HIS UNWANTED WIFE
Isang manipis na diamond pendant lamang ang nakasabit sa kanyang leeg, ngunit tila iyon na ang pinakaperpektong alahas para kumpletuhin ang kanyang outfit.
Habang inaayos niya ang huling bahagi ng kanyang lipstick, isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi ang ngiti ng isang babaeng handang harapin ang mundo, at ang lalaking minsang nagwasak sa kanya.
Sa sandaling iyon, hindi lang siya si Anastasia Montenegro siya ang Anastasia na bumangon, mas malakas, mas mapanganib, at mas maganda kaysa dati.