Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Will You Love Me? (BL)

Will You Love Me? (BL)

Anong gagawin mo kung isang araw ay bumalik ang isang dating kaibigan na matagal mo ng hindi nakikita? Sa halip kasi na matuwa ay mas lalo pang nagalit si Kenan Rey Santos matapos makita sa harap ng bahay niya ang best friend na si Caleb Roy Tan. Dalawang taon niya itong hindi nakita matapos biglang umalis papunta sa ibang bansa. Sa anong dahilan? Nang sinadya nitong sirain ang pangarap niya. Na mapasali sa basketball team ng school na siyang daan para makapasok sa gustong University. At sirain ang relasiyon na meron sila ng babaeng matagal na niyang gusto at nililigawan. Sa muling pagbabalik nito sa buhay niya. Ano kaya ang gagawin pa nito para lang muling sirain ang maayos at masaya niyang college life.
LGBTQ+
7.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Emergency couple series 1

Emergency couple series 1

Leeanna89
Isang malaking kalokohan ang ikasal sa lalaking nakasalubong lamang niya sa daan, Ngunit mas malaking kalokohan ang mag karoon ng feellings dito lalo pa't isang kasunduan lamang ang kanilang kasal. Dalawang karelasyon niya ang nag run away Groom sa araw mismo ng kanilang kasal kaya naman galit na galit ang ama niyang si Don Emilio dahil sa pag kakakaladkad sa kahihiyan ng kanilang pamilya. Sa pangatlong pagkakataon ay muling naulit ang tila sumpa sa buhay ni Sam kaya dahil sa takot na muling madissapoint ang kanyang Ama ay Napilitan siyang mag pakasal sa isang lalaking hindi niya lubos na kilala. Maging happy ending kaya ang lovestory niya sa piling ng lalaking pinili niyang pakasalan? All Rights Reserved Copyrights © 2020 by LEEANNA89
Romance
103.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Prae High

Prae High

MarkusJuan
Taong 2000, isang pandemya ang sumakop sa buong mundo na naging sanhi ng malaking pag baba ng populasyon. Lahat ng may buhay ay naapektuhan. Lahat ng natamaan ng virus ay nawawala sa sarili, kinakain ang sariling laman pati na rin ang sa kapwa nila, na sa kalaunan ay mapaparalisa hanggang sa maagnas ang natitirang parte ng katawan nito. Ang pandemyang umabot ng dalawang dekada ay kusang naglaho gaya ng mga naagnas na mga bangkay. Pero naging daan din ito para umusbong ang panibagong kababalaghan at misteryong dala ng virus na ito. Si Migi Baldemor na simpleng estudyante ay mababago ang buhay mula nang masaksihan niya ang karumaldumal na pagkawala ng mga kaibigan niya. Kasabay nang pagkawala ng kanyang ina ay siya rin paghahanap nito ng hustisya. Makikila niya ang lalaking tutulong at magdadala sa kanya sa Prae High. Sari-saring emosyon ang mararamdaman niya habang nakikipagsapalaran at nakikipaglaban na nakataya ang kanilang buhay. Hanggang saan sila dadalhin ng problema? Sino ang kakampi at sino ang tunay na kalaban?
Mystery/Thriller
102.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Ceo's Hated Wife's Secret

Ceo's Hated Wife's Secret

@KumanderEriii
Ang asawa na kinamumuhian at pinahihirapan ni Grey sa kasalukuyan ay may sikreto pala. Sikreto na maging daan kaya upang maputol ang galit niya rito o mas lalong maging dahilan para kamuhian niya ito?
Romance
101.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The CEO's Love Resurrection

The CEO's Love Resurrection

Si Marcuz Villafuerte ay isang matagumpay na CEO at mapagmahal na ama sa kanyang anak na si Spencer. Sa kabila ng tagumpay, nakagapos siya sa alaala ng kanyang yumaong asawa, na nag-iwan ng malaking puwang sa kanyang puso. Ngunit isang gabi sa isang art exhibit, nakilala niya si Lennah Jane, isang gallery assistant na nagtatrabaho ng ilang part-time jobs para lamang makaraos. Agad siyang nahulog sa simpleng ganda at kabutihan ni Lennah, na may kakaibang pagkakahawig sa kanyang nasirang asawa. Habang palaging bumibisita si Marcuz sa gallery, lalong lumalalim ang kanyang damdamin kay Lennah. Ngunit hindi lang basta pagkahumaling ang nadarama niya—may misteryosong koneksyon sa pagitan nila na hindi maipaliwanag. Sa kabila ng masalimuot na nakaraan at pagkakaibang buhay, may damdaming umaalab sa puso nilang dalawa na tila may sariling daan ng pagtutuloy. Ngunit sa pag-usbong ng kanilang relasyon, napagtanto nilang maraming bagay sa kanilang mga buhay ang tila magkaugnay. Isa itong kwento ng pagmamahalan at pagkakahanap muli sa sarili—ng dalawang taong parehong may sugat sa puso na naghahanap ng paghilom. Ngunit handa bang harapin ni Marcuz at Lennah ang lahat ng pagsubok na kasama ng bagong pagmamahalan, lalo na kung ang kanilang nakaraan ang magbabanta sa kanilang kinabukasan?
Romance
1.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Ravishing CEO: Burning For His Touch

The Ravishing CEO: Burning For His Touch

One hot night with a total stranger! Hindi inasahan ni Isabelle Montecillo na ito ang magiging sanhi ng malaking pagbabago sa kanyang buhay. Matapos pagtaksilan ng kanyang ex at pinsan, ay nakipagsapalaran siya sa isang misteryosong lalaki—ang gabing pinagsaluhan nila ay nag-iwan ng higit pa sa alaala. She got pregnant, and to make things worse, she didn’t know who the father was! Makalipas ang dalawang taon, nakakuha si Isabelle ng trabaho bilang advisor ng isang napakastrikong CEO na si River Dela Merced—isang lalaking may reputasyon sa pagiging maldito, mapusok, at nakakainis na gwapo. Malinaw ang prinsipyo niya: ayaw niyang makipagrelasyon sa kanya o kanino man—maliban na lang kung ito ang babaeng bigla na lang nawala sa kanyang buhay. Ngunit tila ba may plano ang tadhana. Habang lumalalim ang kanilang pagtutunggali sa trabaho, unti-unting nahuhulog ang loob nila sa isa't isa. At nang magsimulang magtugma ang mga bakas ng nakaraan, may isang katotohanang nag-aabang… posible kayang si River Dela Merced ang misteryosong lalaki noong gabing iyon? At kapag nalaman niya ang lihim ni Isabelle, masisira kaya ang lahat—o magiging daan ito upang tanggapin nila ang pag-ibig na matagal nang itinatakwil?
Romance
10159.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
A Life With Five Attorneys (TAGALOG)

A Life With Five Attorneys (TAGALOG)

RAINEENEE
She is Margarette Leora Bartolome, a girl who are suffering from severe narcolepsy. Naging pagala-gala sa masikot na daan simula nang mapalayas ng mga kamag-anak. Paano kung sa pagiging pakalat-kalat ay mapunta siya sa lugar kung saan nakasanayang tambayan mg limang lalaki? Will it drives to her unbelievable journey in life and love?
Romance
1012.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sir Ares, Goodnight!

Sir Ares, Goodnight!

Kahit pagkatapos makaranas ng dalawang buhay, hindi pa rin magawang tunawin ni Rose ang yelong puso ni Jay Ares. Durog ang puso, napagdesisyunan niyang mabuhay nang nagpapanggap bilang isang tanga. Dahil dito ay nagawa niyang lokohin si Ares at nakatakas kasama ang dalawa nilang anak. Ito ay lubos na kinagalit ni Ginoong Ares, at ang lahat ng tao sa paligid nila ay sigurado na ito ay ang magsisilbing sanhi ng kamatayan ni Rose. Gayunpaman, sa sumunod na araw, ang dakilang si Ginoong Ares ay makikitang nakaluhod sa isang tuhok sa gitna ng daan, sinusuyo ang makulit na babae, “Pakiusap ay maging mabuti ka at umuwi kasama ko!” “Sasama ako kapag pumayag ka sa mga kundisyon ko!” “Sabihin mo!” “Hindi ka maaaring kawawain ako, magsinungaling sa akin, at lalong-lalo na ang ipakita ang hindi mo natutuwang mukha sa akin. Dapat ay palagi mo akong tinuturing bilang ang pinakamagandang tao sa mundo, at dapat ay nakangiti ka sa tuwing pumapasok ako sa isip mo…” “Sige!” Natuliro ang mga saksi dahil dito! Ito ba ang sinasabi nilang mayroong panangga sa lahat ng bagay? Si Ginoong Ares ay tila nababaliw na, ang taong kaniyang nilikha ay nautakan siya. Dahil hindi niya ito magawang disiplinahin, ibibigay na lamang niya ang lahat ng kaniyang gusto!
Romance
9.5135.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY

I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY

Ang kasal ay nagbibigkis sa dalawang taong nagmamahalan. Si Jane ay kinasal sa lalaking dalawang beses palang niyang nakikita. Wala silang pagmamahal sa isa’t isa, para sa kanilang dalawa ang kanilang kasal ay sa papel lamang. Paano kung isang araw ay matuklasan niya na si Clegane, ang kanyang asawa ay hindi pala ordinaryong lalaki lang?
Romance
101.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Missing Billionaire (TAGLISH)

The Missing Billionaire (TAGLISH)

Dahil sa kahirapan ng buhay, pinasok ni Erina ang iba’t-ibang trabaho para lang matustusan ang kaniyang pangangailangan araw-araw. Binubuhay niya nang mag-isa ang kaniyang sarili simula no’ng umalis siya sa puder ng kaniyang ama. Naging maayos naman ang takbo ng kaniyang buhay pero nagbago ang lahat nang dumating at nakilala niya ang binatang si Wayne Louie Anderson. Isang bilyonaryo, kilalang personalidad sa larangan ng negosyo, at nagmamay-ari ng mga tanyag na resorts at casino sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa. Subalit, walang kaalam-alam si Erina tungkol doon. May isang pangyayari na nagtulak kay Wayne para ilihim ang kaniyang pagkatao at palabasin na siya ay nawawala. Ito’y naging daan para makasama siya ni Erina sa iisang bubong at naging daan para makilala at magustuhan siya ng dalaga. Magbabago kaya ang pagtingin niya sa binata kapag nalaman niya na ang tungkol sa totoong pagkatao nito? Isasantabi kaya niya ang galit para sa pag-ibig? O paiiralin ang galit at pagkamuhi, at sumuko sa iniibig?
Romance
101.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
45678
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status