LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND
Alam niya iyon, ramdam na ramdam niya iyon noon.
Ngunit para sa kanya, hindi sapat ang pagmamahal lang. Habang tumatagal, pakiramdam niya ay unti-unti siyang nasasakal. Bawat araw ay pare-pareho. Gigising, magluluto, maglilinis, mag-aasikaso ng bahay at negosyo.
Isa lamang siyang ordinaryong housewife, malayong-malayo sa buhay na minsan niyang pinangarap... malayo sa buhay ng isang modelo.