My Trillionaire Boss is my Baby Daddy
Walang muwang na dumalo si Klaire Limson sa isang bachelorette party kasama ang kanyang stepsister at mga kaibigan; isang huling gabi ng saya bago siya tuluyang magpakasal sa kanyang nobyo. Ngunit ang dapat sanang maging masayang alaala ay nauwi sa isang pagkakamaling hindi niya inaasahan.
Nagising na lamang siya sa isang hotel room, wala ni anino ng alaala kung paano siya nakarating doon—at higit sa lahat, kasama ang isang lalaking hindi niya kilala.
Mabilis siyang tumakas, umaasang maililigtas pa ang lahat. Pero huli na ang lahat. Pagsapit niya sa kanilang tahanan, naghihintay na ang galit ng kanyang ama.
Kanselado ang kasal.
Tinakwil siya ng pamilya.
At ang dating hinaharap na puno ng pangarap... tuluyan nang naglaho, lalo pa’t dumating ang isang hindi inaasahang souvenir nang gabing ‘yon.
Buntis siya…
Sa hindi inaasahang pangyayari, nakilala ni Klaire ang lalaking nakasama niya nang gabing ‘yon. Walang iba kung hindi ang Tito ng kanyang ex-fiancee. Si Rage De Silva.
Ano na lang ang gagawin niya kung ninanais nitong panagutan ang batang nasa sinapupunan niya?
Paano kung ang lalaking kinamumuhian niya ay yayain siyang magpakasal?