ANG PIYAYA NI PIPAY
Nakita ko ang kanyang bahagyang katahimikan, kaya agad ako nagsalita.
"Ahm, naniniwala kaba sa kasabihang destiny?"
Napatingin siya sa akin, tila nag-iisip sa tanong ko.
"Destiny?" ulit niya, bahagyang nakakunot ang noo. "Hmm, siguro. Pero hindi ko pa yata napatunayan 'yun sa sarili ko."
"Talaga? Bakit naman?" tanong ko, curious na curious.
"Well," sinimulan niya, habang hinihimas ang kanyang mga kamay, "Para sa akin, ang destiny ay parang kwento lang sa mga pelikula. Maganda pakinggan, pero minsan mahirap paniwalaan."