ENSLAVED by his TOUCH (TAGALOG)
Maya-maya pa ay may umakyat ng emcee sa entabladong inihanda para sa magsasalita.
“Ladies and gentlemen, may I have your attention, please,” panimula ng emcee.
Ang lahat naman ay napatingin sa unahan. Hindi naman binitawan ng kaniyang kasintahan ang kaniyang kamay na para bang tatakbo siya kapag pinakawalan nito.
“We’re gathered here today not just to celebrate this occasion, but to share wonderful news– Mr. Michael Esperanza; CEO and owner of this company and his girlfriend; Ms. Michelle Villanueva, are engaged and planning to tie the knot!”