Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I'm Crazy For You

I'm Crazy For You

Sa gitna ng karangyaan ng Blue Ocean Cruise Ship, isang banggaan ng galit at kapalaran ang magpapasimula ng pagbabago sa buhay nina Cherry at Jal. Si Cherry, isang matapang at determinadong crew member na may fiancée na nangangalang David, ay umuusok sa galit matapos ang magulong araw sa trabaho. Sa isang aksidenteng pagkikita, napagkamalan niyang gigolo ang isang gwapong lalaki na tila walang pakialam sa mundo—si Jal. Ngunit ang hindi niya alam, ang lalaking kanyang sinigawan at tinawag na bastos ay ang mismong kapitan, CEO, at bilyonaryong nagmamay-ari ng barkong kanyang pinagtatrabahuhan. Ngunit sa ilalim ng liwanag ng buwan at sa kislap ng dagat, naganap ang isang gabing hindi nila inaasahan—isang mainit at mapusok na one-night stand na nag-iwan ng masakit na katotohanan: si Cherry ay nagdadalang-tao ng triplets. Habang patuloy na iniwasan ni Cherry si Jal, ang galit niya rito ay nagiging masalimuot na damdaming hindi niya maunawaan. Ang kanyang puso ay tila nagkakaroon ng sariling isip tuwing nakikita si Jal, kahit pa alam niyang may malaking sagabal sa kanilang dalawa—ang kanyang matagal nang fiancé na si David, na naghahanda na para sa kanilang kasal sa susunod na taon. Sa bawat araw na lumilipas, lalo siyang nahuhulog sa kakaibang ganda at pagkatao ni Cherry—isang damdaming hindi niya inasahan at pilit niyang nilalabanan. Ngunit paano kung malaman niya ang lihim ni Cherry? Paano kung matuklasan niyang siya ang ama ng mga triplets na dinadala nito? Pipiliin ba ni Cherry ang responsibilidad ng pangako kay David, o ang tawag ng pusong nagsisigaw para kay Jal?
Romance
103.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return

Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return

Nabuntis si Samantha Davis at wala siyang alam tungkol sa lalakeng nakabuntis sa kanya. Matapos siyang itakwil ng kanyang ama, nilisan niya ang lungsod para magsimula muli. Pinalaki niya mag-isa ang mga anak niya, nagsumikap at nalampasan ang hirap. Lingid sa kanyang kaalaman, hinahanap ng kambal niyang mga anak ang tunay nilang ama at hindi sila pipili ng iba! Sa edad na tatlong taong gulang, nagtanong ang mga anak niya, “Mama, nasaan si Dada?” “Ano… nasa malayo si Dada.” Ito ang pinakamadaling paraang para kay Samantha na ipaliwanag sa kanyang mga anak ang dahilan kung bakit wala ang ama nila. Sa edad na apat na taong gulang, nagtanong sila muli. “Mommy, nasaan si Daddy?” “Ano… nagtatrabaho siya sa Braeton City.” Pinili muli ni Samantha na magpalusot. Napagtanto niya na sasagutin din niya balang araw ang tanong ng mga anak niya tungkol sa kawalan nila ng ama at napagdesisyunan na oras na para sabihin ang totoo. Pero, isang araw, lumapit ang mga anak niya sa kanya habang kita ang kinang sa kanilang mga mata, “Mommy, nahanap na namin si Daddy!” Nakatayo sa harapan niya ay isang bloke ng yelo, si Mr. Ethan Wright, ang pinakamakapangyarihang businessman sa lungsod.
Romance
10138.8K viewsCompleted
Read
Add to library
AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE

AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE

Sa ngalan ng pera ay tinanggap ni Alexa ang pagpapakasal kay Noah Montemayor at hindi niya akalain na sa paglipas ng taon ay matututunan niya pala itong mahalin. Noong panahong iyon ay hindi ito makalakad dahil sa kinasangkutan nitong aksidente. Tumagal ang kanilang pagsasama ng tatlong taon nang bigla na lamang siya nitong gulantangin dahil sa sinabi nito. "Maghiwalay na tayo." tatlong salita na nagpaguho sa mundo ni Alexa. Pagkatapos ng tatlong taong pagsasama ay hindi niya akalain na babalik ang babaeng pinakamamahal ni Noah, na pinabayaan siya noong mga panahong kailangang-kailangan siya nito. Kapalit ng malaking pera ay tinanggap niya ito at nagpaka-busy sa daang tinahak niya hanggang sa isang araw ay nakilala siya sa buong bansa at lumabas pa sa telebisyon. Doon niya nakilala ang lalaking magiging dahilan ng pagbangon niya. Ngunit isang araw ay bigla na lamang nakipagkita si Noah sa kaniya. "Pwede bang magsimula tayong muli? Kailangan kita at handa akong gawin ang lahat para bumalik ka lang sa akin." "Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan ko sayo ang sarili ko." Bibigyan niya nga ba ito ulit ng isa pang pagkakataon na pumasok sa buhay niya gayung kung tutuusin ay nakabangon na siya mula sa pagkabigo pagkatapos nitong makipaghiwalay sa kaniya? Totoo nga kaya ang sinasabi ng iba na love is sweeter the second time around?
Romance
1028.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Hidden Secrets

Her Hidden Secrets

From the very start, Amara knew that falling inlove with her bestfriend, Sebastian Clifford Laqueza is not impossible. Dahil bukod sa mayaman at guwapo ito, ubod ng bait at maalaga ito sa kanya. Kaya nang malaman niyang aalis ang binata papuntang Canada, nawasak ang kanyang puso. Kaya napagdesisyonan niyang hindi kausapin si Sebastian sa iilang araw na natitira nito sa Pilipinas bago umalis. Hanggang sa dumating ang araw na nagtagpo ang dalawa sa bar. What if the nights for apologizing and saying goodbye's turns to a night that full of lusts, mysteries and secrets?
Romance
72.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Zillionaire's Hidden Child Is A Model

The Zillionaire's Hidden Child Is A Model

One drunken night led Leila Valderama to marry the love of her life Beau Valencia. But Beau didn’t feel the same. After what happened he despised her. Ngunit sa kabila no’n ay pinakasalan siya nito hindi dahil sa pagmamahal kun’di para isalba ang negosyo ng pamilya nito na nasa bingit ng pagkalugi. Sa kabila ng mga hindi pagkakaintindihan at pagkakaiba nila ni Beau ay pinili niyang maniwala na maaayos rin ang pagsasama nila nito. Pero sa kasamaang palad ay hindi pala kayang turuan ang puso… Sa loob ng pitong taon ay tiniis ni Leila ang harap-harapang pagpapakilala sa kanya ni Beau ng ibang babae. Maging ang kawalan nito ng pakialam sa nararamdaman niya ay nagawa niyang tiisin. Pero ang lahat pala ay may hangganan dahil isang araw ay nagising na lang siya at naisip niyang wala ng ibang paraan para maisalba pa ang pagsasama nila. Ang tanging solusyon na lang ay ang sumuko. Ibinagsak ni Leila ang envelope na naglalaman ng divorce papers nila pagkatapos ay isinama ang anak niya para magpakalayo-layo. Desidido siyang baguhin at ayusin ang buhay nila. Sa loob lamang ng isang taon ay umangat ang buhay niya. Isang araw ay nakarating ang balita kay Beau. Nakatitig siya sa kopya ng papeles na ibinigay sa kanya ng kanyang tauhan—ang dati niyang asawa ay nangunguna na sa artificial intelligence industry—at ang mas nakakagulat ay nakita niya sa unang pagkakataon ang anak niya na isang sikat na child model.
Romance
10104 viewsOngoing
Read
Add to library
The Run Away Fiancee.

The Run Away Fiancee.

Isang mapagmahal at mabuting asawa si Dave Justin Alarcon at malapit na sana siyang maging ama nang sa hindi inaasahang pangyayare ay nabaril ang kanyang asawa sa isang bank robbery na ikinamatay nito. Nabiyudo ng maaga at nawalan ng direksyon ang buhay ni Dave. Isang dalagang guro si Leslie Hidalgo na nakatira sa maynila, Kinailangan niyang umuwe ng probinsya sa pakiusap ng mga magulang ng kanyang ina. Sa pagbalik niya ng probinsya ay nalaman niyang nagawa siyang ipagkasundo ng kanyang abuelo sa apo ng isang mayamang angkan sa kanilang lugar, na pinagkakautangan ng malaki ng kanyang lolo Arturo. Labag man sa kanyang kalooban ay pumayag na rin siya sa kasunduan dahil nakasalalay ang kanilang koprahan, ganoon na rin ang bahay at lupa ng lolo't lola niya. Ngunit nakita niya agad ang masamang ugali ng lalaking kanyang pakakasalan, kaya bago dumating ang araw ng engagement party ay tumakas na si Leslie at bumalik ng maynila. Pinagtagpo ng tadhana ang kanilang landas ng mabundol ng kotseng minamaneho ni Dave si Leslie ng dahil sa kalasingan. Naging kargo niya ang babae dahil nagpanggap itong nawalan ng ala-ala upang mapagtaguan ang lalaking pakakasalan. Naawa ang ina ni Dave sa babae kaya kinupkop ito at inalagaan. Sa paglipas ng mga araw ay nahulog ang loob ni Dave sa babae ngunit pilit namang pinaglabanan nito ang nararamdaman. Paano kung malaman niya na ang babaeng kinupkop nila ay ikakasal na pala sa iba? May patutunguhan pa kaya ang nararamdaman ni Dave para sa dalagang tumakas sa napagkasunduang kasal? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Dave kung mabatid niya na nagpapanggap lang na may amnesia ang babaeng muling nakapagpaibig sa kanya?
Romance
1014.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Chasing His Secretary Wife (SPG)

Chasing His Secretary Wife (SPG)

Hindi inasahan ni Natasha na magbabago ang takbo ng kanyang buhay matapos niyang dumalo sa isang okasyon. Sa araw na iyon, ibibigay niya ang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. At matapos ang gabing iyon, nagbubunga ang mainit na sandaling pinagsalita nila dahilan para maging magulo ang payapang buhay ni Natasha. Dahil ang lalaking nakabuntis sa kanya ay si Ezekiel Villar. Ang lalaking ubod ng guwapo ngunit mayroon ugaling hindi kaaya-aya. Makakaya kaya ni Natasha na makasama sa isang bubong ang lalaking unti-unting dudurog ng kanyang puso kapalit ng karangyaan? O mas pipiliin na lang niyang lumayo kapalit ng katahimikan?
Romance
105.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Chasing Betsy

Chasing Betsy

LadyClarita
Betsy Makabayan is your 'not so' typical bente-singko anyos raketera girl. Paano ba naman kasi maliban sa pagiging isang call center agent at sa iba-ibang raket na pinapatos niya, isa rin siyang magaling na artista. Isang araw, hiningan siya ng pabor ng isang babaeng haponesa, sa sa mga naging clients niya. Kapalit ng malaking halaga, si Betsy ay pumunta ng New York at nagpanggap bilang si Yuri Haruko. Kahit na walang kaalam-alam sa business world, naglakas loob lamang siyang magtungo doon. There she met Jack Wills, an American rugged looking guy who's convinced that Betsy is not the person who she said she is.
107.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Agent Ex-Lover

Agent Ex-Lover

Maria Angela Gonzales
Hindi man ang fiance ni Katrina Sa Juan ang kanyang first love ay nagdesisyon na siyang pakasalan ito dahil pakiramdam niya ay wala ng magmamahal sa kanya kundi ito lang. Ngunit, hindi nangyari ang gusto niya dahil sa araw ng kasal ay kinidnap siya ng kanyang ex-boyfriend. Sabi ni Jeremy Rosales, ang kanyang first love gusto lang siya nitong iligtas sa kapahamakan. Ngunit, bakit pakiramdam niya ay puso na naman niya ang muling mapapahamak kapag nagkamali na naman iyong tumibok sa ex niyang nag-iwan sa kanya ng sobrang sakit.
Romance
1011.5K viewsOngoing
Read
Add to library
BACHELOR SERIES 1: STRIPPER

BACHELOR SERIES 1: STRIPPER

|MATURE CONTENT| R-18 Dahil sa estado ng buhay nilang dalawa ay pinaghiwalay sila. Mahirap para sa kay Astrid na layuan ang taong pinakamamahal niya ngunit wala siyang nagawa dahil na rin sa kagagawan ng ina ni Davin. Paano kung isang araw ay mag-krus muli ang landas nilang dalawa? Mabuo pa kaya ang nawasak nilang pagmamahalan lalo pa at may anak silang dalawa o magiging mitya lamang ito ng muli niyang kabiguan? Matanggap kaya siya nito sa kabila ng trabaho niya bilang isang STRIPPER o kamumuhian siya at pandidirihan dahil sa trabaho niya?
Romance
108.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2021222324
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status