Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Maid For You

Maid For You

Kasambahay ang pinasukan niyang trabaho ngunit dahil sa isang pagkakamali, isa na siya ngayong Maybahay. Kilalanin si Estrella Dominguez, ang probinsyanang handang makipagsapalaran sa siyudad para sa paghahanap ng trabaho ngunit dahil sa ka-mangmangan, napasok siya sa malaking gulo na babago sa takbo ng buhay niya. Kailangan niyang pakasalan si Sebastian Martinez, ang boss niya sana pero sa isang iglap, magiging asawa na pala niya. Kasal na sila ngunit hindi mahal ang isa't-isa. Posible kaya itong magbago at mauwi sa pagmamahalan o baka naman sa huli ay deborsyo ang kahinatnan?
Romance
10112.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Until The Hate gone

Until The Hate gone

Itsmeiffa
Sa bawat librong ating binabasa ay tungkol sa bidang sinubok ng isang kalaban . Yung klase na galit tayo sa kasamaan.habang galit tayo sa kanila sila naman ay nagdudusa, tinatanong ang sarili bakit sila ang naging masama sa kwento? Deserve ba nila ang galit natin? But how about their point of view hindi ba pwde natin alamin muna bago humusga? May sariling kwento din sila... hinuhusgahan natin sila ng hindi natin alam ang kanilang point of view may sariling kwento din sila.. hindi alam ng karamihan sa atin.. they have a story too Until the hate gone Ereshkigal a girl who wants to be loved, she wants to be loved my her mother and his father but hindi nangyari ang gusto niya instead of love, hatred and angry she felt she use her power to lived. Her life full of hatred and nightmare you cant judge her. They say kung anong itinuro siya din ang natutunan. Is it right? When she go to dark academy without his father permission. Nabago ang lahat. Natutunan niyang umintindi... habang natutu siya hindi niya alam na isang malaking misteryo pala ang kanyang buhay.. napapqligiran pala siya ng misteryo... paano kung yung nagturo sa kanyang umintindi, mag bago. At higit sa lahat maging siya.. Lahat ng nakapaligid sa kanya kasinungalingan lang pala Paano kung ang sakit niya ay doble lang pala sa pagpasok niya doon? She killed her mother and she wants to kill his father. She felt like tinalikuran siya ng mundong ginagalawan niya. Lumaki siya na napapaligiran ng galit. But now she learn about it.they called eresh evil. They called eresh as a selfish.is it to much?she have a fellings to.. When you chose to revenge be ready to the result..
Fantasy
6.62.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Innocent Cheater

The Innocent Cheater

Author BadkittenC
Isang pangyayari ang nagtulak kay Zandra na mag-apply bilang sekretarya ng isang bilyonaryo at CEO ng isang sikat na kompanya sa pilipinas na si Christian Luke Trinidad. Sa kabutihang palad ay natanggap siya ngunit ang hindi niya alam ay may pinaplano pala itong hindi maganda laban sa kaniya. Simpleng bangayan na nauwi sa pag-iibigan. Ngunit isang rebelasyon ang siyang wawasak sa pagsasama nila. Isang rebelasyon na siyang pupukaw sa pagkatao nila. Isang sikretong mabubunyag. Dalawang pusong masasaktan. Pag-iibigang matatapos. Sapat ba ang salitang pag-ibig para lumaban? Handa ka bang piliin ang taong itinuturing mong kaaway? Pagmamahal laban sa pagmamahal. Ano ang pipiliin mo?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Nerdy Prostitute

The Nerdy Prostitute

Ilocano writer
Isang dalaga Ang binenta ng kanyang tiyahin sa isang club at ito ay nagbebenta ng laman.Walang alam o karasan Ang dalaga dahil Isa itong nerd at walang ibang gawin kundi Ang magbasa ng libro. Dahil sa kanyang kagandahan at ganda ng katawan,hindi maiwasan na hindi maakit sa kanya Ang isang bilyonaryong binata.Hanggang sa dumating Ang araw na mahal na Pala nila Ang isa't -isa.Hanggang saan mararating Ang kanilang pagmamahalan gayon may hadlang Ang kanilang pagmamahalan. Series 2:The Nerdy Prostitute Virgin prostitute (Havana)The playboy downfall
Romance
103.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE

THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE

Si Elijah Juarez, 25 years old, ipinanganak sa kahirapan ngunit itinadhana para sa marangyang buhay. Pinakasalan niya ang lalaking pinapangarap ng lahat — si Lejandro Ferman, anak ng isang bilyonaryo at tagapagmana ng pinakamalawak na hacienda sa bayan ng Velegas. Isang kasal. Isang pangakong walang hangganan. Isang buhay na tila perpekto... Pero paano kung ang lahat ng ‘perpekto’ ay bigla na lang maglaho? Ginawa kang alipin. Utusan. Alila. Pinagmalupitan. Tinanggalan ng dignidad. At ang lalaking pinakasalan mo — si Lejandro — bumalik sa Pilipinas… Ngunit hindi para iligtas ka. Kundi para ituring kang hindi asawa, kundi isang hamak na katulong sa kanilang hacienda. "Saan hahantong ang pagiging asawa ng isang bilyonaryo kung hindi ka niya kinikilala bilang asawa?" Aalis ka na lang ba? O haharapin mo ang mapait na katotohanan? Paano kung isang araw... Bumalik ang alaala ni Lejandro, ngunit ibang babae na ang nasa kanyang puso? Dahil sa mapanlinlang na si Furtiza, ang tunay mong pagkatao ay ninakaw… At ikaw na si Elijah, ay ipinakilalang katulong — sa iyong tunay na asawa.  Isang kwento ng pagnanasa, pagkakalimot, at pagtataksil. Handa ka bang maramdaman ang sakit ng pagmamahal na binura ng panahon?
Romance
9.623.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle

A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle

Sobrang mahal na mahal ni Maxene ang kanyang nobyo na si Joseph at sa pitong taon nilang magkasintahan ay kahit kailan ay hindi siya nagawang lokohin nito at talagang napapag usapan na rin nila ang pagpapakasal. Pero hindi inaasahan ni Maxene na darating ang araw na lolokohin siya ni Joseph kaya naman sa sobrang sama ng kanyang loob ay sa isang bar siya napadpad. Dahil sa labis na sama ng loob ay nagpakalasing si Maxene at doon siya matatagpuan ni Bernard. Naibigay ni Maxene ang kanyang sarili sa binata dahil sa ang buong akala niya ay ito ang kanyang nobyo pero isang pagkakamali pala iyon. Kaya naman pagkagising niya ay agad niyang tinakasan ang lalaking kanyang nakaniig. Lumipas ang araw at doon na nalaman ni Maxene na nagbunga ang isang gabi na pakikipagtalik niya sa hindi niya kilalang lalaki. Halos gumuho ang kanyang mundo dahil kasabay noon ay isang masamang balita ang bumungad sa kanya dahil sa pagkalugi ng kanilang kumpanya. Isang offer ang darating kay Maxene pero ganon na lamang ang gulat niya ng makita niya na kamukhang kamukha ng kanyang ex boyfriend ang mag aalok sa kanya at doon na niya malalaman na tiyuhin pala ito ng kanyang ex-boyfriend na si Joseph. At doon na rin niya napagtagpi tagpi na ang lalaking ito ang kanyang nakasama sa isang mainit gabi. Tatanggapin ba ni Maxene ang offer na iyon ni Bernard gayong alam na niya na tiyuhin ito ng manloloko niyang ex boyfriend? Sasabihin ba niya rito ang tungkol sa pagdadalantao niya gayong hindi niya alam kung tatanggapin ba ito nito? O iiwas na lamang siya rito dahil parang hindi niya kaya na makasama ito lalo na at kamukha ito ng kanyang ex-boyfriend na si Joseph?
Romance
104.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Babysitter

The Billionaire's Babysitter

Novie May
️WARNING: MATURE CONTENT AHEAD️! Inakala ni Malaya Emmanuel Sandoval nang matapos siyang pakasalan ng lalaking nakabuntis sa kanya ay magiging happy ending na, katulad ng mga napapanood niya sa mga palabas sa TV o mga nababasang nobela. Ngunit katulad din pala ng mga palabas, mayroong paghihirap na mararanasan. Kinailangan niyang umalis para sa kapakanan ng kanyang mga minamahal kapalit ang kanyang sariling pagkadurog, matapos ang ilang taon ay nakabalik na siya. Sa kanyang pagbabalik, handa na ba siyang sumugal ulit? Handa na ba niyang harapin ang pagsubok ng buhay? Handa na ba niyang ipaglaban ang dapat sa kanya, lalo na ang lalaking kanyang minamahal? Paano kung kung kailan handa na siya sa lahat, at saka naman ito napagod?
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Seducing The Cold-Hearted CEO

Seducing The Cold-Hearted CEO

eZymSeXy_05
Nasa kolehiyo pa 'lang si Claudia Montecillo ay pinagnanasaan niya na talaga si Morgan Villamor. Ilang beses niya na rin'g sinubukan na magpapansin sa guwapong binata ngunit balewala lamang rito ang kanyang kagandahan. Hanggang sa napagod na lang siya. Napagtanto niya na talaga'ng hindi pasado ang beauty niya sa pinaglalawayan niyang lalaki. Isa pa ay may kasintahan rin pala si Morgan. Maganda ito , sexy at sobrang layo sa size ni Claudia. Ngunit biglang naghiwalay ang mga ito. Dahil do'n ay nakasilip siya ng maliit na pag-asa. Muli siyang nagpapansin sa binata. Inakit niya ito at sa pagkakataong 'yon ay hindi niya inaasahan'g susunggaban na nito ang kanyang pang-aakit.
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
LOVE ISLAND: HER SWEET LIES

LOVE ISLAND: HER SWEET LIES

The first time Daphne and Steven met, she knew they will hate each other. Kaya naman nang muli silang magkita sa isla na pagmamay-ari ni Steven sa Albay ay kinailangan pa niyang magtahi ng kwento para lamang manatili siya roon ng matagal. Bukod dun ay may matinding atraso siya rito. Ngunit mas lalong nagalit si Steven sa ginawa niya kaya balak siya nitong ipakulong. Paano kung unti-unti na siyang napapamahal rito pero balak pala na ibenta ni Steven ang isla na tila paraiso na nagugustuhan niya na? Sapat na kaya ang pag-ibig ni Ryse para iligtas ang kanilang paraiso at ayusin ang kanilang mga nabasag na nakaraan, o ang mga anino ng panlilinlang ay maghihiwalay sa kanila magpakailanman?---
Romance
818 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Billionaire's Hidden Mask

Billionaire's Hidden Mask

Paano kung ang kagustuhan mong mamuhay nang mapayapa upang takasan ang nakaraan ay unti-unting nabubuhay sa kasalukuyan? Ang nangyaring unos, krimen o trahedya sa pamilya ni Bethany Francheska Hamilton ay hindi pangkaraniwan. Sa loob ng dalawang taon ay namuhay siya nang normal. Maaraw sa araw na iyon. Nakilala ni Bethany ang lalaking si Danger. Sumulpot ito bilang kapitbahay niya sa inuupahang apartment katabi nang sa kanya. Wala itong sinabi noong una, ngunit ang panahon na mismo ang nagtalaga kung bakit dumating ang lalaki roon nang biglaan. Iyon ay magiging bodyguard 'raw niya ito. Sa hindi ni Bethany malamang rason at kung kaninong utos nanggagaling iyon. They became acquaintance. Pinoprotektahan siya nito sa abot nang makakaya nito. Ang totoong katauhan ni Danger ay hindi tuluyan ni Beth na napagtanto. Paano kung isang araw ay matuklasan ni Beth ang lihim nitong itinatago. Ang pangalan nitong ipinakilala sa kanya ay isa lamang palang palayaw na konektado sa napakadelikado nitong trabaho. Higit sa lahat, paano kung mapag-alaman niyang matagal na pala siyang niloloko nito at pinaglalaruan lamang siya nito. The Mask is literally hidden. At hindi alam ni Bethany kung paano pakiharapan iyon. Lalo na nang makumpirma niyang nahulog na pala ang loob niya rito sa ganoon kaikling panahon. Magagawa kaya niyang patawarin ang lalaki at kalimutan ang ginawa nito? O susundin niya ang iniutos nang kanyang puso dahil napamahal na siya rito?
Mafia
102.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3637383940
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status