Insensitive SPG
"Tay, miss na miss ko na po kayo. Bakit pi kasi kailangan mo pang magtago? 'Di ba, inosente naman po kayo sa mga ibinibintang nila?"
"Anak, patawarin mo ako. Mahal na mahal kita pero hindi pa kita masasagot sa ngayon. Basta sundin mo lang kung ano ang mga iuutos ko sa 'yo para mas mapadali ang pagkikita natin."
So, base sa text ng aking itay ay mukha ngang guilty siya. Madali naman kasing sabihin na inosente siya ngunit bakit kailangan pa niyang humingi ng tawad sa akin?