Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Ex and Whys

My Ex and Whys

Sa lahat ng school, may maituturing na Campus curshes, Queen Bee, Ice Princess and Mr & Ms. Popular. Sikat na sikat ang pangalan na Cassandra Monteralba sa isang University sa Maynila hindi lamang dahil sa ganda o talino niyang taglay kundi dahil sa pagiging malamig, supalda, mataray at walang kinikilingan na kahit sino, kaya binansagan itong Ice Princess Pero kahit gaano kataas at lamig ng pader na matagal ng naitayo ni Cassandra ay walang hirap itong binasag at nilusaw ng isang masiyahin, malambing at hindi susuko na si Aubree Gonzales. Magagawa nga bang mapaibig at mapainit ni Aubree ang nagyeyelong puso ni Cassandra? Don't steal my story, this is my original.
LGBTQ+
1013.0K viewsOngoing
Read
Add to library
AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife

AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife

Sa loob ng tatlong taon, iniwan ni Karylle Granle ang lahat—karera, pangarap, at kalayaan—para maging ulirang asawa ni Harold Sanbuelgo. Ngunit nang magising ang pinsan niyang minsan nang inagaw ang puso ni Harold, bumagsak ang mundo ni Karylle. Sa harap ng isang divorce agreement, pilit siyang pinipirmahan ni Harold, tinatanggal ang lahat ng dignidad at pagmamahal na minsan niyang inialay. Ngunit sa halip na magpakaapi, pinili ni Karylle na maging malaya. Binitawan niya ang lahat ng bagay na may kaugnayan kay Harold para magsimula muli.
Romance
8.8186.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Looking for a perfect man

Looking for a perfect man

Rica De Guzman, matalino, maganda mabait, at higit sa lahat matulungin at mapagmahal sa pamilya. Ito ang mga katangian na ika nga ay wala ka nang hahanapin pa. Rom Ortega, gwapo, mayaman the hottest bachelor in town, nasanay na lahat na ang babae ay makukuha niya sa isang pitik lamang nang mga daliri nya. Ngunit paano kung isang Rica ang bumihag ng puso nya ngunit ayaw naman ng babae rito. Ngunit hindi papayag si Rom. Gagawin nya ang lahat makuha lang ito
Romance
10597 viewsOngoing
Read
Add to library
SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

Nagising si Freya sa hospital, nahihilo, nasusuka, at natatakot, kasabay ng pagtambad ng balitang, siya ay nagdadalantao. Naalala niya ang dahilan kung bakit siya napunta sa ospital, ang dahilan ng kanyang paghihirap: si Alexander Evans, ang CEO ng Evens Industry. Isang mapanganib at malupit na bilyonaryo. Inakala ni Freya na magiging masaya siya sa piling ng binata, ngunit hindi pala dahil sakuna ang dala ni Alexander sa buhay niya. Binigyan siya nito ng pag-ibig na siya ring sumira. Tumulo ang mga luha ni Freya. Si Alexander, ang pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay! Ngayon, determinado siyang hindi na ito mauulit. Iniwan niya si Alexander na sugatan ang kanyang puso, dala ang kanilang anak sa kanyang sinapupunan. Itinago niya ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya at nagsimula muli upang bumangon. Akala niya'y hindi na sila magkikita muli, ngunit pagkalipas ng limang taon, muling nagkrus ang kanilang landas. "Mommy, gusto ko si Uncle Evans ang maging daddy ko, please!" pakiusap ni Rose, ang anak ni Freya. Hindi kayang tanggihan ni Freya ang kanyang anak. Hindi rin niya kayang sabihin ang katotohanan na si Alexander ang ama ni Rose. Paano kung malaman ni Alexander na si Rose ay kanyang anak? Guguluhin ba nito muli ang buhay ni Freya? Susugatan, sasaktan ba nito ang kanyang puso na magiging dahilan ng kanyang muling pagkalugmok?
Romance
9.873.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Chasing You

Chasing You

Black_Angel20
Si Beverly ay isang babaeng miyembro na may sticky-tip shots na ugaling nababagay sa isang spoiled brat. Ayaw na ayaw niyang hindi nakukuha ang gusto niya. Kaya hindi niya pinalagpas ang lalaking naging sanhi kung bakit nabuhay ang damdamin sa kanyang puso na sinarili niya lang at itinago. Pero malupit talaga ang tadhana dahil hindi siya ang nagugustuhan nito. So she pushed herself to be fit for him kaya lang ay hindi siya naging sapat para mahalin at ibigin ng lalaking kailanman ay hindi tatapatan ang pagmamahal na inialay niya para dito. Suko na siya. Pero nang madiskubre ng binata ang sikretong pinakaingat-ingatan niya. Bumaliktad ang mundo at ito na ang laging sa kanya ay naghahabol.
Romance
6.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Thorn Between Duty And Desire

Thorn Between Duty And Desire

Si Anathalia Eirah Dela Rosa ay ang pinakatampok na halimbawa ng isang spoiled brat—matigas ang ulo, impulsive, at sanay na laging makuha ang kanyang nais. May matalim na dila at pusong puno ng mapanghimagsik na lakas, hindi siya kailanman kailangang sumagot sa sinuman, lalo na sa isang lalaki. Ngunit magbabago ang lahat nang makilala niya si Kaelion Isolde Vesperas, isang kalmado at mahinahon na gobernador na may pusong kasing matibay ng kanyang awtoridad. Walang pakialam si Kaelion sa mga charm ni Anathalia, at wala ni isang bagay ang nakakagulo sa kanyang mahinahong anyo—lalo na hindi isang maapoy na babae na akala niya’y kaya niyang pabagsakin. Habang sanay si Anathalia na ang mga tao ay yumuyuko sa kanyang gusto, nananatiling matatag si Kaelion, hindi tinatablan ng kanyang mga tantrum at maligalig na pagtatangkang mapansin siya. Habang ang magaspang na ugali ni Anathalia at mga pang-aakit ay hindi nakakalusot sa malamig na pagtanggap ni Kaelion, natutuklasan niyang hindi basta-basta mananalo ang kanyang puso. Kailangan niyang magbago at matutunan ang kahalagahan ng pagiging bukas, isang bagay na hindi pa niya kailanman inaalok. Sa isang mundong kung saan nagtatagpo ang pagnanasa at kapangyarihan, ang magkaibang impulsiveness ni Anathalia at ang mahinahong pagpipigil ni Kaelion ay nagbabanggaan sa isang laban ng mga kalooban. Magagawa kaya niyang iwaksi ang kanyang pagiging spoiled upang makuha ang respeto—at marahil pati ang pagmamahal—niya? O hahantong ba ang mga whim ng kanyang puso sa isang landas ng pagkabasag ng puso? @cursebyharrrt Date Started: November 28,2024 Date Finish: Status: On-going A/N: Slow Update, please bare with the writer.
Romance
821 viewsOngoing
Read
Add to library
My Brother’s Bestfriend is My Baby’s Father

My Brother’s Bestfriend is My Baby’s Father

Ang tanging hiling ni Lexie Marie Delos Reyes ay matupad ang pangarap ng kaniyang Lola. Ang makasal at tuluyan nang lumagay sa tahimik. Ngunit sa araw mismo ng kaniyang kasal, gumuho ang lahat nang tumakas ang kaniyang fiancé upang sundan ang babaeng tunay nitong mahal sa ibang bansa. Sa gitna ng sakit at kahihiyan, napilitan siyang gumawa ng desisyon na magbabago ng lahat. To marry Kaizer Zapanta, her brother’s best friend. Isang lalaking kilala sa pagiging malamig, misteryoso, at isang trilyonaryo na kinatatakutan sa mundo ng negosyo. "If it’s marriage you want, I’ll take his place. But don’t expect me to give you my heart." – Kaizer Zapanta Ang kasal na inakala ni Lexie na pakitang-tao lamang ay unti-unting nagiging mapanganib sa puso niya. Unti-unti niyang natuklasang na sa likod ng malamig na anyo ng lalaki, may init pala doong kayang tunawin ang lahat ng takot, at sakit sa puso niya. And just when her heart began to trust again, Zyrus—her runaway fiancé—returned with a confession that threatened to ruin everything. "Come back to me, Lexie. After all, we’re expecting a child. Won’t you introduce me as their father?" – Zyrus Martinez Ngayon, kailangan niyang pumili. Sino sa pagitan ng lalaking minsang iniwan siya, o sa estrangherong hindi na lang basta asawa kundi ama ng kaniyang dinadala, ang kaniyang pipiliin?
Romance
10618 viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia Boss Pick up a Child

The Mafia Boss Pick up a Child

A-Bleu
The Mafia Boss Kylo Lucian.Kilala sa pagiging mahigpit, malupit, at walang awa.Wala siyang pinapalagpas na atraso ng kahit sino man. Marami ang umaasa na balang araw kapag may napusuan siya babae ay magbabago ang pag-uugali niya.Magbabago ang  malupit na Mafia Boss.Subali't posibli nga ba? Kahit na parang wala itong balak na pumatol sa babae o mag-asawa? Akala ni Kylo ay hanggang hindi siya mag-aasawa ay walang makakapagpaikot sa kanya na kahit sinong babae sa palad nila.Hinding-hindi siya bibigay sa kahit na sino. Yan ang pangako niya sa sarili. Pero sino ba ang mag-aakala na hindi nga asawa ang makakapagpabigay at makakatunaw ng matigas na puso ng isang Kylo Lucian—Kundi isang 4 na taon na batang babae, anak ng lalaking nagkakautang sa kaniya na bigla nalang nawala.
Other
8.0K viewsOngoing
Read
Add to library
One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire

One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire

Si Eloise Odette Biazon ay isang tahimik ngunit matatag na babae na buong pusong naglilingkod sa kompanya ng kanyang ama. Simple lang ang pangarap niya, isang lalaking magmamahal nang tapat at isang pamilyang mabubuo sa pundasyon ng tiwala. Ngunit sa gabing akala niya’y simula ng forever niya, naging bangungot ang lahat. Ipinagkanulo siya ng lalaking minahal niya at ibinenta ang kanyang virginity kapalit ng promosyon. Isang pagkakamali sa suite ang nagdala sa kanya sa ibang lalaki… kay Locklan Reed Herrera, isang makapangyarihan at walang-awang CEO na sanay makuha ang lahat ng gusto, maliban sa pag-ibig. Isang gabi. Isang pagkakamali. Isang buhay ang nabuo. Nang gipitin ng mga utang ang kanyang kapatid at manganib ang kalagayan ng kanyang amang may sakit sa puso, napilitan si Eloise na harapin muli ang lalaking nais na sana niyang kalimutan. Ngunit si Locklan ay may sariling problema rin - kailangan niyang magpakasal at magkaroon ng tagapagmana upang masiguro ang kanyang pamana at mapanatili ang kanyang business empire. Isang kasunduang may katapusan. Isang kasal na walang damdamin. Isang taon upang gampanan ang papel ng ‘perfect marriage’. Ngunit paano kung ang galit ay maging pagnanasa? Paano kung ang pagpapanggap ay mauwi sa tunay na damdamin? Sa likod ng malamig na kasunduan at mapait na nakaraan, maaaring ang puso rin ang tuluyang sumugal. At kapag dumating ang oras ng pagpili, kalayaan o pag-ibig? Handa ba silang sirain ang kontrata… para sa isa’t isa?
Romance
103.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Sir Ares, Goodnight!

Sir Ares, Goodnight!

Kahit pagkatapos makaranas ng dalawang buhay, hindi pa rin magawang tunawin ni Rose ang yelong puso ni Jay Ares. Durog ang puso, napagdesisyunan niyang mabuhay nang nagpapanggap bilang isang tanga. Dahil dito ay nagawa niyang lokohin si Ares at nakatakas kasama ang dalawa nilang anak. Ito ay lubos na kinagalit ni Ginoong Ares, at ang lahat ng tao sa paligid nila ay sigurado na ito ay ang magsisilbing sanhi ng kamatayan ni Rose. Gayunpaman, sa sumunod na araw, ang dakilang si Ginoong Ares ay makikitang nakaluhod sa isang tuhok sa gitna ng daan, sinusuyo ang makulit na babae, “Pakiusap ay maging mabuti ka at umuwi kasama ko!” “Sasama ako kapag pumayag ka sa mga kundisyon ko!” “Sabihin mo!” “Hindi ka maaaring kawawain ako, magsinungaling sa akin, at lalong-lalo na ang ipakita ang hindi mo natutuwang mukha sa akin. Dapat ay palagi mo akong tinuturing bilang ang pinakamagandang tao sa mundo, at dapat ay nakangiti ka sa tuwing pumapasok ako sa isip mo…” “Sige!” Natuliro ang mga saksi dahil dito! Ito ba ang sinasabi nilang mayroong panangga sa lahat ng bagay? Si Ginoong Ares ay tila nababaliw na, ang taong kaniyang nilikha ay nautakan siya. Dahil hindi niya ito magawang disiplinahin, ibibigay na lamang niya ang lahat ng kaniyang gusto!
Romance
9.5136.2K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3233343536
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status