I'm a slave for you
Walang na siyang alinlangan sumakay sa kotse ng lalake, pero bigla niya nanaman naramdaman ang kaba sa kanyang dibdib, kaya naman agad niyang hinawakan ito para pahinahunin.
Hindi siya pamilyar sa tinatahak nilang daan, kaya naman lalo siyang nagtaka. "Saan po tayo pupunta senyorito?"
"You should stop that! Hindi mo ako kailangan tawagin ng ganyan pag andito tayo sa labas, tawagin mo ko sa pangalan ko," madiin nitong sabi sa kanya.
"Ah o-opo."
Bigla nanaman niyang naramdaman ang pag init ng kanyang mukha, kung kaya minabuti niya na lang maglayo ng tingin at ituon ang pansin sa labas ng bintana.
Bab Populer