Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire and his Maid

The Billionaire and his Maid

ladyaugust
Si Alexis ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay. Pero paano niya matutupad ang pangarap kung puro naman kamalasan ang nangyayari sa kanya? Nawalan na ng magulang, at ngayon namang binubuhay ng mag-isa ang sarili ay natanggal pa siya sa trabaho? Hanggang panaginip nalang ba ang kanyang mga pangarap? Paano kung isang araw ay makatagpo at makilala niya si Colt isa sa mga top billionaires sa bansa.Subalit sa kabila ng pagiging bilyonaryo nito ay marami ang naghahangad sa kanyang kayamanan at kapangyarihan na naging mitsa ng buhay nito. Ang binata na kaya ang makakapagpabago ng kanyang kapalaran o isa rin ito sa magdadala ng kamalasan sa kanyang buhay?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Owning Her (tagalog)

Owning Her (tagalog)

"Pakakasalan Kita," walang emosyong mababakas sa boses nito. Sa tono nito ay hindi nagtatanong kundi nagsasabi lang na para bang utang na loob niya pa at dapat siyang matuwa. Napatigil siya sa pag-iyak. Marahas na nag-angat siya ng tingin dito. Nababaliw na ito kung iniisip nitong papayag siya sa gusto nitong mangyari. Hindi sa lalaking bumaboy sa kanya. Mapait siyang natawa "Hinding hindi ako magpapakasal sa demonyong katulad mo!" Puno ng pagkamuhi na sigaw niya dito. Ngunit wala siyang nagawa ng kaladkarin siya nito papunta sa isang judge para magpakasal. At mas lalong wala siyang nagawa ng unti-unting nahulog ang loob niya dito at matutunan itong mahalin sa kabila ng mga nangyari.
Romance
9.877.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Shadow Love of Mr. Zillionaire

The Shadow Love of Mr. Zillionaire

Para kay Jiannella, ang buhay ay parang isang salamin na nabasag—mahirap ng ayusin. Sa pagtatangkang ilayo ang kanyang kinikilalang kapatid sa kapahamakan, sumama siya sa kanyang tunay na mga magulang sa Pilipinas. Ngunit ang inaasam niyang tahimik na buhay ay nauwi sa isang malaking drama. Ang kanyang kapatid na si Mika, na anak ng dating yaya, ay labis na pinapaboran ng kanyang ina, na tila nagsisisi pa na dinala siya sa kanilang tahanan. At ang pinakamasakit, ang kanyang fiancé na si Duke, ay labis na umiibig kay Mika at gustong ipagpaliban ang kanilang kasal dahil lamang sa pagbabalik ni Mika mula sa ibang bansa. Sa desperasyon na makatakas sa kanyang pamilya, ipinost niya ang mainit na balita. Ang kanyang fiancé na si Duke, ay may relasyon sa kanyang kapatid na si Mika. Sa kasamaang palad, nagamit niya ang black card na bigay ng kanyang kapatid, at alam niyang anumang oras ay magpapakita ito sa kanyang harapan. Malapit na bang mabunyag ang kanyang madilim na sikreto? Lihim siyang may nararamdaman para sa kanyang kapatid, ngunit pilit itong kinukubli dahil sa takot na ito'y kakaiba.
Romance
10223 viewsOngoing
Read
Add to library
TIE OF LOVE

TIE OF LOVE

Hanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa iyong minamahal? _ Paano nga ba niya paiibigin ang isang taong mayroon nang ibang minamahal? Isang hamon iyon sa puso ni Aleyha, sabi nga nila walang pusong bato sa matiyaga kung umibig. Kaya handang gawin ni Aleyha ang lahat makuha lang ang puso ni Ivo Sebastian. Dahil kailangang umibig ito sa kanya kahit may Althea Mauricio pa sa pagitan nilang dalawa. Sisiguraduhin niyang sa huli sa kanya magpapatali si Ivo at siya ang iibigin nito. Dahil siya ang mas karapat-dapat sa puso at pagmamahal ni Ivo. _ Ngunit karapat-dapat nga ba talaga siya sa puso ng binatang bilyonaryo, hindi ba isa siyang babaing naninira ng relasyon at pumapasok sa pagitan ng dalawang pusong nagmamahalan? ***** 06-06-25 Story Written By: LadyGem25
Romance
268 viewsOngoing
Read
Add to library
Wrongfully Yours

Wrongfully Yours

SulatniMiss E
Iniluwal ni Celeste ang malusog at magandang bata na pinangalan niyang si Stacey. Ito lang ang tanging naiwan sa kanya nung iwan siya ng kanyang fiancee sa araw ng kasal nila. Hindi alam ng mapapangasawa sana ni celeste, na si Noah na may anak sila. Lumaki ang bata sa sariling sikap niya at nagtrabaho rin siya bilang waitress sa isang kilala at pangmayaman na restaurant sa sa syudad. Hindi alam ni Celeste na madudurog ulit ng buhay niya na muling magkrus ang kanilang mga landas. Misyon niyang itago at hindi ipakilala ang anak niya sa totoong tatay nito. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Noah, na may anak sila. Kukunin niya ba ang anak nila sa kamay ni Celeste o hahayaang magdurusa ang kanyang mag-ina sa hirap?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
I'm a slave for you

I'm a slave for you

Maagang naulila si Celina Manuel dahil sa isang aksidente. Dahil sa walang kamag anak lumitaw para kupkupin siya ay napilitan siyang buhayin ang sarili ng mag isa, hanggang sa swerteng nahanap siya ng kanyang ninang at ampunin. Ngayon sa bagong mundong ginagalawan ay pipilitin niyang harapin ang panibagong hamon ng buhay. Si Vincent Truins ang kaisa isang anak at tagapagmana sa kanilang pamilya, nabuhay sa luho at karangyaan. Dulot ng isang madilim na nakaraan ay hindi niya magawang magtiwala sa mga taong nasa paligid niya. Naniniwala rin siyang pwede niyang gawin ang kahit anong gusto niya dahil sa kanilang estado sa buhay. Anong mangyayari kung magkrus ang landas ni Celina na nais tuparin ang kanyang mga pangarap sa ikalawang pagkakataon at ni Vincent na walang ibang nais kung hindi ang magpakaligaya.
Romance
1012.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Mistake

The Billionaire's Mistake

Amari Dela Fuentes Isang Mafia Boss at mapanganib. Umibig sa maling Babae. At dahil sa pag-ibig nakagawa siya ng pagkakamali na kailanman hindi niya makakalimutan. Magawa nga kaya niyang makabawi sa taong ito. Ngayon sa muling pagkrus ng kanilang mga landas abot langit ang galit nito sa kaniya. At unting unti nahuhulog ang loob niya sa dalaga.
Mafia
5.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Royal Redemption (Chasing Series:02)

The Royal Redemption (Chasing Series:02)

Pipiliin ba ni Jace na yakapin ang pag-ibig na minsan niyang tinangka na takasan, o ang mga anino ng kanilang nakaraan ay maghahatid sa kanila sa pagkakahiwalay magpakailanman? At sa huli, kapag nagising si Luther, matutuklasan ba niyang si Jace ay naghihintay pa rin sa kanya, o talagang nakapag-move on na siya? Sa isang mundo ng panganib at pag-ibig, ang kanilang kapalaran ay nakabitin sa isang sinag ng pag-asa. Ano ang mangyayari sa kanilang kwento? Ang sagot ay nasa hangin, sa isang tadhana na patuloy na naglalaro.
Romance
10451 viewsOngoing
Read
Add to library
A PART OF ME

A PART OF ME

dser
Kahit halos hindi na makatayo sa kalasingan ay agad na pumunta si Maya sa dance floor at doon ay parang wala sa sariling umindak sa tugtugin. Ito ang paborito nilang kanta ng ate niya. Napaluha siya, at napaupo sa sahig, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito kayang kalimutan. Pakiramdam niya ay siya nalang ang nag iisang tao sa mundo. "Miss, are you okay?" boses ng isang lalaki Tumingala siya rito habang inaabot nito sa kanya ang isang panyo. "Ate Riza?" hilam sa luhang tawag niya rito.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
GUERRERO LEGACY 1: ADRIELLE GUERRERO

GUERRERO LEGACY 1: ADRIELLE GUERRERO

Bryll McTerr
Bilang isa sa walong tagapagmana ng Octagon, isang mafia organization na namamayagpag hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong Asya at sa iba pang karatig na kontenente ay walang kinatatakutan si Adrielle Guerrero. Para sa kanya ay hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay. Because why not? She has everything that every woman could ask for and she can defend herself as well. Pero nang makilala niya si Cougar Falcon, ang secret agent na nagtatago sa pangalang "Bob" ay biglang nagbago ang lahat para kay Adrielle dahil sa unang pagkakataon ay bigla niyang na-realize na mahina pala siya...mahina sa tukso kapag nasa tabi niya ang lalaki. Ngunit paano kung matuklasan niya ang tungkol sa totoong pagkatao ng lalaki at ang tunay nitong motibo sa pagpasok sa Octagon? Kaya kayang tanggapin ng puso ni Adrielle ang panlilinlang ni Cougar o pagbabayarin niya ito ng dugo gamit ang sarili niyang mga kamay?
Romance
103.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3132333435
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status