Naisip mo na bang harapin ang tanong na ‘Sino ang taong hindi mo kayang patawarin, at bakit?’? Ang mga ganitong klaseng tanong ay hindi lang basta nakakapagpaisip—nakakapagpakulo din ng damdamin. Marami sa atin ay may mga bagay na mas pinipiling itago na lang, pero kapag hinugot ng truth or dare, biglang lumalabas ang mga sugat na akala natin ay healed na.
Masakit man, pero ang ganitong mga tanong ay nakakatulong din sa personal na pag-unawa. Minsan kailangan nating harapin ang mga bagay na pinipiling kalimutan para tuluyang makapag-move on. Pero syempre, depende pa rin sa level of comfort ng mga kasali kung hanggang saan kayo pupunta.