Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student

Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student

Sa likod ng nagniningning na ginto at karangyaan ng Golden University, isang mapanganib na laro ng panlilinlang ang nagaganap. Si Laria, isang elite spy, ay bihasa sa pagiging anino. Upang matagumpay na maisagawa ang kanyang misteryosong misyon, pinili niyang itago ang kanyang tunay na ganda sa likod ng isang pangit at hindi kapansin pansing anyo makapal na salamin, pekeng dungis sa mukha, at isang mahiyain na personalidad na madaling balewalain ng mapanghusgang lipunan ng unibersidad. Sa paningin ng lahat, siya ay isang hamak na iskolar na walang puwang sa mundo ng mga elitista, ngunit sa likod ng maskarang ito ay isang matalas na isipan na nagmamanman sa bawat kilos ng mga nasa paligid niya. Ngunit ang katahimikan ng kanyang pag iispya ay magugulo sa pagdating ni Professor Drake. Sa umaga, siya ang misteryoso, malamig, at nakakalunod ang presensya na guro na kinatatakutan at hinahangaan ng lahat. Ngunit sa ilalim ng kanyang mamahaling suit at matatalas na titig, si Drake ay isang mafia billionaire na may mas malalim at madugong agenda. Pumasok siya sa unibersidad hindi upang magturo, kundi upang bawiin ang isang mahalagang pag aari ng kanyang pamilya at lipulin ang mga traydor na nagtatago sa loob ng akademya. Ang bawat leksyon sa loob ng silid aralan ay tila isang interogasyon, at bawat titig niya kay Laria ay tila unti-unting nagbabaklas sa pader na itinayo ng dalaga. Habang nagtatagpo ang kanilang mga landas sa gabi bilang mga estrangherong magkalaban sa misyon, at sa araw bilang guro at estudyante, isang matinding tensyon ang mabubuo. Sa unibersidad na binuo ng mga lihim, kailangang mag ingat ni Laria dahil ang lalaking nagmamasid sa kanya mula sa unahan ng klase ay ang siya ring lalaking maaaring maging pinakamalaking hadlang sa kanyang misyon o ang tanging makakapagligtas sa kanya.
185 viewsOngoingAdded to Library 7 Times as kim na-young
Read
+Library
UNBREAK MY HEART

UNBREAK MY HEART

Si Sophia Florence ay isang napakagandang babae na may pusong handang magsakripisyo para sa pag-ibig. Limang taon niyang inialay ang kanyang buhay kay Wright William, ang gwapong CEO ng Wright Trading Inc.—isang self-made billionaire na hinubog ng ambisyon at sakripisyo. Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay, ang kanilang kasal ay isang lihim sa mata ng mundo. Si Sophia ang lihim na asawa, ang babaeng laging nasa anino, patuloy na nagmamahal sa isang lalaking hindi kayang ibigay ang buong pagmamahal sa kanya. Sa kanilang ikalimang anibersaryo, pumasok si Sophia sa Wright Tower, dala ang homemade lunch at isang malaking lihim—siya ay buntis. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Sa gitna ng grand marble lobby, nakita niyang hawak ni Wright ang kamay ng isang babae—si Jane Clyde-Wright, ang "opisyal" na asawa sa mata ng publiko. Ang sakit na dulot ng katotohanan ay parang isang matalim na kutsilyo na sumaksak sa kanyang dibdib, habang siya'y umiiyak, nagiging multo sa sarili niyang kasal. Sa pinakamadilim na sandali ng kanyang buhay, lumitaw si Teddy Smith, ang misteryosong business partner ni Wright—gwapo, mayaman, at puno ng galit para kay Wright. Ibinukas ni Teddy kay Sophia ang pinto ng paghihiganti, ngunit sa kanilang paglalakbay ng lihim na pagmamahal, nagsimulang matuklasan ni Sophia ang mas malalalim na lihim na nagtatago sa kanyang pamilya at ang tunay na motibo ni Teddy. Habang ang mga lihim at pagnanasa ay lumalalim, natutuklasan ni Sophia ang mga madilim na katotohanan bakit itinago ni Wright ang kanilang kasal? Ano ang tunay na layunin ni Teddy? Sa bawat hakbang patungo sa katarungan, kailangan niyang magdesisyon: Mananatili ba siya sa sakit ng nakaraan, o susunod siya sa mapanganib na pag-ibig kay Teddy, na may panganib na magbigay ng kaligtasan... o magdala sa kanya ng kapahamakan?
105.3K viewsOngoingAdded to Library 138 Times as kim na-young
Read
+Library
Billionaires True Love

Billionaires True Love

"Hello Bestie.. Kumusta?" sagot ni Roldan sa kabilang linya. "Bestie, help!!!! Hindi ko na kaya" habol ang hininga na sagot ni Carissa. "Bestie, what happened.... Saan ka ngayon pupuntahan kita" natataranta na sagot ni Roldan. Humihikbi na sumagot si Carissa " Dito sa park Bestie.. Please puntuhan mo ako.. Hindi ko na kaya... Nakipaghiwalay na siya sa akin...... Ang sakit...... Sakit.." sumisigok na sagot ni Carissa. Halatang pinipilit na lang nitong magsalita. "Saang Park Bestie??? Please hold on.. Wag mong masyadong isipin ang problema.. Pupuntahan kita diyan promise.. Send mo sa akin ang location mo ok????... Tarantang sagot ni Roldan. Hindi sumagot si Carissa.. Patuloy lang ito sa pagluha. " Hello Bestie naririnig mo ba ako?? Send mo sa akin ang location mo Para napuntahan kita." halos nagmamakaawa na wika ni Roldan. Alam niya kasi na wala sa huwesyo ang kanyang kaibigan baka mapahamak ito. "Bestie please magsalita ka naman. Sige na send mo na sa akin kung saan ka. Paalis na ako.... Nandito na ako sa kotse." wika ulit ni Roldan. Nag-umpisa na din ito magdrive. Maya-maya pa ay nareceived na din niya ang location kong saan naroon si Carissa. Agad niya itong pinuntahan at natagpuan sa isang upuan. Nakayuko ito at halatang hirap sa paghinga. Nang mahawakan ni Roldan ay agad niyang itinaas ang mukha ni Carissa. Nagulat siya sa hitsura nito. Maputla ito at nakapikit na. Bakas sa mukha nito ang mga luha at paghihirap. Agad na niyakap ni Roldan ang kanyang kaibigan. Maya-maya pa ay naramdaman niya itong lumungay-ngay sa kanyang balikat. Bumagsak din ang mga kamay nito. Nataranta si Roldan ng marealized niya na nawalan ng malay si Carissa . Agad niya itong binuhat at isinakay sa kotse. Pinaharurot agad niya papuntang hospital.
9.98.9M viewsCompletedAdded to Library 203.8K Times as kim na-young
Show Reviews (1243)
Read
+Library
Cathy
Malabo po na may hawak na full episode ang mga nag aalok na mga scammer dahil hindi pa po ito tapos...️. Ako po ang author at ako lang ang nakakaalam kung paano tapusin ang kwento.... Hindi ko pa nga naisusulat ang complete episode nito. Nasa imagination ko pa po ang lahat...️. Maraming salamat po....
Mary Ann Ocop
nagustohan ang kwento into ako ay wala hailing sa pag papasahod nag nobela pero nong nabasa ko ang billionaires true love ako ay na curious dahil sa bawat kabanata na-excite sa mga magyayari at sa pagmamahalan ni clarissa at gabrielle na gustohan ko ito dahil hango ito sa buhay ng isang tao mahalan
Read All Reviews
MR. MAYOR, I'M LEGAL NOW

MR. MAYOR, I'M LEGAL NOW

“Stop it, Vesper! You're not even my type, young lady. Ni hindi ka pa marunong humalik nang tama. Just stop!”  Iyon ang mga salitang binitawan ni Kane Ynares kay Vesper Del Valle nine years ago.  Mga salitang sumugat sa batang puso ni Vesper. She was fifteen and he was twenty-nine. He was her perfect leading man and she wanted him so bad but he is her “Uncle Kane" dahil kaibigan ito ng Dad niya. Pero nang gabing ‘yon, hindi “Uncle” ang nakita ni Vesper kay Kane kundi ang lalaking pangarap niya. Her first love, and her first heartbreak. Lumipas ang siyam na taon at muli silang nagkaharap. She's twenty-four and he's now thirty-eight and the desire between them is undeniable. As their paths cross again, muli ring nasubok ang paninindigan ni Kane. He wanted her but it's just impossible.  Because it is forbidden…
658 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as kim na-young
Read
+Library
The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy

The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy

​Pitong taon ang ibinigay ni Lianne Martinez kay Gabriel Santos, umaasang ang katapatan ay susuklian ng pagpapahalaga. Ngunit sa ikatlong pagkakataon na hindi sumipot si Gabriel sa kanilang kasal para samahan ang kanyang "White Moonlight," ay napagtanto ni Lianne na siya ay isang anino lamang sa buhay ng lalaki. Sa halip na magmakaawa ay pinili ni Lianne na sunugin ang tulay ng kanilang nakaraan. Sa isang tawag ay tinanggap niya ang alok ng kanyang mortal na kaaway na si Xavier Buenavista. Ito ay hindi lamang tungkol sa paghihiganti, ito ay tungkol sa pagbawi sa sariling halaga na matagal na niyang kinalimutan.
198 viewsOngoingAdded to Library 7 Times as kim na-young
Read
+Library
Unexpected marriage with the cold billionaire

Unexpected marriage with the cold billionaire

Isang Ambisyosang Janitress ang patay na patay sa kanyang cold hearted na boss. Buong akala niya talaga ay hanggang imaginary boyfriend nalang niya ito ngunit, nag iba ang tadhana, simula ng mailigtas niya ang ginang sa elevator sa bingit ng kamatayan, to surprise ay ang ina pala ng kanyang crush na boss. Tinanggap niya ang offer na maging private nurse sa ina nito, at dito nagsimula ang pagbabago ng kanyang simple na buhay. Mapa-ibig niya kaya ang isang Thiago Jaxx na ubod ng sungit? Oh magiging fantasya na lamang? At babalik sa pagiging Janitress kapag natapos na ang kanyang contrata.
916 viewsOngoingAdded to Library 25 Times as kim na-young
Read
+Library
Divorce Me Now, Mr. Peters!

Divorce Me Now, Mr. Peters!

Nagpakasal sina Celestine at Benjamin pero ang lahat pala ng iyon ay for show lang dahil ayaw ng mga magulang ni Benjamin sa minamahal nitong si Diana. Nakatakda ang divorce nila in six months pero laking pagtataka ni Benjamin na bigla na lang pumayag si Celestine kahit hindi pa tapos ang six months na sinasabi niya. Nagulat na lang si Benjamin, pagkatapos ng isa nilang pagtatalo, pagbalik niya ng bahay ay bigla na lang nawala ang kanyang asawa. Nasaan na kaya si Celestine at paano na ang kanilang magiging buhay lalo pa at na-sign na pala niya ang divorce papers nila?
1057.0K viewsOngoingAdded to Library 1.7K Times as kim na-young
Read
+Library
Mysterious Marriage

Mysterious Marriage

Ang kasal ay dapat na simbolo ng wagas na pag-ibig, ngunit para kina Ethan Blackwood at Ava Morales, ito ay isang selyadong kontrata ng mga nakatagong intensyon. Sa isang lihim na seremonya, nagpalitan sila ng sumpa na walang ibang saksi kundi ang kanilang mga pansariling agenda. Si Ethan, ang makapangyarihang tagapagmana, ay nagpakasal lamang upang takasan ang arranged marriage na pinipilit ng kanyang mga magulang kay Sophia. Sa kabilang banda, si Ava ay pumasok sa buhay ni Ethan dala ang isang madilim na misyon: na tuklasin ang katotohanan sa likod ng misteryosong pagkamatay ng kanyang ama, na pinaniniwalaan nilang may madugong kaugnayan sa pamilyang Blackwood. Sa simula, ang lahat ay purong negosyo at kontrata. Ang dating pagpapanggap ay nauwi sa totoong nararamdaman; nahulog ang loob ni Ethan sa katapangan ni Ava, habang si Ava naman ay nagsimulang malunod sa pagmamahal ng lalaking dapat sana ay kanyang kaaway. Subalit ang kanilang marupok na kaligayahan ay agad niyanig ng mga lihim ng nakaraan. Habang pilit na ipinaglalaban ni Ava ang katarungan, pinili naman ni Ethan na tumayo sa panig ng katotohanan upang iligtas ang kanilang relasyon, kahit pa ang kapalit nito ay ang pagbagsak ng sarili niyang pamilya. Hindi pa doon nagtatapos ang paghihirap. Ang ina ni Ethan na si Victoria ay naglunsad ng isang maruming plano upang sirain ang dangal ni Ava. Ginamit niya ang pinsan ni Ethan na si Lucas upang palabasin na may lihim na relasyon ang dalawa. Kasabwat ang selosang si Sophia, kumukuha sila ng mga huwad na ebidensya upang pilitin ang isang masakit na diborsyo sa pagitan ng mag-asawa. Ngayong nakabaon na sila sa rurok ng traydor at kasinungalingan, paano haharapin ni Ethan at Ava ang katotohanang bawat isa sa kanila ay biktima ng sarili nilang mga lihim? Magpapatuloy pa kaya ang pinaglalaban na relasyon?
10464 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as kim na-young
Read
+Library
Admiring the Star

Admiring the Star

weirdestbookworm
Eros admired a girl way back when he was still in college. But he didn't get the chance to confess because he thought she was the star he couldn't reach. Hanggang isang araw, namalayan niya na lang na nakatira na ito sa kaniyang bahay. Na ang bituin na hindi niya kailanman maaabot, ay unti-unting lumapit sa kaniyang mga palad.
1.6K viewsOngoingAdded to Library 65 Times as kim na-young
Read
+Library
My Billionaire Husband Doted his First Love

My Billionaire Husband Doted his First Love

Mag-aanim na taon nang nagsasama sina Lilian at Marco kasama ang kanilang limang taong gulang na anak na si Justine nang bumalik ang unang babaeng minahal ni Marco; si Winona. Nabaling ang atensiyon ni Marco dito kasama na rin ang kanilang anak na labis na ikinasama ng loob ni Lilian hanggang umabot na sa sukdulan ang kanyang pasensiya. Ano ang maaring gawin ni Lilian sa tahasang pambabalewala sa kanya ng kanyang mag-ama? Mas pipiliin niya bang tiisin na lamang o magdesisyong iwan ang mga ito? Ano ang mahihinatnan ng kanyang magiging desisyon?
10555 viewsOngoingAdded to Library 19 Times as kim na-young
Read
+Library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status