Sirit (SPG)
Na para bang nanghahamon siya sa tanong niya.
Huminga ako nang malalim. “Miss,” tawag ko sa waitress. “Pa-order po ng dalawang set ng pork samgyeopsal, isang beef bulgogi set, tteokbokki na level 3 spiciness, dalawang japchae, isang kimchi stew, rice… uhm, apat na rice… and extra cheese corn po.”
Sumilip ako sandali kay Tirso na tahimik lang sa tapat ko. Wala naman siyang reaksyon. It’s like he’s processing something. Marami ba ‘yong order ko? Pang isang barangay?