Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Cold Boss, My Secret Husband

My Cold Boss, My Secret Husband

Sa mata ng lahat, isa lang akong ordinaryong secretary na walang halaga sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. Tahimik akong gumagalaw sa opisina habang pinapanood ang mga kasamahan kong halos sambahin ang malamig, makapangyarihan, at walang pusong CEO—si Evander de la Cruz. Para sa kanila, siya ang lalaking hindi kailanman bababa sa antas ng isang tulad ko. Pero ang hindi nila alam… asawa ko siya. Isang taon na mula nang ikasal kami nang palihim. Sa harap ng lahat, ako’y parang alipin lang ng trabaho, at siya nama’y boss na ni hindi ako pinapansin. Pero sa likod ng saradong pintuan ng kanyang opisina, nagbabago ang lahat. Doon, siya ang lalaking sabik sa aking haplos, handang lumuhod para lamang maramdaman ang init ng aking pagmamahal. Pinili kong itago ang aming kasal upang patunayan na kaya kong magsikap gamit ang sarili kong pangalan. Ngunit habang tumatagal, mas nagiging lantad ang pag-aangkin ni Evander—at mas nagiging mapanganib ang mundo sa paligid namin. Lalo na nang magsimulang gumalaw si Clarisse Montenegro, ang ambisyosang team leader na gagawin ang lahat para siraan ako at mapasakanya si Evander. At mas lalong lumala ang lahat nang pumasok sa eksena si Alessandro Cortez, ang tuso at mapanganib na CEO ng partner company na nahulog sa akin at handang gamitin ang negosyo para agawin ako mula kay Evander. Sa gitna ng mga lihim, tukso, at laban sa kapangyarihan, isa lang ang malinaw: kapag ang malamig na CEO ay umibig, hindi siya uurong sa digmaan. At ako ang dahilan ng digmaang iyon.
Romance
10781 viewsOngoing
Read
Add to library
Sold to the Billionaire Heir

Sold to the Billionaire Heir

Lumaki si Calista Althea Chiu sa isang makapangyarihan ngunit istriktong Chinese family—kung saan ang tradisyon ay batas at ang babae ay kailangang sumunod, kahit masaktan. Mayaman ang pamilyang kinalakihan niya, ngunit sa likod ng karangyaan, isa siyang bihag ng sariling kapalaran. Sa tatlong magkakapatid, siya ang nag-iisang babae at middle child—tahimik, masunurin, at laging isinasantabi ang sariling damdamin. Ngunit isang gabi, tuluyang nagbago ang lahat. Dahil sa desperadong pangangailangan ng pera ng kanyang kuya at sa malaking pagkakautang ng kanilang pamilya sa makapangyarihang Wang family, isang lihim na kasunduan ang isinagawa. Isang desisyong hindi niya kailanman pinili. Ibinenta si Calista bilang isang “regalo” sa kaarawan ng lalaking minsan na niyang nakita sa Shanghai—ang malamig at misteryosong billionaire heir ng Monaco, si Marcus Romanov. Para kay Marcus, ang lahat ay transaksyon. Ngunit kahit pilitin niyang limutin, hindi niya maalis sa isip ang gabing pinagsaluhan nila. Para kay Calista, iyon ang gabing ninakaw ang kanyang kinabukasan. Hindi nila namamalayan, unti-unti silang nahuhulog sa isa’t isa—isang damdaming isinilang sa gitna ng kapangyarihan, katahimikan, at mga lihim na pilit itinatago. Ngunit may isang lalaking hindi handang bumitaw. Si Lixin Wang, ang mayamang Chinese heir at lalaking itinakdang pakasalan si Calista, ay handang ipaglaban ang paniniwalang pag-aari niya ito—kahit sa pamamagitan ng takot at kapangyarihan. Sa pagitan ng tradisyon at pag-ibig, obligasyon at kalayaan, kailangang pumili ni Calista: manatiling babaeng isinuko ng pamilya, o labanan ang kapalarang ipinataw sa kanya—kahit pa kapalit nito ang kanyang puso.
Romance
296 viewsOngoing
Read
Add to library
Pantalon Mong May Bakat

Pantalon Mong May Bakat

"Di ko siya jowa. Di ko siya crush. And yet, I let him do things to my body." Sabi nila, ang pinaka-masakit na heartbreak ay hindi ‘yung iniwan ka—kundi ‘yung never ka namang pinili in the first place. Nakatayo siya sa dulo ng reception hall, hawak ang baso ng alak habang pinapanood ang lalaking minahal niya ng matagal… na masayang ikinakasal sa iba. Kitang-kita niya kung paano nito tinititigan ang babae—isang titig na kailanman ay hindi niya natanggap. Masakit. Pero imbes na magmukmok, Cass did what any heartbroken girl would do—nagpakalunod sa alak. Kung hindi na siya ang pipiliin, edi dapat kalimutan na lang, diba? Kahit isang gabi lang. At dahil lasing na lasing siya, she made a reckless decision—she had s*x with a stranger. No names, no backstories. Isang taong hindi niya kilala. Pero paggising niya kinabukasan, mas matindi pa sa hangover ang sumalubong sa kanya. Ang lalaking nakasama niya sa kama? Hindi lang basta kung sino lang— Anak ng teteng! He’s the cousin of the man she had loved for years. Napatayo siya agad, hinatak ang kumot sa katawan, pero ngumisi lang ito. "Easy ka lang," he chuckled. "Last night, you were like a needy cat—clinging, pressing against me. Ngayon, parang gusto mo akong itulak sa bangin.” Nanlamig siya sa kahihiyan. Pero mas lalo siyang natulala sa sunod nitong sinabi— "Kung gusto mong kalimutan siya, I can help you. Pero hindi lang isang gabi. Hanggang sa hindi mo na maalala ang pangalan niya." Tatanggapin ba niya ang alok nito? O lalabanan ang tukso ng matamis na kasalanan?
Romance
108.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ceo's Stolen Night

The Ceo's Stolen Night

Hindi kailanman inakala ni Luhan na ang isang gabing dapat ay simpleng “boy’s night out” lamang ang sisira sa pinaghirapan niyang relasyon at nakatakdang kasal kay Stephanie. Sa isang iglap, nasangkot siya sa isang gabing puno ng alak at kalituhan—at nagising na may nangyari sa pagitan niya at isang babaeng hindi niya kilala. Sa desperasyong linisin ang kanyang pangalan, hinanap niya si Bella, ang kaibigang maaaring makapagpatunay na hindi niya ginusto ang nangyari. Samantala, pasan ni Cattleya ang mabigat na responsibilidad bilang ina kay Kesleigh, isang batang may sakit sa puso. Sa gitna ng problema sa pera, pagkawala ng tirahan, at trabaho, napilitan siyang tanggapin ang alok na maging sekretarya ng isang istriktong boss—si Luhan. Sa una’y puro iringan ang namagitan sa kanila, lalo na nang pagbawalan siyang magdala ng anak sa opisina. Ngunit habang tumatagal, unti-unting nahulog ang kanilang mga puso sa isa’t isa. Naging masalimuot ang lahat nang muling manggulo si Stephanie at unti-unting mabunyag ang koneksyon ng nakaraan. Isang rebelasyon ang yumanig sa mundo ni Cattleya—si Luhan ang lalaking nakatalik niya noon. Sa takot na mawala ito, itinago niya ang katotohanan, hanggang sa isang hindi inaasahang pagtatagpo ang naglantad ng lahat. Dumagdag pa sa kaguluhan ang paglitaw ni Caloy na nag-angking ama ni Kesleigh. Nasubok ang tiwala ni Luhan, ngunit pinatunayan ng DNA test na siya ang tunay na ama. Sa araw ng pag-alis nina Cattleya patungong ibang bansa, pinili ni Luhan na habulin sila—handa mang maghintay, umaasang balang araw ay mabubuo rin ang kanilang pamilya.
Romance
165 viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Ex’s Dangerous Obsession

My Billionaire Ex’s Dangerous Obsession

Apat na taong minahal nina Ethan at Caprice ang isa’t isa—apat na taong puno ng pangarap, pangako, at tiwalang akala nila’y hindi kailanman masisira. Tatlong taon silang nagsama sa iisang bubong, sabay humarap sa hirap ng buhay-estudyante, sabay nangarap ng mas maayos na kinabukasan. Nangako si Ethan na pagkatapos ng graduation nila sa kolehiyo, papakasalan niya si Caprice at bubuo na sila ng pamilyang matagal na nilang pinapangarap. Ngunit isang araw, bigla na lamang gumuho ang lahat. Sa isang iglap, nauwi sa hiwalayan ang akala nilang habambuhay. Para kay Ethan, malinaw ang dahilan—iniwan siya ni Caprice dahil sa ibang lalaki. Isang pagtataksil na nagdurog sa kanyang puso at tuluyang nagbago sa lalaking minsang marunong magmahal. Hindi niya alam na sa likod ng katahimikan ni Caprice ay may isang desisyong ginawa hindi para sa sarili, kundi para sa kapakanan nilang dalawa. Lumipas ang mga taon. Nagbago ang mundo, nagbago ang kanilang mga buhay—at nagbago si Ethan. Mula sa simpleng binata, isa na siyang makapangyarihang bilyonaryo. Akala ni Caprice, sapat na ang panahon para kalimutan siya ng lalaking minsan niyang minahal. Akala niya, tapos na ang lahat. Ngunit mali siya. Sa muling pagkikita nila, malinaw ang isang bagay—hindi pa tapos si Ethan. Hindi pa rin siya handang pakawalan si Caprice. At sa pagkakataong ito, ang pagmamahal na minsang naging sandalan nila… ay isa nang mapanganib na obsesyon. Hanggang saan siya handang pumunta para mabawi ang babaeng minsan niyang tinuring na kanya? At hanggang kailan tatakbo si Caprice mula sa nakaraan na ayaw siyang bitawan?
Romance
10796 viewsOngoing
Read
Add to library
Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival

Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival

Labindalawang taon ng pag-ibig, katapatan, at pangako—winasak sa isang iglap ng putok ng baril. Buong akala ni Andrea, alam na niya ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Sa loob ng higit isang dekada, ibinigay niya ang lahat—tiwala, pasensya, at sarili sa lalaking tinawag niyang fiancé. Para sa kaniya, ang pag-ibig ay pananatili. Pagpili araw-araw. Kahit masakit. Hanggang sa Araw ng mga Puso. Habang nasa bingit sila ng kamatayan, isang baril ang nakatutok at sa sandaling iyon, malinaw na malinaw kung sino ang pinili ni Edward. Hindi si Andrea. Kundi ang ex niyang si Margaret. Siya ang niyakap. Siya ang pinrotektahan. Si Andrea ay iniwang duguan, sugatan, at parang hindi kailanman minahal. “You almost died!” sigaw ni Lira. “And he didn’t even look at me,” sagot ni Andrea, basag ang boses. “Parang wala lang ako.” Sa pagitan ng wasak na puso at natitirang dangal, gumawa si Andrea ng isang desisyong walang atrasan. Pinakasalan niya ang pinakamakapangyarihang kaaway ni Edward, ang lalaking kinatatakutan sa mundo ng negosyo na si Dylan Reed Romero, bilang paghihiganti. Ngunit si Dylan ay hindi simpleng rebound. Siya ay dominante. Mapanganib. Mapang-angkin. At sa kabila ng lamig niya ay may isang uri ng proteksiyong hindi kayang ibigay ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, nahaharap si Andrea sa pagitan ng isang pag-ibig na bumigo sa kaniya, at isang lalaking maaaring humingi ng higit pa kaysa sa kaya pa niyang ibigay. Sa huli, magiging una na ba siya sa puso ng isang tao—o tuluyan na niyang mawawala ang sarili habang sinusubukang magmahal muli?
Romance
109.2K viewsOngoing
Read
Add to library
ASHLEY MONTALCO

ASHLEY MONTALCO

Itinakwil si Rena habang dinadala sa kanyang sinapupunan ang magiging anak at tunay na tagapagmana ng pamilyang Montalco. Sa panahong kailangan niya ng pagmamahal at suporta, tinalikuran siya ng lalaking minahal niya—si Harjie Montalco. Ngunit ang lahat ng ito ay hindi lamang dahil sa sariling kagustuhan ni Harjie. Dahil isa siyang mama’s boy, sunod-sunuran siya sa bawat utos ng kanyang ina—ang makapangyarihang Donya ng mga Montalco. Para sa Donya, hindi kailanman magiging karapat-dapat si Rena. Ang nais niya ay si Rhiana—isang babaeng sa tingin niya ay kauri nila ng estado sa buhay. Lumipas ang mga taon… Isang araw, nakaharap ng Donya ang isang batang walang kamalay-malay—ang tunay niyang apo. Ngunit sa kabila ng dugong nagdurugtong sa kanila, hindi niya ito nabigyan ng pansin… hindi niya ito nakilala. Sa halip, isang pekeng apo ang dumating sa mansyon ng mga Montalco—nagpakilalang siya ang tunay na anak ni Harjie. Tinanggap siya ng Donya nang buong puso, bulag sa katotohanan. Ngunit ang masaklap… sa paglipas ng panahon, matutuklasan ng Donya ang lahat—na ang batang tinuring niyang apo ay isang panlilinlang. At higit pa roon, malalaman niyang ang pekeng apo rin ang dahilan ng kanyang pagiging lumpo. Sa gitna ng kasinungalingan at pagtataksil, naroon si Ashley—ang tunay na anak ni Rena at Harjie. Paano niya matutuklasan ang kanyang tunay na pagkatao kung ang sarili niyang ina ay piniling itago ang katotohanan? Hanggang kailan niya hahanapin ang sagot sa mga tanong na kahit ang kanyang ina ay ayaw ibunyag? At sa oras na mabunyag ang lahat… Sino ang mananatili? At sino ang tuluyang mawawala?
Romance
1013.4K viewsCompleted
Read
Add to library
TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART

Isang trahedya ang yumanig sa katahimikan ng marangyang buhay ni Ana Villa—nahulog sa bangin ang kanyang sasakyan at natagpuang wasak sa kailaliman ng dagat. Ngunit ang katawan niya, hindi kailanman nakita. Ang mundo ng mga Villa ay nilukob ng lungkot at hiwaga, ngunit para kay Belle, ang kanyang kakambal, ang trahedyang ito ay hindi isang aksidente—ito’y isang maingat na planong pagpatay. Nagpasya si Belle na gawin ang hindi inaasahan: nagpanggap siya bilang si Ana para malaman ang tunay na mastermind sa pagkamatay ng kanyang kambal. Sa kanyang pagpapanggap, napasok niya ang mundo ng karangyaan at kasinungalingan, isang mundong puno ng malalalim na lihim at mapanganib na tao. Ang asawa ni Ana, si Luke Villa, ay isang bilyonaryo at CEO ng Villa Brewery Inc.—makisig, misteryoso,gwapo at tila nagtatago ng mga lihim. Sa kabila ng pagdududa ni Belle, unti-unti siyang nahulog sa bitag ng kanyang sariling damdamin. Ngunit hindi si Luke ang tunay na panganib. Si Sheila, ang tila inosenteng stepsister ni Luke, ay isang babaeng magaling magtago ng matinding inggit, lihim na pagnanasa, at nakamamatay na ambisyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, si Sheila ang utak sa likod ng pagkamatay ni Ana, dala ng matagal nang pagkamuhi nito kay Ana dahil inagaw nito sa kanya si Luke dahil may lihim siyang pag-ibig dito. Habang nilalaro ni Belle ang papel ng kanyang kambal. Dito, natagpuan ang takot at pag-asa na magkasama, habang unti-unting nahuhulog ang kanyang puso kay Luke. Sa gitna ng labanan ng pagmamahal, takot, at paghihiganti, sino ang talo at sino ang mananatiling buhay?At paano makakaligtas si Belle mula sa bitag ng pagmamahal nito para kay Luke?
Romance
102.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Tempting My Dad’s Irresistible Best Friend (SSPG)

Tempting My Dad’s Irresistible Best Friend (SSPG)

Tempting My Dad’s Irresistible Best Friend (SSPG) “I’m your dad’s friend, your boss… but tonight, I only want you, baby girl.” *** Hindi inakala ni Engr. Andrea Ramirez na ang isang gabi na puno ng saya at kalibugan ay kayang baguhin ang buong mundo niya. Isa lang dapat itong walang kahulugang one-night stand—isang hamon mula sa kaniyang mga kaibigan, at pagkakataon para patunayan na hindi na siya bata sa mata ni Luca. Ngunit kinabukasan, ang estrangherong hindi niya matigil na iniisip… ay walang iba kundi si Luca Romanov. Her dad’s best friend. Her boss. Her protector. At ang lalaki na matagal na niyang hinahangaan—ang kaniyang lihim na paghanga na akala niyang hindi niya kailanman makakamtan. Si Luca ay kaakit-akit, puno ng kumpiyansa sa sarili, at tila walang balak magseryoso sa pag-ibig dahil halos ang trabaho na lamang ang pokus niya. Ngunit sa kabila ng propesyonalismong iyon, hindi maiwasang madama ni Andrea ang kakaibang tensyon sa pagitan nila—isang apoy na hindi niya kayang patayin. Alam ni Andrea na mali at delikado ang pagsasama ng trabaho at pagnanasa. Pero bawat tingin, bawat galaw, bawat salita ni Luca ay pumupukaw sa kaniya. Hindi niya maitatanggi ang nararamdaman, at sa bawat sandali, nahuhulog siya nang mas malalim sa lalaking matagal niyang pinapangarap. Wala siyang ibang plano kundi paibigin si Luca. Handa siyang ilagay sa panganib ang lahat—ang kaniyang reputasyon, ang kaniyang trabaho, at ang kaniyang puso—upang mahulog sa kaniya ang kaibigan ng kaniyang ama. Ngunit hanggang saan siya handang magtiis bago tuluyang masunog sa apoy ng kanilang ipinagbabawal na pagnanasa?
Romance
104.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Contracted Wife

The Billionaire's Contracted Wife

Si Amara ay isang matalinong corporate consultant na bihasa sa iba't ibang usapan sa loob ng boardroom, ngunit dahil sa biglaang problema na kinaharap ng pamilya niya ay napilitan siyang tanggapin ang isang “deal” sa lalaking hindi niya kailanman naisip na magagawa niyang lapitan for the sake of her family's survival. Para iiwas ang kanyang ama sa pagkakakulong at upang iahon sila sa pagkakalugmok sa milyones na utang na wala siyang kaalam-alam, napilitan siyang tumanggap ng tulong mula sa CEO ng kompanyang kanyang pinagtatrabahuan. Dala ng desperasyon na maayos ang problema nila, tinanggap niya ang alok ng nag-iisang Cadmus Saint Aleksandr, kilalang cold, ruthless billionaire ng C.A Conglomerates. Ang kapalit ng papeles na pinermahan niya ay kontratang magtatali sa kanya at magbibigay limitasyon sa kalayaan na mayro'n siya. She needs to sign a contract where she is required to act as Cadmus' wife and the contract will end... ONLY if she bears a child—an heir of Cadmus' wealth, a child destined to continue the legacy of a prominent family—Aleksandr. Matatagalan kaya niya ang buhay bilang asawa ng isang bilyonaryo kung saan bawat galaw ay lantad sa publiko at madalas gawan ng issue o piliin niyang sumunod sa kontrata kung saan pagkatapos ng dalawang taon ay aalis ito at kailangan maglaho? Magawa niya kayang panindigan ang bulong ng isip na kontrata lamang ang pagsasama nila, o hahayaan na lang sundin ang puso at reaksyon sa init na nararamdaman sa bawat paglapit ng lalaki? Sa mundong pinasok, sa kontratang sinelyohan, alin ang pipiliin niya, ibabalik ba ang sakit na maaring maramdaman habang nasa puder s'ya ng lalaking ayaw niyang makasama o tatanggapin ang sinasabing pag-aalala at pagmamahal ng lalaking nagparamdam sa kanya ng mga bagay matagal pangarap maramdaman?
Romance
1019 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
181920212223
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status