Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day
Sa ikatlong anibersaryo ng kanilang kasal, isang masakit at nakadurog-pusong katotohanan ang natuklasan ni Nimfa—may ibang babae ang kaniyang asawang si Marcus.
Ngunit ang higit na hindi niya matanggap: ang kabit ng kaniyang asawa ay ang mismong hipag—ang asawa ng nakatatandang kapatid ni Marcus.
Sa kabila ng sakit na dulot nito, pinili ni Nimfa na magbulag-bulagan. Ayaw niyang masira ang pagsasama nila ni Marcus, dahil mahal na mahal pa rin niya ito. Kaya nanatili siya, kahit unti-unti na siyang nauupos.
Subalit lalo pang tumindi ang lahat nang mamatay ang kapatid ni Marcus. Pansamantalang tumira sa kanilang bahay ang hipag nito kasama ang anak, at doon mas lalong nakita ni Nimfa kung gaano na siya pinapabayaan ng asawa—sapagkat ang buong atensyon nito ay nasa ibang babae na.
Isang gabi, sa tindi ng sakit at pagod, tuluyan nang nagdesisyon si Nimfa.
“Maghiwalay na tayo, Marcus. Mag-file na tayo ng annulment para matapos na ang lahat ng ‘to,” malamig niyang wika.
Ngunit tatanggapin ba ito ni Marcus?
At sa gitna ng sugat na iniwan ng kaniyang asawa, isang lalaki ang muling babalik sa buhay ni Nimfa—isang lalaking may koneksyon sa kanilang nakaraan, na ngayon ay isa nang makapangyarihang bilyonaryo.