Love Replacement
binasa ko ulit ang mga patakaran, "Itong isa, kailangan pa ba talagang no touching? Tapos ito, may oras ang paggala ko, itong number three, may dress code na kailangang sundin, ito pa, no feelings involved, asa ka naman!"
Marami pa iyon pero hindi ko binanggit lahat at baka mapagod lang ako.
"Didn't you read the compensations?"
Ngumuso ako sa tanong niya at hinanap ang compensation thingy na binanggit niya.
"5 million for you kapag natapos natin ang isang taong kontrata. Ayaw mo ba?"
Malaki ang limang milyon pero ako 'yong taong vina-value ng husto ang sarili at oras ko. Kaya kung tatanungin kung sapat ba ang limang milyon, hindi. I honestly need more rewards.
Hot Chapters