Agent Ex-Lover
Maria Angela Gonzales
Hindi man ang fiance ni Katrina Sa Juan ang kanyang first love ay nagdesisyon na siyang pakasalan ito dahil pakiramdam niya ay wala ng magmamahal sa kanya kundi ito lang. Ngunit, hindi nangyari ang gusto niya dahil sa araw ng kasal ay kinidnap siya ng kanyang ex-boyfriend.
Sabi ni Jeremy Rosales, ang kanyang first love gusto lang siya nitong iligtas sa kapahamakan. Ngunit, bakit pakiramdam niya ay puso na naman niya ang muling mapapahamak kapag nagkamali na naman iyong tumibok sa ex niyang nag-iwan sa kanya ng sobrang sakit.