aalis siya sa puder ng bilyonaryo, ngunit muling magbalik after five years para maghiganti sa ginawa nito sa kaniya. At sa pagbalik niya dala niya ang kanilang Anak na kambal. At sa pagbalik niya, makakaya niya bang paghigantihan at paluluhurin sa kaniyang harapan si James gayong may naramdaman pa siya rito, O ang mga pasakit ang dahilan para kamuhian niya ito nang husto.
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire’s Contract

The Billionaire’s Contract

Lumaki si Irish Wright nang walang pagkilala bilang anak ng pamilyang Wright—nilalait ng kanyang madrasta, ipinagkanulo ng kanyang kapatid sa ama, at nawalan ng lalaking minahal niya. Mula sa sugat na iyon, nabuo ang isang matibay na pasya: gantihan ang lahat sa pinaka-matapang na paraan—sa pamamagitan ng kapangyarihan. Ang kanyang target ay si Alarich Vance, CEO ng Vance Corp. Sa matinding tapang, nais ni Irish na maging Mrs. Vance, ngunit binigyan siya ni Alarich ng tatlong buwan upang patunayan ang kanyang sarili. Nagsimula ang isang mapanganib na laro, kung saan unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng plano, ambisyon, at damdamin.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage To Mr. Billionaire

Contract Marriage To Mr. Billionaire

"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne. ____________ Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwapo, malakas ang karisma at higit sa lahat isang bilyonaryo? Ngunit sa edad na tatlumpung taong gulang wala pa itong nobya. NO GIRLFRIEND SICE BIRTH in short NGSB dahil hinihintay niya ang pagbalik ng dating minamahal. Subalit, minamadali na siya ng kanyang ina na mag-asawa. Kaya nang dumating ang bagong kasambahay nilang si Gueene, agad niya itong pinakilala sa mga magulang na fiance niya ito. Gulat at pagkalito ang naramdaman ni Gueene dahil bilang isang kasambahay ang ipinunta niya, ngunit hindi trabaho ang kanyang nadatnan kundi ang maging asawa ng isang binatang bilyonaryo. Anong klaseng buhay kaya ang kanyang matatamasa sa poder ng mga Montagne? Ito na ba ang kasagutan sa kanilang kahirapan o ito ang simula upang lalong maging magulo ang kanyang buhay? Paano kung muling bumalik ang babaeng unang iniibig ng binata, panindigan kaya ni Razen Isaac ang kanyang mga sinumpaan sa asawa o magpadala sa bugso ng damdamin? Hanggang saan hahantong ang pagiging mag-asawa nila gayong una palang wala na silang pag-ibig na naramdaman sa isa't isa?
Romance
1017.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Ninong Senator's Contract Marriage

Ninong Senator's Contract Marriage

Nang puntahan ni Francesca ang social event para sana sa presensya ng kaniyang may sakit na lolo at ama niyang nasa States ay nakita niya ang fiancé niyang may kasamang iba. Nang sugurin niya ang mga ito ay ipinahiya siya na isa lamang siyang panget na matabang babae. Biglang lumapit ang kilalang heartthrob ng senado na si Sen. Javier at tinulungan siya. Ipinakilala siya nitong fiancée sa harap ng lahat. Natakpan ang tsismis na isa itong bakla matapos nilang maikasal. Nang magbalik-alindog siya ay hindi inaasahang masira ng senador ang nasa kontratang kanilang napag-usapan. Paano kung lumalim pa ang nararamdaman nila sa isa't isa? May pag-asa pa kaya lalo pa't aksidente niyang nalaman na ninong niya ito at ang taong naging dahilan ng pagkasawi ng kaniyang ina at kapatid?
Romance
1049.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1011121314
...
18
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status