The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart
*****************
Pagkababa niya sa kusina, nadatnan niya si Tita Mandy na nagtitimpla ng kape, habang si Jules ay nakaupo na sa mesa, sabik na sabik sa pancake na may smiley face.
“Good morning, anak,” bati niya sabay halik sa noo ng bata.
“Good morning, Mommy! Si Daddy po ang gumawa ng pancake ko!” excited na sabi ni Jules.
Nang lingunin niya si Julio, ayun, nakatayo sa tapat ng stove, suot pa rin ang pajama pants, naka apron at may hawak na spatula—parang... asawa.
“Good morning, love!” bati pa nito, sabay kindat.
Hot Chapters