Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Impostor Bride

The Billionaire's Impostor Bride

Nang mamatay ang kanilang ina noong siya ay siyam na taong gulang pa lang ay nagmistulang ulila si Sierra at tila itinakwil na ng kanyang ama, sinisisi siya nito dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina. Kahit na ganoon ang trato sa kanya ng kanyang ama ay walang namuong sama ng loob sa kanyang puso at sa halip ay inisip na totoo ang sinusumbat nito at tinanggap iyon. Sa kagustuhan niyang mabigyan ng kahit kaunting pansin at pagkalinga ng kanyang ama ay sinusunod niya ang lahat ng mga utos nito kahit na labag sa kanyang kalooban. Mas lalong nagpabigat ng kanyang kalooban nang hilingin ng kanyang ama na palitan ang kanyang kapatid at magpanggap na siya si Noemi Sienna sa araw ng kasal nito sa isang bilyonaryong bulag. Hanggang sa kasalan lamang ba magtatapos ang lahat? Ano ang mararamdaman ng lalaking ikakasal kapag nalaman nitong ibang babae pala ang kanyang napakasalan?
Romance
9.97.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Lihim ni Anastasia

Ang Lihim ni Anastasia

Biktima ng magulong nakaraan. Pinaglaruan ng kapalaran. Dapat bang siya ang sisisihin sa lahat ng kasalanan na hindi naman siya ang may gawa?  Si Anastasia ay isang ampon. Masayahin at mapagpakumbaba sa lahat. Ngunit sinubok ng tadhana ang kanyang katatagan. Pinaglaruan ng kanyang tinuturing na kapatid. Ibinenta sa isang estranghero. Pinagtabuyan at nabuntis.  Paano kung isang araw, muling magkrus ang landas nila ng lalaking pilit niyang kalimutan. Makikilala kaya niya ito?  Paano kung ang taong kanyang pinagkakatiwalaan at inalayan ng kanyang buong pagmamahal ay itatakwil siya sa araw mismo ng kanilang kasal. Magawa niya pa kayang patawarin ito?  May kaugnayan kaya ang nakaraan nina Anastasia at Vance Michael Enriquez? Sino ito sa buhay ni Anastasia. 
Romance
1047.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing the Blind Billionaire

Seducing the Blind Billionaire

Isang kalapating mababa ang lipad, yan ang madalas na tawag sa mga tulad ni Juliana. Kahit anong pagtatama niya sa perception ng tao sa uri ng trabaho niya mababang uri pa rin ang tingin sa kanya. Pero ang pinakamasakit para kay Juliana ay ang ultimo taong mahal niya ay ganun din ng tingin sa kanya at mas malala pa kahit pa nga alam nito ang nature ng trabaho niya.Kaya lihim na pinangarap ni Juliana ang makalayo sa lugar at makahanap ng bagong buhay. Pero paano kung sa isang taong may mapansanan niya mahanap ang liwanag at tamang pagmamahal na inaasam? Magagawa kaya siyang mahalin ng lalaki sa kabila ng katotohan ng kanyang pagkatao
Romance
9.716.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Ang unang pagkikita nina Isabelle Reyes at Andres Vargas ay sa isang handaan, kung saan kapansin-pansin ang natatanging kagandahan ng dalaga. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay napako sa kanya. Tanging si Andres lamang na nakasuot ng tuwid na unipormeng militar, may mahigpit na tindig, at tahimik siyang tiningnan na may kalmadong pagkawalang-interes. Ngunit dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya — ang pamilya Reyes at pamilya Vargas — pinilit ipakasal si Isabelle kay Andres, isang bagay na hindi naman tinutulan ng dalaga. Matapos ang kasal, habang sila ay magkasama sa kanilang higaan, tinanong ni Andres si Isabelle tungkol sa ugnayan nila ng kanyang kapatid na si Marco. Sa pagkakaalam ni Andres, may malalim na pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman, dahil sa pakiwari niya, inagaw niya ang nobya ng kanyang kapatid. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting nahulog ang kanyang damdamin para kay Isabelle at ninais niyang mapasakanya ito ng buo. Ngunit may isang lihim si Isabelle — isang lihim na siya ay muling nabuhay upang iligtas ang buhay ng lalaki mula sa nalalapit nitong kamatayan dulot ng digmaan. Maililigtas kaya niya ito, o magkasama silang mapapahamak?
Romance
10584 viewsOngoing
Read
Add to library
PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE

PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE

Pinagtaksilan si Psalm ng asawang si Darvis. Sa araw ng wedding anniversary nila, sa halip na umuwi upang i-celebrate iyon kasama siya ay mas pinili ng lalaki na samahan ang kapatid niyang si Pearl na tatlong buwan nang buntis. Nagdesisyon si Psalm na umalis at hiningi ang tulong ng isang kaibigan upang magsagawa ng pekeng aksidente para sa kaniya. Pero bago lumisan, sisirain muna niya ang buhay ng asawa at ng kabit nito, bilang kabayaran sa lahat ng pasakit. Maghihiganti siya. Ngunit bago ang araw ng kaniyang pekeng kamatayan ay nakilala niya si Ymir Janus Venatici, isang lalaking hawak sa kaniyang palad ang buong bansa. Nag-alok ito ng tulong pero puso niya ang hinihingi nitong kapalit. Magagawa ba niyang ibigay ang sarili sa lalaki kung takot na siyang magmahal muli?
Romance
1093.3K viewsOngoing
Read
Add to library
DARK POSSESSION: Bound by Blood

DARK POSSESSION: Bound by Blood

Ipinagbili si Elaris Vaeloria ng sarili niyang ama sa makapangyaring pamilyang Montefalco— at doon, tuluyan siyang  nawala sa mundo ng kalayaan at dangal. Ginapos ng utos, kontrol, at takot, natutunan niyang ang bawat sandaling malaya ay may kapalit. Sa gitna ng sakit at pagdududa, matapos iligtas ay tumakas siya kay Damian Vossryn, naniniwalang lahat ng kapangyarihan ay nagdudulot ng pagkawasak. Pero nagbaho si Damian. Ang halimaw na kinatatakutan ng mundo ay natutong maramdaman... ang pagmamahal. At nang muling pagtagpuin sila ng tadhana, hindi na niya hinihingi ang pagsuko ni Elaris— ang puso na niya ang kaniyang nais. Ngunit sa mundong pinaghaharian ng dugo at lihim, may puwang pa ba ang pag-ibig na marupok... o nakatadhana rin itong masira?
Romance
10210 viewsOngoing
Read
Add to library
CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD

CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD

**MATURE CONTENT** When a Gay Meets His Match: A Badass Lady Bodyguard with a pretty cheeky brain. Si Fourth Misuaris ay isang mayamang A-list actor—rebellious, palaban, at sanay sa buhay na siya ang nasusunod. Ngunit magbabago ang lahat nang dumating si Caramel Morgan, isang dating secret agent na ini-hire ng daddy niya na maging bodyguard at office secretary niya. Hindi alam ni Fourth, matagal na silang may koneksyon. Limang taon na ang nakalipas mula nang maganap ang isang gabi ng pagkakamali sa pagitan nila. Isang gabi na nagbunga ng isang lihim na anak. Habang pilit tinatago ni Caramel ang nakaraan, hindi niya maitanggi ang muling pag-usbong ng damdamin sa pagitan nila. Ngunit kasabay ng paglapit ng mga puso nila ay ang lalong paglala ng mga komplikasyon: arranged marriage, mga lihim, at mga planong hindi natuloy. Pagkalipas ng ilang taon ng pagkakahiwalay at sakit, muling bumalik si Fourth, handang ipaglaban ang kanyang pamilya. Ngunit puno pa rin ng sugat ang kanilang nakaraan. Isang dramatic rescue, isang gabi ng katotohanan, at isang muling pagkakataon ang magtutulak sa kanila sa desisyong piliin ang isa’t isa hindi dahil kailangan, kundi dahil mahal nila ang isa’t isa nang totoo. Isang kwento ng pagmamahalan, pamilya, at tapang kung saan ang tunay na pag-ibig ang magtatapos sa lahat ng sakit.
Romance
107.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Vengeance of the Heiress

The Vengeance of the Heiress

Mavis witnessed the downfall of her clan. Nasaksihan niya ang pagkawala ng lahat sa kanya. Ang pagkamatay ng mga magulang niya, ang pag-agaw sa kompanya nila at ang unti-unting pagkawala ng pagkatao niya bilang nag-iisang tagapagmana ng Servillon. Lahat ng iyon ay nagsiga sa galit at poot niya at naging ugat ng kagustuhan niyang mapaghiganti at mabawi lahat ng kinuha sa kanya. In the middle of her vengeance she entangled herself with the other inheritors, including Cyrus Dashiel Resalde, the gorgeous man that she first met in the middle of the night under the bright full moon. The man that holds a lot of secret na may kinalaman sa pagkatao niya. Magtatagumpay kaya siya sa kanyang paghihiganti kung sa kalagitnaan ng pagpapaplano niya ay nahulog siya sa bangin ng pag-ibig na sa una pa lang ay dapat na niyang iniwasan.
YA/TEEN
104.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Contracted Night with Billionaire

Contracted Night with Billionaire

BABALA: ANG KWENTONG ITO AY HINDI ANGKOP SA MGA MENOR DE EDAD.🔞 NAGLALAMAN ITO NG MARAMING SPG (STRIKTONG PATNUBAY AT GABAY) 🔞 Dahil sa kahirapan nakagawa si Andrea ng isang di malilimutang nakaraan kasama ang taong pilit na sana niyang kinalimutan, ngunit tadhana ang humanap ng paraan para ito'y kanyang muling masilayan. Sa ikalawang pagkakataon nagtagpo muli ang landas nila ng lalaking unang kumuha ng pagka birhen niya. Si Tyron Madrigal ang taga pagmana ng Madrigal Group of Companies, at nag alok sa kanya ng kontrata bilang taga pag aliw nito sa kama kapalit ng trabaho at pera para sa sakit ng lolo niya. Ngunit paano kung sa kasundoang iyon ay matalo siya? Mahal niya na ang bilyonaryong boss.
Romance
1045.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Secret Affair with My Hot Ninong

Secret Affair with My Hot Ninong

Matapos mamatayan ng mga magulang, natagpuan ni Liana ang sulat ng kanyang ama na naglalaman ng isang pangakong proteksyon mula sa Ninong niyang si Rafael Vergara. Sa pag-asang matulungan siya nito, lumuwas siya sa lungsod. Ngunit ang inabutan niya ay hindi ordinaryong Ninong, isang bilyonaryong haciendero, gwapo, at makapangyarihan ngunit sobrang istrikto. Tinanggap siya nito bilang kasambahay, kapalit ng pagkakataong makapag-aral. Ngunit habang tumatagal, unti-unting nagiging malabo ang hangganan ng respeto at pagnanasa. Hanggang sa ang pangako nitong proteksyon ay nauwi sa pagkahumaling. Paano na kung ang Ninong niya ang dahilan ng bawat tibok ng kanyang puso? Ngayon, siya ay bihag ng pag-ibig na ipinagbabawal… sa lalaking hindi niya dapat mahalin, ang kanyang Ninong na nakatakda ng ikasal sa kasintahan nito.
Romance
1012.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2324252627
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status