ANG PIYAYA NI PIPAY
Mukha pa namang mabait siya… pero bakit parang hindi kami magkalevel ng vibes?
Bigla akong napabuntung-hininga at hinarap si Harold, pilit pinipigilan ang tawa sa kabila ng tensyon. "Ah… nice to meet you, too, Harold," sagot ko, pilit na nagtatago ng kaba at konting inis. "Pero narinig mo naman ang sinabi ko, 'di ba? Sabi ni Mama at Papa, buntis ako—kaya hindi talaga matutuloy ang kasalan."