Ang Runaway Maid Ng Bilyonaryo
Isang gabi, duguan at tumatakas si Althea "Thea" Dimaculangan sa mga taong gustong bumili sa kanyang buhay. Sa gitna ng desperasyon, literal siyang bumagsak sa tapat ng sasakyan ng isang lalaking hindi marunong maawa.
Si Marcus Aurelius Montenegro—isang makapangyarihang bilyonaryo na kilalang malamig, suplado, at ayaw na ayaw na hinahawakan siya ng kahit sinong babae.
Sa takot na maibalik sa impiyernong tinakasan, naging personal na kasambahay si Thea sa mansyon ni Marcus. Isang buwan lang ang palugit sa kanya ng bilyonaryo—huwag magpapakalat-kalat, huwag magnanakaw, at higit sa lahat, huwag siyang hahawakan.
Pero paano kung isang gabi, sa gitna ng matinding bangungot, ang takot na