One Last Time
“Ano’ng nangyari sa’yo? Parang iba ka.”
Pumunta sila sa isang mamahaling restaurant para mag-dinner. Habang kumakain, sinubukan ni Olive na buhayin ang usapan.
“Romer, na-miss kita talaga. Nung nasa Europe ako, lagi kitang iniisip. Akala ko pagbalik ko, tayo na talaga.”
Tinitigan ni Romer ang plato niya. “Olive… may asawa ako.”
“Pero sabi mo noon stand-in lang siya. At ngayon, wala na siya, diba? Ito na ‘yung chance natin.”