Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
AFTER DIVORCE: THE CEO'S EX-WIFE RETURNS WITH TRIPLETS

AFTER DIVORCE: THE CEO'S EX-WIFE RETURNS WITH TRIPLETS

“Benjamin, naging asawa mo ako sa loob ng tatlong taon ngunit ni isang beses ay hindi mo man lang ako nagawang hawakan! Ngayon, ito na ang pagkakataon ko. Ito na ang tamang panahon para bumawi sa lahat ng mga masasakit na pinagdaanan ko sa piling mo bilang asawa mo at bilang babaeng minahal ka ng napakatagal! Pinagsisisihan kong naging asawa kita!” Tumutulo ang mga luha ni Lunabella habang sinasabi iyon sa nakahiga at nakataling asawang si Benjamin Alvarez sa kanilang kama. “Huwag mong gawin ito, Luna. Sinasabi ko sa'yo, hinding-hindi kita mapapatawad! Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin na hindi kita magawang mahalin? Na si Astra lang ang tanging tinitibok ng puso ko?!” Walang pusong turan ni Benjamin, puno ng galit ang mga mata. “Humanda ka sa akin kapag nakawala ako rito, talagang mapapatay kita!” Pilit itong kumakawala sa pagkakatali ngunit mahigpit ang ginawang pagkakatali rito ni Lunabella rito. ******* Mula pa nang highschool ay minamahal na ni Lunabella Cruz si Benjamin Alvarez. Wala siyang ibang nais kundi ang makasal dito. Kaya nang ipagkasundo silang dalawa dahil sa horoscope na pinaniniwalaan ng naghihingalong matandang Alvarez ay hanggang langit ang ligaya niya. Subalit ang sayang iyon ay kapalit ng tatlong taong paghihirap niya bilang asawa ni Benjamin Alvarez. Mahal na mahal niya ang lalaki ngunit may iba ito minamahal.
Romance
1011.8K viewsOngoing
Read
Add to library
JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2

JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2

Nasa gitna ng pagbabago si John Enriquez mula sa kaniyang pagiging babaero nang biglang dumating sa buhay niya ang babaeng inakala niyang pang habang buhay na. Ngunit nang malaman niya na ang edad pala nito ay kalahati ng edad niya ay agad niya itong nilayuan. Si Leila Mercedez, isang babaeng may malaking pangarap sa mundo ng pag-arte. Gumuho ang matayog niyang pangarap matapos niyang malaman na siya pala ay nagdadalang tao. Nabuntis siya ng lalaking naka-one night stand niya. Ang lalaking inabandona siya matapos na gamitin. Dahil masyado pang bata si Leila at hindi siya pwedeng umuwi sa kanila, hinanap niya ang lalaking naka-disgrasya sa kaniya. Halos magmakaawa siya rito na panagutan ang dinadala niya. Tiniis ni Leila ang lahat ng pagtataboy ni John sa kaniya alang-alang na lang sa batang dinadala niya. Minahal niya ito sa kabila ng pagiging malupit nito sa kaniya. Nagsama sila sa iisang bahay para lang sa bata. Hanggang isang araw ay natutunan ni Leila na mahalin ang sarili niya. Nagsumikap siya na makamit ang pangarap niya at tinanggap na anak lang niya ang kayang mahalin ni John at hinding-hindi mangyayari na makakamit niya ang pagmamahal nito. Paano kung kailan nakahanap si Leila ng bagong pag-ibig ay saka naman niya malalaman na mahal pala siya ni John? Ano ang gagawin ni John para mabawi si Leila? Ang anak ba nila ang magbubuklod sa kanilang dalawa?
Romance
9.9105.7K viewsCompleted
Read
Add to library
My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)

My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)

Moonstone13
Natagpuan nila Yanna sa tabing ilog ang katawan ni Sergeant Dixson Sanchez na sugatan at walang malay. Ginamot at inalagaan nila ang lalaking estranghero. Nang magkamalay ang lalaki ay hindi na ito makaalala. Hinala nila Yanna ay nagkaroon ng amnesia ang lalaking kanyang tinulungan. Kinupkop ng tiyuhin ng dalaga ang lalaki at pinangalanan nilang Anton. Sa paglipas ng mga araw ay nagkapalagayan ng loob sina Yanna at Anton. Hanggang sa magkaaminan ng kanilang nararamdaman. Gustong pigilan ni Yanna ang damdamin para kay Anton, ngunit hindi niya kayang labanan ang isinisigaw ng kanyang puso. Kahit may pangamba at maraming tanong sa isipan ang dalaga na masasagot lang kapag bumalik na ang memorya ng lalaki ay sumugal pa rin sa pag ibig si Yanna. Nang manumbalik ang mga alaala ni Dixson ay agad siyang bumalik sa pamilya niya at wala itong matandaan sa nakalipas na buwan na inakala ng pamilya niya na patay na siya. Para siyang bula na bigla na lang nawala sa buhay ni Yanna. Paano kung sa muli nilang pagkikita ay malaman ni Yanna na nagbalik na pala ang mga alaala ng lalaki at siya naman ang nabura sa ala-ala nito? Sabihin kaya ni Yanna kay Dixson kung sino siya sa buhay nito? Ipabatid kaya ni Yanna na may anak silang dalawa o ililihim na lang niya ang lahat kay Dixson na malapit ng ikasal kay Chelsea, na step-sister ni Yanna?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
HANGGANG NGAYON IKAW PA RIN ANG MAHAL

HANGGANG NGAYON IKAW PA RIN ANG MAHAL

KweenMheng12
Ang spoiled bratt na kababata ni Clyde ay laging sakit ng ulo ng kanyang Daddy, inatasan siya ng ama ng dalaga na maging personal bodyguard kapalit ng pagpapa-aral o maging scholar ng kumpanya nito. Childhood bestfriends na ang dalawa tinuturing na na kapatid ni Clyde si Chloe. Laging nasa malayo at nakamasid lamang sa malayo ang binata para bantayan si Chloe. Mula ng mamatay ang ina ng dalaga ay lalong lumala ang pagiging party goer, kahit sang club nag-iinom para lang makuha atteention ng daddy nito. Nauunawaan naman ni Clyde ang sitwasyon ni Chloe gusto lamang nito mabigyan ng halaga at oras. Tanging siya lang ang kasama ng dalaga sa lahat ng oras. Pero paano kung isang araw ay malaman nila ang isng sikreto na nagkapalit sila ng tadhana dahil sa isang pagkkamali. Si Clyde ang totoong anak ni Don Robles,dahil sa desperadang kinilalang ina ni Clyde. Pinagpalit silang dalawa ni Chloe para maging maganda ang buhay ng kanyang anak na babae,dahil iniwan ito ng kanyang kinakasama. Sa sobrang galit ng Don ay pinalayas silang mag-ina ni Chloe. Nanirahan sila Chloe sa probinsiya at hindi na muling nagpakita pa kila Clyde at Don Robles dahil sa sobrang kahihiyan. Makalipas ang isnag taon kinuha si Chloe para maging isang modelo. Ang dating spoiled bratt, pasaway at kinaiinisan ng lahat ay natutong magpakumbaba, mapagpasensiya at natutong makuntento sa simpleng buhay. Sa muling pagttagpo ng kanilang landas ay isang bilyonaryo at CEO na si Clyde dahil ipinamana na sa kanya ang negosyo ng mga robles. Inimbitahan siya na maging modelo ng alak, kaya sexy ang theme ng magiging trabaho ni Chloe. At sa hindi niya inaasahan ay darating si Clyde para panoorin ang kanyang shoot. Sobra siyang nanliit sa kanyang sarili dahil halos ibilad na niya ang kanyang katawan.
Romance
103.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Substitute Bride

The Substitute Bride

Tumakbo sa mismong araw ng kasal nito ang ate ni Cassandra, kaya para makaiwas ang kanilang pamilya sa kahihiyan ay siya ang ginawang pamalit bilang bride at pinakasalan ang nobyo ng kaniyang ate na si Sawyer Valdez. Tatlong taon silang magkasama ni Sawyer at unti-unti ring nagkamabutihan ng loob. Ngunit kung kailan umuusbong ang kanilang mga damdamin, dadating naman ang kaniyang ate na siyang sisira at hahadlang sa kanilang dalawa na magkaroon ng happily ever after. HANGGANG saan kaya ang kaya ni Cassandra na ipaglaban ang karapatan sa kaniyang asawa, ga'yong pinamukha nito sa kaniya na hindi siya kailanman minahal at ang ate lang niya ang mahal nito. Kakayanin kaya niyang tumira sa pamamahay nila na kasama ang kaniyang ate na pilit inaagaw ang asawa?
Romance
906 viewsOngoing
Read
Add to library
Familiar Stranger (Boys' Love)

Familiar Stranger (Boys' Love)

It's been 8 years since they last saw each other. It was way back when they're senior high school students. Sa muli nilang pagkikita, akala nilang dalawa ay muli silang makakapag-usap at maibabalik ang samahan nila tulad noong nasa high school pa sila. In the end, as soon as they finally saw each other, one of them immediately forgets about the other. Lahat, lahat ay nakalimutan. Ang nakaraan, ang saya at lungkot, maging ang takot at poot. Ang lahat ng napag-usapan, kabilang ang kanilang pangako. "You... Ikaw 'yan 'di ba?! Amiel?! Ano ba'ng na-" "W-Who are you? Italy... Sino 'to?" Lahat ay nasira dahil lang sa isang car accident. What will they do now? Ano ang maaaring gawin ni Kayden upang maalala siya ng dating kaibigan? At may pag-asa pa nga bang maalala siya ni Amiel? O tuluyan na niyang makalilimutan ang lahat?
LGBTQ+
4.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Play with Me, Mr. Billionaire

Play with Me, Mr. Billionaire

[WARNING: SPG] Gwapo, playboy at malakas ang appeal. Iilan lang iyan sa mga katangian ng bilyonaryong si Kian Fuentavilla kaya napakaraming babaeng nagkakadarapa sa kanya—maliban kay Jhymea Madrigal. Isang dalagang manang kung manamit at madalas pang napagkakamalang lola at mambabarang. Panget si Jhymea, at aminado naman siya roon, pero para sa kanya ay may karapatan pa rin naman siyang mamili kaya inayawan niya si Kian na kahit mala-Adonis na ang datingan ay ubod naman ng yabang. Unang pagkikita pa lang ng dalawa ay nagkairingan na sila. Labis na dinibdib ni Jhymea na tinawag siyang ‘janitress’ at ‘ipis’ ng binata at ganun din si Kian sa kanya nang mapunit ang pwètan ng slacks nito dahil sa dalaga. Halos isumpa nila ang isa't isa hanggang napagdesisyunan ng kapatid ni Kian na si Nexie Fuentavilla na mag one-night stand silang dalawa. Kapalit nun ay ang impormasyong hinihingi ni Kian tungkol sa ex niyang si Tanya, at pera naman para kay Jhymea para mapauwi na niya sa bansa ang ina niyang OFW na kay tagal niyang ‘di nakasama. Dahil sa pagiging maloko ni Kian ay pinalabas niyang nabutas ang còndom na ginamit niya sa pakikipagtalik sa dalaga. Ilang linggo iyong iniyakan ni Jhymea kasi ang buong akala niya ay hindi na siya makaka-graduate, ngunit nahuli niya ang binata nung minsan ay may kausap ito sa telepono at inamin nito ang lahat. Doon ay naisip na gumanti ni Jhymea at pinalabas na totoong nabuntis nga siya ng binata. Nakarating ang tsismis na yun sa ina ni Kian na si Mrs. Anita Fuentavilla. Nagkukumahog na nagpaliwanag ang dalawa na hindi totoo ang lahat pero huli na kasi nagawan na sila ng kontrata ng ginang sa nalalapit nilang kasal. Matakasan kaya nila ang kapalarang nagsimula sa isang laro lamang? O mauuwi na ang lahat sa totoong pag-iibigan?
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
When The Mafia Falls In Love

When The Mafia Falls In Love

Hindi aakalain ni Heaven Langit na magbabago ang buhay niya pagkatapos nang napakalagim na pangyayari sa bar kung saan siya nagtatrabaho. Bilang isang pole dancer ay hindi niya aakalain na darating ang kinakatakutan niya kung saan magkakagulo at maraming tao ang madadamay lalo na't kilalang sikat ang pinagtatrabahuan niya na binibisita ng mga bigating tao. Isang gabi bago ang sakuna, lahat nagbago nang makilala niya si Dark Silva. Isa sa mga pinakamayaman at pinakadelikadong tao sa lugar. Nagkatinginan lang pero iba na agad ang apekto nito kay Heaven hanggang sa napansin niya ang lalaking araw-araw na itong bumibisita sa pinagtatrabahuhan nito at araw-araw na ring may gulong nangyayari. Sa mga titig na pinagsaluhan nila, hindi niya lubos na aakalain na mahuhulog siya sa kadiliman hanggang sa hindi niya namamalayan ay nagugustuhan niya na ang kadilimang ito. Darating ang pag-ibig na siyang hindi nila aakalaing dalawa na pareho silang tatamaan. Mga pangyayaring hindi nila aasahang sabay nilang susuungin. Ang bawat matatamis na luha, mapait na mga tawa at ang nakakalasong pagmamahalan ay siya pa lang magbibigay sa kanila ng labis na tuwa. Bawat pagsubok ay tatanggapin at bawat laban ay hindi uurungan sa ngalan ng kanilang pag-ibig.
Romance
10456 viewsOngoing
Read
Add to library
My Twin sister's Groom (Filipino)

My Twin sister's Groom (Filipino)

Kitty Meyaw
Si Sabrina ay may kakambal ito ay si Sabria. magkamukha, magkahawig at magkasing katawan. Makikita ang pagkakaiba nila ay sa kanilang mga mata kapag tinitigan mo ito ng mabuti, at isa lang ang mas nakakakilala sa kanilang dalawa ay walang iba kundi ang kanilang ina, parehong maganda, mabait, pero mas matalino si Sabrina kumpara sa kanyang kambal. Kilalang mayaman ang kanilang pamilya sa kanilang lugar dahil sa negosyante ang kanyang ama at dating beauty queen naman ang kanyang ina nong kabataan nito. Nagkaroon ng ultimate crush si Sabrina at sa katagalan na realize nya na first love nya na ito, dahil never sya nagka boyfriend, meron man nagtangka manligaw sa kanya pero di nya ito pinagtutuunan pansin. Hanggang sa nagkaproblema ang kumpanya ng kanilang pamilya at ang tanging solusyon ay arranged marriage. kailangan pakasalan ng kanyang twin sister ang anak ng kumpare ng kanyang ama. Pero nagkaroon ng problema dahil sa nabuntis ang kambal nya, naki usap ito sa kanya na makipagpalitan sa araw ng kasal dahil hindi naman raw sila mapapansin dahil magkahawig sila. Sa araw ng kasal nakipagpalit nga si sabrina sakanya kambal at doon nya lang nakita na ang lalaki sa kanyang harapan at pakakasalan ay ang kanyang first love.
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Better Than Revenge

Better Than Revenge

Matapos ang hiwalayan nila ng boyfriend niya ay natagpuan ni Elyssa ang sariling akay-akay ng isang estrangherong lalaki papasok sa isang bar. Dala ng galit at pagkabigo ay nagpakalunod siya sa alak kahit ang kainuman ay isang taong hindi niya kilala. Kinabukasan ay nagising siya sa isang estrangherong lugar... At katabi ang isang guwapo at malaki ang umbok... Este malaki ang brasong lalaki na nakayakap sa kanya at pareho silang nakahubad. Matapos ang nangyaring iyon ay bumalik ng Maynila si Elyssa na may hungkag ang puso, hindi lang sa break-up nila ng boyfriend niya, kundi sa lalaking nakainuman niya. Ang masama pa sa lahat ay nalaman niya na ang lalaking iyon ay siya palang bagong Boss niya. My mamumuo kayang romance sa dalawa? O patuloy na magpapakulong si Elyssa sa sakit ng nakaraan?
Romance
1014.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status