THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER
Naupo sya sa tabi ko at banayad na hinagod ang likod ko.
“Iiyak mo lang, okay lang ‘yan. Para mabawasan ang bigat sa dibdib mo. Mahal na mahal mo kasi, oo alam ko. Hindi ka naman iiyak ng ganyan kung hindi. Alam mo, Ma’am Kat, anak, tumatapang talaga tayo kapag nagmamahal tayo. Matapang kasi hinahayaan mo ang sarili mong sumugal sa pamamahal sa kabila ng mga pagsubok. Matibay ang mga buto mo pati na ang puso mo. Kaya mong salagin ang lahat. Pero dapat ‘yung tapang na ‘yun, hanggang sa huli hindi nababago. Kung matapang ka sa una tapos bigla kang naduwag sa huli, ibig sabihin lang no’n, hindi ka pa talagang handa. Hindi sapat ang pagmamahal mo para lumaban ka hanggang sa huli.”
Hot Chapters