Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Isang Magandang Pagkakamali

Isang Magandang Pagkakamali

Sa araw ng kanyang kasal, namatay ang kanyang asawa, na iniwan siya sa isang mahirap na sitwasyon. Pinagbawalan siya ng kanyang mga biyenan na magpakasal muli at pinilit siyang magtrabaho bilang isang sekretarya ng kanyang bayaw, na presidente ng isang kumpanya. Hindi nagtagal ay napagtanto niya na ang pangulo ay ang lalaking nakatagpo niya sa nakamamatay na gabing iyon. Tila nakilala niya siya at tinatrato siya nang may paghamak, pagmamataas, at kabastusan, na nagparamdam sa kanya ng labis na pagkabalisa. Naisipan niyang tumakas, ngunit nahuli siya nito at ibinalik. Ano ang kanyang tunay na intensyon?
Romance
3.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Way back to 1500's

Way back to 1500's

Arcapediaa
Isang misteryosong at kakaibang matanda ang biglang sumulpot sa harapan ni Amira, at pagkatapos niyang tulungan ito ay may inilagay na lamang ito sa kanyang palad. Isang singsing na tila pinaglumaan na ang panahon, hindi alam ni Amira kung ano ang dapat gawin sa naturang singsing kung kaya wala siyang magawa kundi ang tanggapin iyon. Sa hindi niya mabatid na kadahilanan ay tila malakas ang kanyang koneksyon sa singsing at tila hindi ito ang unang beses na kanya itong nakita. Sa paglipas ng araw, naging ordinaryo lamang ang kanyang araw ngunit hindi niya akalain na gigising siya pagkatapos ng mahimbing na pagkakatulog sa hindi pamilyar na mundo at panahon. Ang mas nakaka gulat pa ay isa siyang masamang maharlika at walang iba kundi ang asawa na susunod na magiging rajah. At mukhang numero uno pa siya na kontra bida sa love story ng ginoo. Editing...
History
102.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Masked Desire

The Billionaire's Masked Desire

Isang bagyo ang saksi sa pagkawala ni Saphira, ang batang isinilang pero agad ding nawala sa piling ng pamilya niya. Lumaki siyang ampon ng mga Imperial, tagabantay lamang ng anak nilang si Danica ang dalagang bulag na muling nakakita pagdating ng ika-labingwalo nitong kaarawan dahil sumailalim sa isang operasyon. Sa araw ng pagbabalik ng liwanag ni Danica, natagpuan naman ni Saphira ang tunay niyang pamilya… at ang lalaking magpapabago sa buhay ni Saphira, si Lior Del Fierro, isang business tycoon na masyadong misteryoso para pagkatiwalaan, ngunit imposibleng hindi maramdaman. Ngunit paano kung sa pagbalik ng kanyang nakaraan… ay ang lalaking minamahal niya rin ang dahilan kung bakit siya nawala noon?
Romance
181 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire and his Maid

The Billionaire and his Maid

ladyaugust
Si Alexis ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay. Pero paano niya matutupad ang pangarap kung puro naman kamalasan ang nangyayari sa kanya? Nawalan na ng magulang, at ngayon namang binubuhay ng mag-isa ang sarili ay natanggal pa siya sa trabaho? Hanggang panaginip nalang ba ang kanyang mga pangarap? Paano kung isang araw ay makatagpo at makilala niya si Colt isa sa mga top billionaires sa bansa.Subalit sa kabila ng pagiging bilyonaryo nito ay marami ang naghahangad sa kanyang kayamanan at kapangyarihan na naging mitsa ng buhay nito. Ang binata na kaya ang makakapagpabago ng kanyang kapalaran o isa rin ito sa magdadala ng kamalasan sa kanyang buhay?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
A Night With Stevenson

A Night With Stevenson

Andrea VillaRuiz, isang hotel manager na nasangkot sa isang alegasyon na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang trabaho at dahil sa sama ng loob, nag punta siya ng bar para maglasing at makalimot, ngunit ang problemang dapat niyang malimutan ay nadagdagan pa ng isang problema na nag dulot ng isang gabing pakikiniig sa isang estranghero. Paano kong magising ka na lang isang araw sa hindi pamilyar na lugar at malaman mo na ang matagal mo ng pinagkakaingatan ay mawala ng isang iglap lamang. At ang isang gabing pagkakamali ay nag bunga. 5 years later, nag trabaho siya bilang isang manager ng hotel. Nagulat siya ng malaman na ang may-ari ng hotel na pinagtatrabahuhan niya ay ang lalaking tinakasan niya- her one night stand with Stevenson..
Romance
1046.1K viewsOngoing
Read
Add to library
His Inevitable Obsession

His Inevitable Obsession

AtengKadiwa
Wala ng mahihiling pa si Candice Gonzales, dahil sa kaniya na lahat. Subalit isang araw, kinausap siya ng kaniyang magulang na ipapakasal siya sa anak na lalaki ng kaibigan ng kaniyang ina. Hindi iyon nagustuhan ni Candice Gonzales, lalo at may kasintahan siya! Pero hindi niya akalain na ang lalaking ipapakasal sa kaniya ay ang antipatikong lalaki na nakabangga sa sasakyan niya at humalik sa kaniya. Pero, pumayag din siya magpakasal. Dahil ba iyon sa halik na pinagsaluhan nila na nagdala sa kaniya sa alapaap kaya siya pumayag?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Starting Over Again With The Twin's Daddy

Starting Over Again With The Twin's Daddy

Para kay Josephine Thomas, ang arranged marriage niya kay Nicholas Herrera ay hindi isang sakripisyo kundi isang katuparan ng matagal na niyang pangarap. Mahal niya ito mula pa noon pa man. Kahit alam niyang isa lang siyang ampon at ginamit ng pamilya niya para sa negosyo, hindi siya nagreklamo. Kahit malamig si Nicholas at hindi siya minahal pabalik, tiniis niya ang sakit. Ngunit ang akala niyang magiging daan para mahalin siya ng asawa ay siya ring sumira sa kanya. Sa araw na balak niyang sabihin kay Nicholas na buntis siya, nakita niya ito sa ospital, kasama ang babaeng totoong minamahal nito. At sa harap ng mga mata niya, narinig niya ang pinaka-masakit na salita. “Magpapakasal na kami, Josephine. Magpa-file na ako ng divorce.” Gumuho ang mundo niya, pero hindi siya sumuko. Kahit delikado para sa puso niya, pinili niyang ituloy ang pagbubuntis. Hanggang sa isang araw, nawala siya sa buhay ni Nicholas… at hindi na muling lumingon. Apat na taon ang lumipas, at muling nagkrus ang mga landas nila. Sa pagkakataong ito, si Nicholas na ang humahabol. Puno ng pagsisisi, gustong bumawi. Pero may puwang pa ba siya sa puso ni Josephine? O huli na ang lahat para sa kanilang dalawa?
Romance
342 viewsOngoing
Read
Add to library
HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)

HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)

Jewiljen
Bata pa lang ay alam na nilang ipinagkasundo silang dalawa ni Sky. Pareho na nilang tanggap iyon. Ang musmos na puso niya ay hindi na makapaghintay na dumating ang araw na siya'y magiging ganap na Mrs. Razon. Ngunit nagbago ang lahat nang umeksena sa buhay nila ang pinsan niyang si Audrey. Pinapayagan ng mga magulang nila ang makipagrelasyon muna sa iba hangga't hindi pa dumating ang takdang araw na iaanunsiyo ang pormal nilang engagement. Pilit na itinatago ng dalawa ang relasyon nila pero alam na alam ng puso niya ang katotohanan. Wala rin naman siyang karapatang pigilan iyon kahit nasasaktan na siya. Naganap pa rin ang kasal nila ni Sky kahit pa nga alam niyang may iba itong mahal. Nagrebelde ang batang puso niya na naging dahilan ng paglayo ni Sky ng pitong taon. Sa pagbabalik nito ay nagulat na lang siya nang ianunsiyo ng asawa ang nalalapit na kasal nito sa first love nitong si Audrey. Paano nga ba niya hahadlangan iyon gayong nalaman na lang niyang peke pala ang kasal nila? Dala-dala niya ang apelyido nito sa loob ng ilang taon kahit wala naman pala siyang karapatang tawaging Mrs. Braillene Razon.
Romance
1066.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Pregnant with Husband's Uncle

Pregnant with Husband's Uncle

Nahuli ni Esmeralda "Esme" Saavedra Leviste ang asawa niyang si Jared Leviste kasama ang ibang babae ng gabi sa araw ng kasal nila. One reckless, drunken mistake later, she woke up in a stranger’s suite… wearing nothing but regret. Now she’s carrying a child—his child. The problem? The father is her husband’s powerful, dangerous, and heartless uncle... and he’s not letting her go.
Romance
399 viewsOngoing
Read
Add to library
I'm Crazy For You

I'm Crazy For You

Sa gitna ng karangyaan ng Blue Ocean Cruise Ship, isang banggaan ng galit at kapalaran ang magpapasimula ng pagbabago sa buhay nina Cherry at Jal. Si Cherry, isang matapang at determinadong crew member na may fiancée na nangangalang David, ay umuusok sa galit matapos ang magulong araw sa trabaho. Sa isang aksidenteng pagkikita, napagkamalan niyang gigolo ang isang gwapong lalaki na tila walang pakialam sa mundo—si Jal. Ngunit ang hindi niya alam, ang lalaking kanyang sinigawan at tinawag na bastos ay ang mismong kapitan, CEO, at bilyonaryong nagmamay-ari ng barkong kanyang pinagtatrabahuhan. Ngunit sa ilalim ng liwanag ng buwan at sa kislap ng dagat, naganap ang isang gabing hindi nila inaasahan—isang mainit at mapusok na one-night stand na nag-iwan ng masakit na katotohanan: si Cherry ay nagdadalang-tao ng triplets. Habang patuloy na iniwasan ni Cherry si Jal, ang galit niya rito ay nagiging masalimuot na damdaming hindi niya maunawaan. Ang kanyang puso ay tila nagkakaroon ng sariling isip tuwing nakikita si Jal, kahit pa alam niyang may malaking sagabal sa kanilang dalawa—ang kanyang matagal nang fiancé na si David, na naghahanda na para sa kanilang kasal sa susunod na taon. Sa bawat araw na lumilipas, lalo siyang nahuhulog sa kakaibang ganda at pagkatao ni Cherry—isang damdaming hindi niya inasahan at pilit niyang nilalabanan. Ngunit paano kung malaman niya ang lihim ni Cherry? Paano kung matuklasan niyang siya ang ama ng mga triplets na dinadala nito? Pipiliin ba ni Cherry ang responsibilidad ng pangako kay David, o ang tawag ng pusong nagsisigaw para kay Jal?
Romance
103.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1920212223
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status