Pangarap Ko Ang Ibigin Ka
Hindi niya malaman kung nakangiwi o nakangiti ba si Craig sa mga oras na iyon habang nakatitig sa kanya, kaya gusto na lang niyang maglaho dahil sa hiyang nararamdaman.
"Tatawagan ko si Dra. Santos, isa siyang obgyn, para ma-check ka niya at kung anong gamot ang dapat mong inumin." Kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa ng oantalon nito at tinawagan nga ang nasabing doktor. After fifteen minutes, isang babae ang dumating. Kung hindi siya nagkakamali ito si Marisol.
"Dok, I want you to meet my wife, Anastasia. Ana, siya si Dra. Santos," pagpapakilala nito sa kanilang dalawa ng doktora.
ตอนยอดนิยม