She's My First Love
Ang tanging naglalaro lang sa aking isipan ay ang malapad na likuran ni Javier, ang pagsasayaw ng kanyang buhok dulot ng hangin, ang paghakbang niya at pagtalikod sa akin.
Naging bingi siya sa mga pagpapaliwanag ko. Ang sakit, sakit dahil nagkahiwalay kami na hindi man lang niya pinakinggan ang pagpapaliwanag ko, ang sakit-sakit, kasi ang buong akala ko, pakikinggan niya ako.. pero nagkamali ako, dahil ang kaisa-isang lalaking minahal ko ay tinalikuran lang ako at mas pinaniwalaan ang ibang tao...
"Love really sucks you know.." Kibit-balikat ko. "Sa una lang naman masaya Jackie.. I'm telling you.. kayang-kaya kang talikuran ng taong pinakamamahal mo.."
الفصول الرائجة