Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Kung Pwede Lang

Kung Pwede Lang

Si Trixie ay isang mapagmahal na ina sa kanyang anak na babae at ang tanging nais ay ang mabigyan ito ng magandang kinabukasan. Hindi niya inakalang makikilala niya si Derrick, ang anak ng may-ari ng kompanyang kalaban ng kanyang kinilalang pamilya simula pagkabata. May pag-asa ba para sa pagmamahalan ng dalawang taong naipit sa gitna ng magkalabang pamilya? Ipaglalaban ba nila ang pagmamahalan para sa isa't-isa? O kakalimutan na lamang ito para sa katahimikan ng mga buhay nila?
1019.5K viewsCompletedAdded to Library 487 Times as kung tayo talaga
Read
+Library
Kung Ayaw Mo, Huwag Mo

Kung Ayaw Mo, Huwag Mo

Fate in love has been something that Aqee finds interesting yet has never really experienced. She believes fate has its own favoritism, and it wasn't her. Her fate in life was turning bright, yet it made her love story darker by time. Para bang ang kapalit ng success niya sa buhay ay ang mag-isa habang buhay. It wasn't her choice to begin with. She wanted to be loved how she knows love is. Gusto niya maramdaman ang nararamdaman ng iba. Gusto niya maranasan ang nararanasan ng iba tuwing nagmamahal. Kahit hindi na siya baguhan sa isang relasyon, hindi siya tumigil sa paghihintay na baka isang araw ay paglaruan siya ng kaniyang tadhana at makilala ang lalaking iibigin siya hanggang wakas ng paulit-ulit sa iba-ibang pagkakataon. Ngunit handa na ba talaga si Aqee sa pagmamahal na ibibigay sakaniya ng tadhana? O nandyan lamang ang kaniyang hinahanap pero hindi niya lang pinapansin? Paano nga ba makikipaglaro ang tadhana niya sa kaniyang kwentong pag-ibig?
10563 viewsOngoingAdded to Library 17 Times as kung tayo talaga
Read
+Library
Kung Isusuko ko ang Langit

Kung Isusuko ko ang Langit

Sapphire Dyace
Napag alaman ni Gerald na ang anak ng family friend nila, ay ipapakasal sa isang matandang triple ang edad dito, para lang mabawi ang dangal na sinasabi ng tatay nito, dahil daw isang disgrasyada ang kanyang anak. Dahil dito, napilitan siyang itakas si Janna. Subalit isa pala itong malaking pagkakamali, dahil ang hiniling sa kanya ng tatay ng babae, ay ang pakasalan niya ito upang maahon sa mas lalo png kahihiyan ang pamilya ni Janna. Dahil dito, nakiusap siya kay Lizzy, ang kanyang fiance, na kung maaari ay pakakasalan muna niya ang batambatang si Janna, at hihiwalayan na lang after 3 years, para sa gayon ay nasa tamang edad na talaga itong magdecide para sa sarili, at makatapos muna ng pag aaral. Ayaw sanang pumayag ni Lizzy, ngunit dahil sa assurance na ibinigay niya, pumayag din ito kalaunan. Ngunit ang tadhana ay sadyang mapaglaro.. Dahil ang isang pagpapanggap, ay nauwi sa isang makatotohanang gawi, dahil na rin sa taglay na katangian ni Janna, na hindi niya kayang tanggihan. Hindi niya alam, kung tama ba, na samantalahin niya, ang puso ni Janna, gayong ang pgkilala nito sa kanya, ay isang kuya lamang? paano siya aamin kay Lizzy? siya rin kaya ay gugustuhin ni Janna?
103.7K viewsOngoingAdded to Library 95 Times as kung tayo talaga
Read
+Library
KUNG AKO AY IIBIGIN MO

KUNG AKO AY IIBIGIN MO

Dalagita pa lamang ang maganda at matalinong si Helena Montenegro nang maulila siya sa mga magulang. Ganoon pa man, hindi siya pinabayaan ng abuela niya na si Doña Amanda. Itinaguyod siya nito ng buong pagmamahal. Itinuro nito sa kan'ya ang lahat ng aspeto sa buhay kaya naman naging matagumpay si Helena sa halos lahat ng larangan. Isa lang ang hindi niya nagawang pagtagumpayan. Ang usapin ng kan'yang puso, na nalinlang ng lalaking pinagtiwalaan niya. Iniwan siya nitong nagdadalangtao. Pero hindi papayag si Helena na malugmok siya sa kabiguan lalo at magiging dahilan iyon ng kamatayan ng lola niya. Humanap siya ng lalaking mananagot sa kalagayan niya. Kahit bayaran niya ito ng malaking halaga. At iyon ay si Markus Angeles. Isa sa kan'yang ordinaryong empleyado lamang. Si Markus na tinanggap ang alok ni Helena hindi dahil nasilaw siya sa kaginhawahang inalok nito kun'di dahil sa dahilang matagal niya nang minamahal ang babaeng amo. Nagsama sila sa iisang bubong. Hanggang isang araw, natuklasan ni Helena na umiibig na rin pala siya kay Markus lalo at natuklasan niya na hindi siya nagkamali ng pagpili rito. Ngunit hindi nila iyon mabibigyan ng katuparan. May bumalik at dumating na hadlang. Pilit na hahadlang sa kaligayahan nila ang unang pag-ibig ni Helena. At may nakahanda ring sumilo sa puso ni Markus. Sa huli, mananaig ang pag-ibig nila sa bawat isa. At iyon ang magsisilbi nilang kalasag laban sa mga hadlang na pilit pinaglalayo ang kanilang mga puso.
107.7K viewsCompletedAdded to Library 192 Times as kung tayo talaga
Read
+Library
Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

Rain Sevilla
Lihim sa mga kabanda ni Jhonel Hosoda ang relasyon niya sa co-singer sa dating pinagtatrabahuan niya sa Japan, not until he proposed to Akime, upang matanggap lamang ang rejection mula rito. Ang matagal niyang pinaghandaan at inasam ay nasira sa isang sandali lang. Ngunit kung bakit sa gitna ng pag-iwan ni Akime sa kanya ay biglang may isang babaeng nais pumalit sa ex-girlfriend niya para maging asawa. Sa labis na awa at concern ay inalok ni Laceyleigh ang kamay niya kay Jhonel para siya na lang ang pakasalan nito, pero sa halip ay pinagtawanan siya. But her guts reached to its next level. She kissed him, and then... he kissed her back! Mula niyon ay umiwas na siya rito. Sadyang mapagbiro lang ang tadhana dahil sa kagagawan ni Jhonel ay nag-viral sa social media ang pictures niya, hindi dahil sa gusto siya nitong makita kundi para mabawi ang engagement ring na ninakaw niya. Mahanap pa kaya muli nila ang isa’t isa?
2.2K viewsOngoingAdded to Library 79 Times as kung tayo talaga
Read
+Library
Reincarnation: Muli Tayong Nagkita

Reincarnation: Muli Tayong Nagkita

Ang aking asawa ay isang air traffic controller. Sa aming mga nakaraang buhay, ang aking anak na babae ay inatake sa puso nang ang flight na aming sinasakyan ay humarap sa isang bagyo. Nakipag-ugnayan ako sa aking asawa sa control tower para maghanda ng priority landing. Kasabay nito, bumagsak ang kabilang flight na sinasakyan ng soul mate ng asawa ko matapos tamaan ng kidlat. Ang aking asawa ay kumilos nang normal pagkatapos ng insidenteng iyon. Gayunpaman, nang maglaon sa kaarawan ng aking anak na babae, ikinulong niya ang aking anak na babae at ako sa bahay, at kami ay sinunog hanggang sa mamatay. "Kung hindi ka nagrequest ng priority landing, hindi sana bumagsak ang flight ni Kelly! Sa tingin ko ay wala namang problema sa anak mong babae. Ginawwa mo lang yun dahil sa selos mo para kay Kelly, ikaw ang rason ng pagkamatay ng ilang daang mga inosenteng buhay.” Ang aking anak na babae at ako ay hindi nakatakas, kami ay namatay nang kakila-kilabot. Sa susunod na pagmulat ko ng aking mga mata, bumalik ako sa araw na ang aking anak na babae ay inaatake muli sa puso. Sa pagkakataong ito, tuluyan nang nadiskonekta ng asawa ko ang tawag ko sa control tower. Gayunpaman, nang malaman niyang namatay ang aming anak na babae dahil sa atake sa puso, nabaliw siya.
1.1K viewsOngoingAdded to Library 36 Times as kung tayo talaga
Read
+Library
Mahirap Balikan ang Kahapon

Mahirap Balikan ang Kahapon

"Maghiwalay na tayo, Dwayne.." nakikiusap ang aking tono sa aking asawa. Pagud na pagod ang puso, isipan at katawan ko sa buhay pag aasawang meron ako. Inaalila lang ako ng pamilya niya, at siya naman ay binabalewala lang ako.. Ayoko na talaga! "Sinong may sabi sayong maghihiwalay tayo? LJ, tandaan mo, ikaw ang humiling nito sa akin, ibinibigay ko lang ang gusto mo. Ayaw mo na? magdusa ka habang buhay!" iyon lang ang sinabi ni Dwayne, bago niya ako tuluyang iwanan sa bahay.
102.1K viewsOngoingAdded to Library 64 Times as kung tayo talaga
Read
+Library
AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS

AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS

"LEO, MAGDIVORCE na tayo…” *** Ang pakikipagdivorce sa asawa ni Hyacinth Dominguez ay isang napakahirap na desisyon. Pero paulit ulit na lang siyang nasasaktan. Marami na siyang tiniis at isinakripisyo para kay Leo Cantavieja na siyang mahal na mahal niya. Kailanman ay hindi nasuklian ang pagmamahal niyang iyon. Dahil isa lang naman siyang pamalit sa kapatid niya. Hindi naman talaga dapat si Hyacinth ang pakakasalan ni Leo, pero ganoon ang nangyari sa huli dahil naglaho ang kapatid niya bigla. Akala ni Hyacinth, magiging masaya siya at mapapasaya niya rin si Leo. Pero mali siya… dahil isang substitute, plain at naturingang ‘ugly duckling’ lang siya sa paningin ni Leo. Hinding hindi niya matatapatan ang kapatid niya sa puso nito. Pero paano kung isang iglap, binura ni Hyacinth ang imahe niya bilang ugly duckling sa mga mata ng tao at ni Leo? Paano kung magbago ang ikot ng mundo bigla at si Leo naman ang naghabol bigla sa kaniya?
105.1K viewsOngoingAdded to Library 154 Times as kung tayo talaga
Read
+Library
Love Is Never A Mistake [BXB]

Love Is Never A Mistake [BXB]

peterrpopper
.... Mali ba na mag mahal? Lalo na kung parehas kayo ng kasarian? Mali nga siguro, dahil nagmahal tayo ng hindi naman dapat at hindi nakaayon sa batas. Ngunit mas mali sigurong mag mahal kung panay panghuhusga lang ang natatanggap. Dahil kailan man hindi naging mali ang pagmamahal kahit na sa iba... ito ay kasalanan? Kasalanan na wala namang may kagustuhan. Pero hindi naman natin kasalanan na sa maling kasarian tayo nagmahal. Dahil kailan man hindi naging mali ang pagmamahal...
102.6K viewsCompletedAdded to Library 57 Times as kung tayo talaga
Read
+Library
Million Worth Marriage (Fillipino)

Million Worth Marriage (Fillipino)

Darlene Paey
Si Jade Sy and epitome ng isang perfect daughter. Pinalaki siyang masunurin at mapagbigay to the point na tila nakakalimutan niya na kung ano ba talaga ang kanyang gusto at kung sino ba talaga siya. Itinatak sa isipan niyang dapat niyag sundin ang pamilya dahil sila ang nakakaalam ng makabubuti sa kanya. Sinunod niya ang lahat maging ang pagpapakasal sa isang lalaking walang ginawa kundi ipakita sa kanya kung gaano siya nito kinamumuhian. Is love enough to stay in a marriage that was loveless in the first place?
101.8K viewsOngoingAdded to Library 70 Times as kung tayo talaga
Read
+Library
PREV
123456
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status