Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Don't Dare Touch Me, I'm Sleeping.

Don't Dare Touch Me, I'm Sleeping.

Steven Zabala
Matapos mamatay ang tanyag niyang amang si Elias Y. Alison, kilala bilang isang magaling na paranormal expert sa bansa. Ipinasa kay Entice Y. Alison ang responsiblidad na ituloy ang tradisyon ng kanilang pamilya sa pagtataboy at pagpuksa ng mga masasamang espiritu. Ngunit sa kawalan niya ng kakayahan makakita ng mga hindi nakikita ng normal na tao, naging isa siyang "parang normal lang expert" kung saan nang loloko siya ng mga tao para sa pera. Hanggang sa isang chinese family ang nakabisto sa kanilang modus kaya ngayon nabaon sila sa utang na 200 Million. Dahil sa utang na iyon napilitan siya pumunta sa isang sinumpang Haunted Mansion kung saan niya makikilala si Acezekiel Asmodeus, isang Incubus na nag alok sa kanya ng isang deal, deal kung saan ipapagamit ni EYA ang katawan niya kay Acezekiel kapalit ng pag kalaban nito sa mga kaluluwang kailangan niyang mapuksa. Maibalik kaya ni EYA ang reputasyong nasira niya at paano niya mababayaran ang 200 million na utang niya?
2.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 50 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
The CEO'S Abandoned Wife

The CEO'S Abandoned Wife

Lunoxlovesyou
Si Julia Perrywickles ay inabandona ng kanyang pamilya sa kanyang murang edad at napunta siya sa Isang bahay ampunan. Pinangarap niya na makadama ng pagmamahal ng Isang pamilya pero malabo itong mangyari hanggang sa pinakasalan niya si Harry Warner na Isang CEO na itinuring niyang kanyang kaligtasan. Inakala niya na masaya at madali ang buhay Kasama ang lalaki pero doon siya nagkakamali. Kabaligtaran lamang ang nangyari ng kanyang inaasahang masayang buhay. Lalo siyang nakaranas na abandonahin dahil harapan niyang ipinamumukha ang pambababae niya. Kung kaya siya tinaguriang "The CEO'S Abandoned Wife" Si Daniella na kanyang kabit ay Isang prostitute at naghahangad na umangat ang pamumuhay kaya pumatol sa lalaking may asawa. Ngunit paano kapag nalaman niya na hindi iba sa kanya ang Asawa ng kanyang nobyo?? At isang araw ay dumating sa buhay niya si Herbert Warner ang lalaking nagpadama sa kanya ng tunay na pagmamahal. Pero paano kung Ang lalaking ito ay Kapatid pala sa ama ni Harry at mortal nitong kakompitensya sa lahat ng bagay?
103.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 71 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
I was His Wife by Lies, Now Claimed by His Billionaire Uncle

I was His Wife by Lies, Now Claimed by His Billionaire Uncle

Hindi siya ang tunay na nobya. Sa araw ng kasal, napilitan si Naveda na isuot ang damit ng kapatid niya, akuin ang pangalang hindi kanya, at pakasalan ang lalaking hindi naman siya ang pinili. Isang kasinungalingang ginawa para iligtas ang pamilya, ngunit nauwi sa limang taong pagkakulong sa isang malamig at walang pagmamahal na pagsasama. Para kay Brandon Delgado, isa lamang siyang obligasyon. Isang kontrata. Walang higit, walang kulang. Ngunit gumuho ang lahat nang bumalik ang tunay na Amanda… at inilantad ang katotohanang matagal niyang kinimkim. Sa isang iglap, nawala ang lahat kay Naveda—ang pangalan, ang tahanan, ang pamilyang kanyang ipinaglaban. At sa mundong puno ng kapangyarihan at panlilinlang, siya ang naging kontrabida. Ngunit sa gitna ng kanyang pagbagsak, may isang lalaking handang baguhin ang lahat. Si Giovanni Delgado—mapanganib, makapangyarihan, at walang pakialam sa batas ng mundo—ang nag-abot sa kanya ng pagkakataong bumangon… at maghiganti. At sa sandaling itinapon siya ng lahat— “If they were foolish enough to throw you away, then let me be the man they’ll regret underestimating. Marry me.”
115 viewsOngoingIdinagdag sa Library 3 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
Billionaire's Runaway Wife And Her Triplets

Billionaire's Runaway Wife And Her Triplets

Habang nakaupo si Thalia Briones sa burol ng kanyang ina, nakaitim at tahimik lang siyang umiiyak. Wala siyang ibang kasama kundi ang lungkot at mga alaala. Samantalang ang asawa niya ay nasa isang birthday celebration. Hindi sa kanya kundi para sa first love nito. Gabi ng halakhak, ilaw, at mamahaling alak habang siya'y nagluluksa mag-isa. Pag-uwi niya ay hindi na siya nagsalita. Iniwan lang niya sa mesa ang divorce papers. Saka siya nagdesisyong ipalaglag ang batang nasa sinapupunan at lumayo nang tuluyan. Lumipas ang limang taon. Sa isang exclusive na auction event, isang babae ang lumitaw bilang punong auctioneer. Nakasuot siya ng backless na modern Filipiniana, may slit sa hita, at nakatakip ang mukha ng manipis na puting belo. Tumahimik ang buong hall. Lahat ng mata ay sa kanya lang nakatingin. Sa isang sulok ng silid naman ay nanigas si Isagani Castillo. Matagal na niyang hinahanap ang babaeng iniwan siyang walang paliwanag. Ngayon, nakaharap niya ulit ang isang anino ng nakaraan.
689 viewsOngoingIdinagdag sa Library 26 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
Taming the Devil Boss

Taming the Devil Boss

Kaya mo bang tiisin ang araw-araw na kasama ang lalaking pinaka-kinaiinisan mo? Yung tipong pagpasok mo pa lang sa opisina, madilim na mukha niya agad ang bubungad sa’yo? Yannie Sanchez, isang dedicated na secretary, ay labis na naiinis sa boss niyang si Xanthy Torres—ang seryoso, istrikto, at laging galit na CEO ng isang malaking kumpanya sa Asia. Para sa kanya, ito ang epitome ng "toxic boss" na palaging sumisira sa araw niya. Pero paano kung may dahilan pala sa likod ng kanyang ugali? Isang lihim ang matutuklasan ni Yannie—isang sikreto na magpapabago sa tingin niya kay Xanthy. Mula sa inis, unti-unti siyang nakaramdam ng awa at kagustuhang protektahan ito. Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari, kinailangan niyang lumayo—hindi alam ni Xanthy na nagdadala siya ng kanilang anak. Pagkalipas ng limang taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas. Sa pagkakataong ito, pipiliin pa rin ba niyang protektahan ito? O oras na para harapin ang nakaraan at isama siya sa hinaharap na para sa kanilang dalawa?
10825 viewsOngoingIdinagdag sa Library 28 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
Judge Me Now.  My Billionaire Husband

Judge Me Now. My Billionaire Husband

Sa gitna ng tirik na araw at putikan ng Divisoria, tanging galit ang nagpapatakbo sa pagkatao ni Claudia Diaz. Limang taon na ang nakalipas nang itapon siya ng pamilya Montefalco na parang basura—matapos siyang pagtaksilan ng asawang si Miguel, saktan, at pagbintangan ng nakaw na hindi niya ginawa. Namuhay siya sa dilim, nagtatago at naghihintay ng pagkakataong makabangon. Ang pagkakataong iyon ay dumating sa katauhan ni Vanruth Amores, isang makapangyarihang bilyonaryo, dating huwes, at kilala bilang "Ruthless CEO." Sa likod ng isang pormal na interview sa trabaho, isang mapangahas na alok ang inilatag ni Vanruth: Isang kontrata ng kasal. Ngunit hindi alam ni Claudia, ang kanilang pagtatagpo ay hindi isang aksidente. Si Vanruth ay may lihim na koneksyon sa nakaraan ni Claudia, at gagamitin niya ang lahat ng kanyang yaman at kapangyarihan upang maging sandata ni Claudia sa paghihiganti. Sa mundong puno ng mapanuring mata, kailangang patunayan ni Claudia na hindi na siya ang biktima noon. Handa na siyang humarap sa korte ng publiko at sabihing: “Judge me now.”
101.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 30 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
Billionaire's Bride: The Stranger

Billionaire's Bride: The Stranger

Inara Syndrome
Paano kung nang dahil sa isang gabi ay biglang nagbago ang buhay mo? Kaya mo bang pakasalan ang isang estranghero? O tatalikod sa harap ng altar at harapin na lang ang mga nakatutok na baril sa ulo mo?
102.8K viewsOngoingIdinagdag sa Library 107 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
Bound by Contract, Tied by Fate

Bound by Contract, Tied by Fate

Sa makintab ngunit mapanlinlang na mundo ng kapangyarihan sa Metro Manila, dalawang magkaibigang babae ang hindi sinasadyang nahulog sa gitna ng impluwensya ng makapangyarihang Monteverde Group. Si Arabelle Rivera, isang simpleng community development consultant, ay kontento na sana sa tahimik na buhay. Ngunit isang gabi, nang iligtas niya ang isang sugatang estranghero sa loob ng convenience store, nabago ang lahat. Ang lalaking iyon ay si Rafael Monteverde—isang malamig at kilalang bilyonaryong CEO. Dahil sa utang na loob at presyur ng pamilya, nauwi ang kanilang pagkakakilala sa isang kasunduang kasal—isang marriage of convenience na itinayo sa obligasyon, hindi sa pag-ibig. Sa likod ng matigas na anyo ni Rafael ay isang pusong sugatan, takot muling magtiwala. Samantala, ang matalik niyang kaibigang si Margaux Reyes ay napilitang pakasalan si Lucas Monteverde, ang pangunahing tagapagmana ng imperyo. Sa araw ng kanilang kasal, tahasan nitong sinabi na hindi siya ang babaeng mahal nito. Ngunit pinili ni Margaux na panindigan ang kasal—hindi para sa pag-ibig, kundi para sa dignidad at sariling prinsipyo. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nabasag ang pader sa pagitan nila, at natutunan ni Lucas na pahalagahan ang babaeng hindi sumusuko. Habang nasasanay sina Arabelle at Margaux sa marangyang ngunit mapanubok na buhay ng mga Monteverde, lumalalim ang intriga. Bumalik ang dating kasintahan ni Lucas, handang bawiin ang nawala sa kanya. Sa likod ng lahat, lihim na nagmamaniobra si Adrian Monteverde upang alisin ang mga bagong asawa na itinuturing niyang banta sa kapangyarihan. Sa gitna ng selos, lihim, at ambisyon, masusubok hindi lamang ang kanilang mga kasal kundi ang kanilang pagkakaibigan. Mananatili ba sila sa isang kasunduang walang katiyakan, o lalaban para sa pag-ibig na unti-unting nabubuo?
283 viewsOngoingIdinagdag sa Library 7 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
The CEO And His Stubborn Obsession

The CEO And His Stubborn Obsession

Para mailigtas ang bahay nilang malapit nang marimata, Amara De Leon ay napilitang ibenta ang sarili sa isang estranghero kapalit ng malaking halaga. Kinaumagahan, tinanggap niya ang bayad at umalis nang hindi lumilingon. Isang buwan ang lumipas, at doon niya nalaman ang hindi niya inaasahan... buntis siya. Nang matuklasan ito ng kanyang mga magulang, itinakwil siya at pinalayas. Sa loob ng apat na taon, tiniis ni Amara ang lahat—nagbanat ng buto sa iba’t ibang trabaho, pinalaki ang anak nang mag-isa, at pilit itinaguyod ang sarili upang makapagtapos. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na maging sekretarya siya sa isang kilalang kumpanya. Ngunit nang humarap siya sa kanyang bagong boss, halos mabura ang mundo niya nang makita kung sino ito. Cassian Montenegro. Ang lalaking minsang binayaran siya... at ang ama ng kanyang anak. Pero bago pa siya makatakbo palayo, isang balita ang narinig niya... Si Cassian ay kasalukuyang engaged at malapit nang ikasal. At ngayon, araw-araw silang magkasama sa opisina, habang pilit niyang itinatago ang lihim na maaaring makagulo sa buhay nito. Ngunit paano kung si Cassian mismo ang makatunog na may isang bagay siyang hindi sinasabi? At paano kung ang isang gabing hindi nila inasahan ay hindi pa talaga tapos?
504 viewsOngoingIdinagdag sa Library 17 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
The Cold Husband’s Sudden Obsession (SPG)

The Cold Husband’s Sudden Obsession (SPG)

Dr. Athena Zaragoza has a secret—matagal na niyang minamahal si Wade Hollander. Kahit noong araw na nagkamali sila at nauwi sa isang kasal na papel lang ang basehan, hindi siya umasa. Lalo na nang umalis si Wade kinabukasan para mag-abroad at bumalik lang makalipas ang dalawang taon. Pagbalik niya sa Pilipinas, malinaw kay Athena ang lahat—wala siyang lugar sa puso ng asawa niya. Kailangan lang ni Wade ng isang asawa na hindi istorbo. Marunong sumunod. At iyon ang ginampanan niya. Hindi siya lumampas. Hindi siya umasa. Isang perpektong asawa… sa paningin ng iba. Akala ng lahat, si Wade ay kalmado, kontrolado, at hindi nadadala ng emosyon. At si Athena? Isang arrangement lang. Pero isang gabi, nagbago ang lahat. Nang makita ni Wade ang mga liham na sinulat ni Athena—mga salitang punong-puno ng pagmamahal para sa isang lalaki—parang may pumutok sa loob niya. Nawalan siya ng kontrol. Nagdilim ang paningin. At sa unang pagkakataon, bumitaw siya sa malamig niyang imahe. “Athena, tumingin ka sa akin,” mariin niyang sabi, nanginginig ang boses sa galit at selos. “Hindi ka pwedeng magmahal ng iba. Athena… asawa mo ako. Ako lang dapat ang mamahalin mo!”
10851 viewsOngoingIdinagdag sa Library 27 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
PREV
1
...
4243444546
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status