ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO
“Kung may kasamang Clairox ‘yung kape, baka ‘yon na lang ‘yung pipiliin ko.”
Ngumiti siya ng mahina, habang iniisip kung alin ba talaga ang mas nakakaadik — ang kape, o si Clairox.
“Ano ba itong mga naiisip ko…” bulong ni Steffie habang pinipisil ang sarili niyang pisngi. “Wala na sa lugar! Grabe ka na, Steffie! Kape lang ang hiningi mo, pero bakit parang love confession na ang plano mo? Nakakahiya kay Clairox ‘pag narinig niyang ganito ako mag-isip! Baka isipin niya—ay, ewan! Mukha na akong baliw!”