Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire And The Island Girl

The Billionaire And The Island Girl

Si Kaelen Vireaux ay isang makapangyarihang bilyonaryo na kinatatakutan at hinahangaan sa mundo ng negosyo. Ngunit sa likod ng kanyang tagumpay ay ang mga taong lihim na naghihintay ng kanyang pagbagsak. Isang gabi, matapos siyang ipagkanulo ng sarili niyang mga kasosyo at tangkaing patayin, nawalan siya ng malay sa gitna ng dagat. Nagising siya sa isang liblib na isla—walang alaala kung sino siya, kung saan siya nanggaling, o kung bakit siya naroon. Ang tanging taong tumulong sa kanya ay si Aelira Bloom, isang tahimik na island girl na namumuhay nang simple sa gitna ng isang maliit na hardin ng mga gulay at halaman. Kilala siya sa sitio bilang kakaiba, dahil tila may malalim siyang koneksyon sa kalikasan. Sa kanyang mga kamay, ang mga halaman ay mabilis tumubo, at ang mga baging ay tila gumagalaw na parang sumusunod sa kanyang kagustuhan. Habang tinutulungan ni Aelira si Kaelen na makabangon at matutong mamuhay muli, unti-unting nabubuo ang isang malalim na ugnayan sa pagitan nila. Sa gitna ng katahimikan ng isla at ng simpleng buhay na natagpuan niya roon, dahan-dahang nahuhulog ang puso ni Kaelen sa babaeng nagligtas sa kanya. Ngunit ang nakaraan ay hindi madaling takasan. Kapag bumalik ang kanyang mga alaala, babalik din ang mga taong nagtangkang pumatay sa kanya mga taong handang sirain ang lahat para sa kapangyarihan at kayamanan. At kapag nalaman nila kung nasaan siya, hindi lamang si Kaelen ang magiging target… kundi pati na rin ang babaeng nagbigay sa kanya ng bagong buhay. Sa isang mundong puno ng pagtataksil at kasakiman, kaya ba nilang ipaglaban ang pag-ibig na umusbong sa isang tahimik na isla? O tuluyan itong mawawala, tulad ng mga lihim na tinatago ng dagat?
207 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as isang anghel
Read
+Library
You caught me, Mister

You caught me, Mister

janeebee
" YOLO " is her life motto. Sa edad na bente tres anyos, walang ginawa si Devon Valencia kundi ang magpakasaya sa buhay at waldasin ang perang ibinibigay sa kaniya ng ama. Wala siyang pangarap sa buhay—o kung mayroon man, hindi niya iyon alam at wala rin siyang balak alamin dahil alam niyang siya rin naman ang hahawak sa negosyo ng pamilya nila pagdating ng araw. Young, wild and free. Literal ang pagiging malaya ng isang Devon Valencia para gawin ang lahat ng gusto niya. Sa isang pitik lang ng daliri niya, nasa kamay na niya ang hinahangad niyang makuha, maliban na lamang ang atensyon ng isang binatang kabaliktaran ng ugaling mayroon siya. Isang maginoo,responsable at matipunong lalaki, Pablo Santino Regalado. Isang magsasaka na ang tanging hangad ay maiahon sa hirap ang kaniyang magulang. Sa edad na bente sais, naka-plano na ang gusto niyang mangyari sa buhay dahil maaga siyang namulat kung gaano kalupit ang realidad. Nakahanda siyang gawin ang lahat maibigay lang ang buhay na ipinangako niya sa pamilya. Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng pagtatalo ang isip niya nang alukin siya ng isang trabaho na may magandang suweldo at wala siyang ibang gagawin kundi ang bumuntot sa magiging amo niya. Kung tutuusin, walang nakikitang problema ang binata sa pagiging isang bodyguard dahil batak naman ang kaniyang katawan at nakasisiguro siyang kaya niyang gampanan nang maayos ang trabahong ibinibigay sa kaniya. Subalit 'yong ideya na isang matapobre ang dalagang babantayan niya, tila mas gugustuhin pa niyang makasama ang mga kalabaw na ilalim ng araw. Kapag binato ka ng tinapay, batuhin mo ng palaman. Kapag nahulog ka sa taong hindi nagpapakita ng interes sa'yo, siguraduhing may bitbit kang hagdan.
101.7K viewsOngoingAdded to Library 47 Times as isang anghel
Read
+Library
Sinful Night with Mr.Billionaire

Sinful Night with Mr.Billionaire

Shantia Momordica
Dahil sa isang misyon, napilitang magpanggap bilang isang babaeng bayaran si Police Lieutenant Xyra Tayco sa isang sikat na bar sa makati. Inatasan siyang alamin at kilalanin ang isang misteryosong leader ng sindikato na ang tanging pagkakakilanlan ay ang black panther na tattoo sa batok nito. Sa pagpapangap niya,she also met Zander Montenegro a rich handsome guy ang well known dominant business man who's got the power to control everything. And for the first time they met,Zander felt a sense of admiration flickered in his eyes when Xyra appeared in the VIP room. He felt a suddent thrill of desire that he even used his power to bribe and threaten the bar owner in order to lure Xyra fall into his trap. A desirable trap that makes Xyra's body drawn in so much pleasure by his sinful touch.
1.3K viewsOngoingAdded to Library 36 Times as isang anghel
Read
+Library
Revenge after the Divorce

Revenge after the Divorce

Isang kasal na walang pag-ibig—iyon lang ang turing ni Hunter kay Ayla. At nang muling bumalik ang kanyang unang mahal, wala siyang pagdadalawang-isip na iwan si Ayla at burahin ang lahat ng mayroon sila. Pero hindi lahat ng iniwan ay nananatiling mahina. Muling bumangon si Ayla, hindi na bilang biktima kundi bilang isang babaeng handang gumanti. Ngunit habang papalapit siya sa kanyang layunin, isang tanong ang unti-unting bumabalot sa kanyang puso—paghihiganti ba talaga ang gusto niya… o ang patunayan na siya ang dapat pinili? Sa laban ng nakaraan at kasalukuyan, ng pag-ibig at galit—hanggang saan kayang sirain ni Ayla ang isang taong hindi naman siya minahal? At kapag dumating ang huli, sino ang tunay na matatalo?
240 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as isang anghel
Read
+Library
My Bodyguard

My Bodyguard

Si Cassandra Belmonte, anak ng isang kilalang Mafia boss, ay nasaksihan ang karumal-dumal na pagpaslang sa kanyang mga magulang. Isang gabing nababalot ng kulog at ulan, ang mga putok ng baril na nagmula sa kanilang silid ang sumira sa kanyang buhay. Dahil sa pangyayaring ito, kinailangan niyang magtago at protektahan ang kanyang sarili. Para sa kanyang kaligtasan, isang dating miyembro ng US Military Special Task Force na si Christopher Herrera, ay bumalik sa Maynila upang magsilbing kanyang bodyguard. Ngunit paano kung sa paglipas ng panahon, hindi lamang ang kanyang buhay ang kailangan niyang protektahan, kundi pati na rin ang kanyang puso? Magagawa kaya ni Christopher na pigilan ang pag-ibig na sumibol sa puso ni Cassandra, o mananatili lamang siyang isang tagapagbantay?
4.5K viewsCompletedAdded to Library 141 Times as isang anghel
Read
+Library
The Billionaire's Return

The Billionaire's Return

Si Lia Cruz ay isang pangalang kayang patahimikin ang buong fashion industry—isang babaeng binuo ang sariling mundo mula sa talento, disiplina, at katahimikan. Matapos ang isang masakit na diborsyo, iniwan niya hindi lang ang isang lalaki, kundi ang buhay na unti-unting kumain sa kanya. Akala niya, ang pag-alis ay sapat na para maging malaya. Akala niya, tapos na ang lahat. Si Adrian Serano ay hindi sanay matalo. Isang makapangyarihang billionaire CEO, sanay sa kontrol, at pag-angkin. Para sa kanya, ang pagkawala ni Lia ay hindi wakas—isa lamang itong pagkaantala. Ang mga bagay na minsan nang naging kanya ay hindi niya hinahayaang manatiling alaala lamang. “I want you to be mine again—this time, you’ll live by my rules.” Sa pagbabalik ni Adrian, muling nagising ang mundong pilit tinakasan ni Lia. Hindi ito paghingi ng tawad. Isa itong pagbabalik na may layunin. Handa siyang gamitin ang kapangyarihan, impluwensya, at ang sariling dilim na matagal niyang itinago upang bawiin ang babaeng minsan niyang nawala—at igapos muli ang mundong pinili nitong talikuran. Isang laban kung saan ang pagmamahal ay muling aangkinin, o tuluyang malulunod sa galit at tensyong matagal nang namuo—mga sugat na hindi na kailanman maibabalik.
297 viewsOngoingAdded to Library 10 Times as isang anghel
Read
+Library
The Casanova's Contracted Wife

The Casanova's Contracted Wife

Ikakasal na dapat si Alexandra sa nobyo niyang isang half chinese na si Triton Chu. Handa silang suwayin ang lahat maging ang mommy ni Triton na hindi boto sa kanya. Pero isang gabing naimbitahan siya sa isang party sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya ay hindi niya ito pinalampas. Pero hindi niya inakala na iyon pa la ang magdadala sa kanya sa papunta kay Zachary Luthman, isang appointed CEO ng kanilang construction company- kilala bilang casanova. Lahat ng babae ay nakukuha niya sa alindog at kaguwapuhan niya. Gawa ng labis na kalasingan ay namali ng kuwartong pinagpahingahan si Alexandra at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalo niya sa isang mainit na gabi si Zachary. Sa kahihiyan kinabukasan ay halos gumuho ang mundo ni Alexandra. Wala siyang kaalam-alam kung sino ang nakasalo niya sa kama. Wala na siyang mukhang maihaharap sa nobyo niya. Pero paano kung ang kasalanang iyon ang maglalayo pa la sa kan'ya sa maling tao? Paano kung sa muling pagtatagpo nila ni Zachary ay makilala niya kung sino talaga ang isang Zachary Luthman? Mahulog kaya siya sa babaerong si Zach? Gayong dahil sa kasalanang iyon ay napagkasunduang ipakasal silang dalawa?
9.940.8K viewsCompletedAdded to Library 1.3K Times as isang anghel
Read
+Library
Stealing Mr. Arrogant

Stealing Mr. Arrogant

"Hindi ko kailangan ng dignidad mo, sweetheart. Ang kailangan ko... ay ang sinapupunan mo." Para iligtas ang kapatid niya sa mga mapanganib na loan shark, pinasok ng desperadong accountant na si Danica Flores ang penthouse ng pinakamayaman at pinakamarahas na CEO sa bansa—si Nathaniel Cervantes. Ang plano? Magnakaw ng isang mahalagang dokumento. Pero ang hindi niya alam, pinapanood siya nito. Sa halip na ipakulong si Danica, nag-alok si Nathaniel ng isang kasunduan—pakakasalan niya ito sa papel kapalit ng kaligtasan ng pamilya nito. Kailangan ng mayabang at supladong CEO ng isang anak na magmamana ng lahat para maprotektahan ang kumpanya niya laban sa mga sakim at mapanganib niyang kamag-anak. ​Walang takot na pinirmahan ni Danica ang kontrata. Laro lang ang lahat—isang taon, isang anak, tapos ay hiwalayan. Pero paano kung sa pagitan ng mga nakakakilig na pagpapanggap sa harap ng media at mga nakaw na halik sa loob ng kwarto, ang totoong panganib pala ay ang unti-unting pagkahulog ng kanyang loob sa lalaking binalak niyang pagnakawan?
79 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as isang anghel
Read
+Library
Carrying the Billionaire's Twin Babies

Carrying the Billionaire's Twin Babies

Queen_Sienna
Nagmula sa isang mayamang pamilya si Sienna Montemayor kaya nang malaman niyang ipinagkasundo siyang ipakasal sa isang lalaking hindi niya kilala ay naglayas siya. Napadpad siya sa isang bar at doon ibinuhos niya ang sarili upang makalimot subalit dahil sa kalasingan ay nagbago ang kaniyang buhay. Naibigay niya ang sarili sa isang lalaki na hindi niya kilala at hindi niya inaasahang mabubuntis siya. Sa takot na bumalik sa pamilya niya ay sinubukan niyang pumasok bilang sekretarya sa isang sikat na kompanya. Pagpasok sa opisina ng kaniyang magiging boss ay halos liparin niya na ang daan paalis. Nakilala niya ang kaniyang magiging amo bilang ama ng kaniyang dinadala. Ang mas lalong nagpanginig sa buong katawan niya ay nang malaman niya na ang ama ng dinadala niyang anak ay sa bilyonaryong si Liam Del Fierro pala, ang mortal na kalaban ng pamilya niya. Ngayon hindi niya alam kung paano siya tatakas dahil binakuran na siya ng bilyonaryo pagkatapos malamang buntis siya sa anak nito.
101.1K viewsOngoingAdded to Library 38 Times as isang anghel
Read
+Library
THE LOVE AFTER SECRET

THE LOVE AFTER SECRET

Sa isang gabing binalot ng alak, lihim, at pagkakamali, nabago ang kapalaran ng dalagang si Vienna Reign Gonzalez-isang bihasang secret agent na sanay itago ang emosyon sa likod ng malamig na titig at matatag na puso. Isang gabi ng labis na kalasingan ang naging dahilan ng isang hindi inaasahang bunga: isang buhay na lumalaki sa kanyang sinapupunan. Ngunit ang mas masakit na katotohanan-ang ama ng kanyang anak ay ang lalaking itinalaga niyang patayin. Si Devereux Blue Ace Guevara Montague-isang makapangyarihan, misteryoso, at kinatatakutang pangalan sa ilalim ng mundo. Isang lalaking puno ng sikreto, kapangyarihan, at mga kasalanang maaaring gumiba sa buong sistema. Siya ang target. Siya ang kalaban. Siya rin ang ama ng batang dinadala ni Vienna. Habang lumalalim ang misyon, mas lalo ring gumugulo ang kanyang puso. Sa pagitan ng tungkulin at damdamin, galit at pagnanasa, Vienna ay mapipilitang pumili: Barilin ang lalaking kinamumuhian niya... o iligtas ang pamilyang hindi niya inaasahang mabubuo. Sa mundong puno ng baril, dugo, at pagtataksil-maaaring ang pinakamapanganib na misyon ay hindi ang pumatay... kundi ang umibig.
420 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as isang anghel
Read
+Library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status