Kakaibang Init (SPG)
“Parang museum.”
“Hindi ako makahinga,” dagdag ni Borgie, seryoso ang mukha niya nung tignan ko. “Baka mabasag ko ‘yung isang display, nakakatakot.”
Napatawa na lang ako.
Sa gitna ng showroom, may mahabang lamesa na puno ng fabric swatches—organza, tulle, mikado silk, velvet, sequined mesh. May staff na naka-black uniform, mahinahong kumilos, parang lahat may choreography. Then lumabas na siya.