Marahuyo
" At masaya dahil sa pamilyang mayroon ako ngayon. "
" Oh, mayroon ka palang kasama, " anito nang mabaling ang tingin kay Catalina. " Pasensya na at hindi kita napansin. Ikaw ba ang asawa? "
" Ako nga ho ang asawa. " Inilahad niya ang kanang kamay upang magpakilala. " Catalina Dela Vega...Lombardi. "
Nagpakawala ito nang mahinang tawa bago tanggapin ang kamay niya. " Nice to finally meet you, Catalina. Ako si Valerie Lombardi, pwede po akong tawaging tita Val. "