Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Price of Her Love After Divorce

The Price of Her Love After Divorce

“Let’s get divorce, Gale.” Nahinto sa pagsasalita si Sunset dahil sa sinabi ng asawa. Sandaling hindi niya maiproseso ang sinabi nito. Nablangko ang kanyang isipan habang nakatingin sa seryosong mukha ni Lucian. “Let’s get divorce.” Sa pangalawang pagkakataong ulitin iyon ni Lucian, tila bombang sumabog sa kanya ang anunsyo ng asawa. Pagkalito ang sumunod niyang naramdaman nang iritableng inilayo ng asawa ang pagkakadikit ng hubad nilang katawan na para bang may nakakahawa siyang sakit na dumapo lamang pagkatapos nilang magniig. Ganoon na lang ba iyon, pagkatapos siya nitong makuha, ang tingin na sa kanya ay isang basura? “Hindi magandang biro iyan, Lucian—” “You don’t want to? Magkakaroon ka ng sariling buhay. Limang taon na ang kinuha ko sa ‘yo, dagdagan ko pa ba ang pang-aabala ko?” Tumayo mula sa pagkakahiga ang asawa niya. Ang nakatalikod na matipuno nitong katawan ay tinakpan ng roba. Kaagad namang naibalot ni Sunset ang hubad na katawan sa puting kumot. “M-may problema ba tayo, Lucian?” naguguluhan niya pa ring tanong sa asawa. “Kung may mali sa akin, susubukan kong baguhin. May nagawa ba akong ikinagalit mo? H-huwag mo lang akong iwan kase hindi ko kakayanin…” “Babalik na si Eveth dito sa Pilipinas.” Hinilot nito ang sentido na para bang naiinis na sa pagdadrama niya. “Masasaktan siya kapag nalaman niyang nandyan ka pa." “Naiintindihan ko…” “Saan ka pupunta?” gulat na tanong ng asawa nang makita siya nitong nagbibihis. “Saan ka sabi pupunta?” “Hindi mo ba nakikita?” May kalituhan na tumingin sa kanya si Lucian. Hindi nito inaasahan ang magiging reaksyon niya. “Ano bang akala mo, magmamakaawa ako?” natawa nang bahagya si Sunset bago mabaling ang tingin sa tseke na nasa ibabaw ng side table. “Akala ko namamalikmata lang ako kanina. Hindi ko lubos maisip na limang milyon lang pala ang halaga ko!”
9.99.6K viewsOngoingAdded to Library 316 Times as mahal mo ba ako
Read
+Library
My Ex. Boyfriend Is My Boss

My Ex. Boyfriend Is My Boss

Naranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong kwento na ito.. 🤍
9.616.3K viewsCompletedAdded to Library 571 Times as mahal mo ba ako
Read
+Library
One Night with My Stepdad

One Night with My Stepdad

"Siguro pwede naman nating gawin ito bilang isang beses lang." Sabi niya, "Halos nangyari na ito dati..." Ngunit mabilis niyang pinigil ang sarili at sa halip ay nagsabi, "Hindi naman malalaman ng nanay ko, bibiyaan kita." Sabi niya, tila lubhang desperado. "Hindi mo maiiwasang humiling pa ng higit pa, Scarlet," Mahinang pagtatalo ni Adrian. "Kung ganun, hindi naman ako makakasala kung gawin ko 'yon." Matapang niyang ipinagtatanggol. "Ibig sabihin, bakit hindi mo na lang iwan ang nanay ko at makipag-date ka na lang sa mga kapantay mong edad? O sa tingin mo ikaw lang ang kasintahan niya? Marami siyang lalaking handang tumulong sa kanya, at sa huli, iiwan ka niya. Ako naman ang may pera." "Hindi ako nagmamalasakit sa pera." Patuloy na mariin na sabi ni Adrian. "Alam kong wala itong kinalaman sa tunay na pag-ibig. Ano ba talaga ang gusto mo sa nanay ko? Ano ba ang hawak mo sa kanya?"   Si Scarlet Davenport, isang mayamang hariessa at ang tanging nabubuhay na anak na babae ng isang biyuda at mapagmahal na sa mga lalaki na si Vivian Davenport, ay nagising nang makilala si Adrian Hartfield—ang lalaking agad niyang nainlaban matapos silang magkita sa isang club—bilang posibleng bagong tatay niya. Sa unang pagkakataon sa kanyang kabataan, napagtanto niyang maaaring kailangan niyang labanan ang lahat ng mga hadlang para ipaglaban ang kanyang prinsipe kahit na mangahulugan ito ng paggamit ng mga paraan ng pang-uakit para makuha si Adrian. Kapag napansin ng mga masasamang pwersa ang mga kahinaang ito ng kanilang pamilya at magpasya itong samantalahin para sa kanilang sariling kapakinabangan, mauunawaan kaya nina Adrian at Scarlet ang kanilang pinagsama-samang lakas nang sapat na maaga? Malalampasan kaya nila ang mga pagsubok?
2.4K viewsOngoingAdded to Library 82 Times as mahal mo ba ako
Read
+Library
Billionaire hiding twins

Billionaire hiding twins

Yona
Good afternoon tuloy po kay- natutup ni Yumi ang bibig ng makita ang apat na lalakeng pumasok sa flower shop nya. kahit ang apat na lalake ay gulat na gulat ang mga ito. Y-yumi? sambit ng lalake na iniwan nya 7 years ago. Ang liit ang mundo ano?di mo akalain na dito pala natin sya makita.saad ng kasama ng lalakeng pilit kung kinalimutan. A'ah bibili po ba kayo ng bulaklak?wait lang po tawagin ko lang ang assistant ko. parang gusto kunang mag palamon ng lupa at ngayon mismo. aaslis sana ako...Oo bibili kami sagot ng lalakeng masama ang tingin nito sa kanya at nakatiim bagang pa. Okay maupo muna kayo dyan para hintayin ang oorderin nyo. tatalikod na sana ako pero bigla itong nag salita. bakit mo ako iniwan? tanong nito na kulang nalang ay kainin ako nito ng buhay. ah sir hindi kupo ang alam ang sinasasabi mo cge po tawagin ko lan-mommy mommy sabay sabay ng dalawang bata na kakapasok lang. nanghihina ang tuhod ko bahang nakatingin sa dalawang bata sa harapan ko. mommy mommy pukaw nito sakin..tiningnan ko ang hitsura ng kaharap kung lalake.ay maskin sya ay nanlalake ang mga mata.habang nakatingin sa dalawang bata mom I'm hungry na po saad ng anak kung babae. me too mom i'm hungry too. A-ah okay cge mga anak pumasok muna kayo sa loob mag hahanda ako ng food nyo. okay mom sabay sabay nitong sagot. ma'am may order ba? sulpot ng assistant ko. para naman akung nakahinga ng dumating ito. ah Oo mae pasuyo naman sa order nilang bulaklak ha! tatalikod nako ng nag tanong ito.Anak mo sila? hindi nako lumingon pa dito. Oo lang sagot ko at umalis nako dahil parang matutumba nako sa lambot ng binti ko. wrong timing talaga!
7.1K viewsOngoingAdded to Library 211 Times as mahal mo ba ako
Read
+Library
THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER

THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER

Ako si Vera Mendoza, tatlumpu’t dalawang taong gulang, isang single mother na buong pusong lumalaban para sa anak ko. Matagal nang nawala sa buhay namin ang lalaking nangako noon ng pagmamahal—ang lalaking nakabuntis sa akin at iniwan akong mag-isang pasan ang responsibilidad. Dahil sa hirap ng buhay, napilitan akong iwan muna ang aking sanggol sa pangangalaga ng kapatid ko habang naghahanap ako ng trabaho sa Maynila. Akala ko, iyon na ang simula ng bagong buhay. Akala ko, sapat na ang sipag at tiyaga para makabangon kami ng anak ko. Pero mali ako. Sa unang araw ko bilang katulong sa isang marangyang mansyon, bumagsak ang mundo ko nang makilala ko ang anak ng aking amo. Siya si Draven Villareal. Ang lalaking minsang nangako sa akin ng habang-buhay… at ang lalaking sumira sa akin. “Nasaan ang baby mo?!” malamig niyang tanong habang nanlilisik ang mga mata. “Pinalaglag mo ba?” Napapailing akong umatras, pilit pinipigilan ang sakit na muling bumalik sa dibdib ko. “Please… layuan mo ako. Hindi ako pumunta rito para manggulo—” “Para ano?” putol niya, puno ng galit ang boses. “Para ipahiya ako sa parents ko?!” “H-Hindi gano’n! Mali ang iniisip mo!” nanginginig kong sagot. “Nagpunta ako rito para mabuhay ko ang anak ko… ang anak nating iniwan mo sa akin!” Ngunit bago pa man ako tuluyang durugin ng kahihiyan, isang boses ang biglang umugong sa buong sala. “So that’s the reason?” Lumingon kami pareho kay Savannah—ang magandang fiancée ni Draven. At sa gabing akala ko ay tuluyan na akong mawawasak, isang bagay ang hindi ko inaasahan. Ang ama mismo ni Draven ang tumayo para ipagtanggol ako. “Stop bullying your future stepmother!” Sa isang iglap, nabaligtad ang lahat. At paano kung ang tahanang pinasukan ko bilang katulong… ay siya palang magiging tahanan ko bilang bagong Mrs. Villareal?
9.81.5K viewsOngoingAdded to Library 40 Times as mahal mo ba ako
Read
+Library
The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's

The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's

"Ma, ano ba? Pagod na pagod na akong maging sunud-sunuran sa inyo! Sa buong buhay ko, wala akong ibang ginawa kundi sundin ang lahat ng utos at nais ninyo. Bakit ngayon, isang hiling ko lang, bakit ayaw niyo akong pagbigyan?" Hindi ko na mapigilang umiyak, ang sakit sobra. Anak niya ako, bakit kailangan niyang magdesisyon na ako dapat? Isang malakas na sampal na naman ang natanggap ko galing sa kanya, na hindi ko na ikinagulat pa. Sanay na ako sa pananakit niya simula noong bata pa ako hanggang ngayon, na 23 years old na ako, lalong lalo na pag hindi ko sundin ang gusto niyang mangyari. "How dare you na sagutin ako ng ganyan? Ako ang bumuhay sa'yo kaya ako ang magdedesisyon. Kaya wala kang karapatan na kalabanin ang nais ko!" Inis na sigaw niya sa akin, kulang na lang sabunutan niya ako. "Ma, mali naman kasi kayo, ayaw ko pa pong magpakasal. Ipakasal niyo ako nang hindi niyo man lang ako tinatanong? Ma, please babalik na lang ako ng Paris," pagmamakaawa ko, ngunit tanging titig lamang ang pinupukol niya sa akin at walang bakas na naawa ito sa akin. Bakit, Ma? "Enough!" Isang malakas na sampal ulit ang natamo ko sa kabilang pisngi ko na ikinabagsak ko sa sahig. "Belphoebe Sinclair, sa gusto mo o hindi, magpapakasal ka sa lalaking 'yun." Parang echo ang boses niya na paulit-ulit sa tenga ko. Bakit ganun? Pakiramdam ko, parang ginawa akong bayad sa hindi ko alam na utang. Ano ba ang kasalanan ko? Bakit kailangan ipakasal ako sa taong hindi ko kilala at hindi ko naman mahal.
445 viewsOngoingAdded to Library 12 Times as mahal mo ba ako
Read
+Library
Arrianne's Door

Arrianne's Door

Boss mong akala mo ay galit sa'yo, bigla na lamang magtapat na gusto ka. Maniniwala ka ba? Si Arrianne, isang probinsyanang lumuwas ng Maynila sa kagustuhang mabigyan ng maayos na pamumuhay ang ina. Nagtiwala at umibig sa kababata na akala niya ay tunay siyang mahal, ngunit hindi pala. Paano kung may muling kumatok sa kaniyang puso, na hindi pa tuluyang maghilom. Papapasukin kaya niya?
1012.4K viewsCompletedAdded to Library 296 Times as mahal mo ba ako
Read
+Library
Ibang Nanay ang Pinili ng Anak Ko

Ibang Nanay ang Pinili ng Anak Ko

Matapos mamatay ng aking asawa sa isang car accident, walang sawa akong nagtrabaho sa pagpapatakbo ng isang maliit na restawran upang palakihin ang aking anak na si Henry. Bago ang kasal ni Henry, nanalo ako ng walong milyon sa lotto. Tuwang-tuwa ako, nagpasya akong ibenta ang restaurant at sa wakas ay tamasahin ang pagreretiro. Kaya naman, tumawag ako upang sabihin kay Henry ang tungkol sa pagbebenta ng restaurant, ang kanyang karaniwang magalang na fiancee ay nagbago ang ugali. "Hindi mo naman inaasahan na susuportahan ka namin, 'di ba? Halos kaka-simula lang natin magtrabaho!" Binantaan niya pa si Henry, "Kung gagastusan mo ang mama mo gamit ang pera natin, hindi na natin itutuloy ang kasal!" Nakipagtalo sa kanya si Henry ngunit pagkatapos ay sinigurado, at nangako siya, "Nagsumikap ka na nang husto, Ma. Aalagaan kita." Gumanda ang pakiramdam ko, Binalak kong bigyan siya ng dalawang milyon para makapagsimula ng negosyo. Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag na nagsasabing si Henry ay nasangkot sa car accident at agad na nangangailangan ng limampung libo para sa operasyon. Agad kong ipinadala ang pera, ngunit pagkatapos, nawala si Henry. Desperado, matapang akong dumaan sa isang bagyo upang hanapin siya sa lungsod niya, ngunit napunta lamang ako sa isang kasalan sa isang mamahaling hotel. Naroon si Henry, nakikipag-toast sa isa pang babae “Ma.” Ah, at ang katabi niya? Ang aking “patay” na asawa mula noong nakaraang sampung taon.
3.9K viewsCompletedAdded to Library 126 Times as mahal mo ba ako
Read
+Library
Owned By Mr. Verano

Owned By Mr. Verano

"Mahal ko ang pamangkin mo dati." "At ngayon, akin ka na. Nilaro niya ang puso mo, pero ako? Wawasakin ko kahit sino para sa'yo." Hindi kailanman inakala ni Ysabel na ang kanyang pagluha dahil sa isang sirang relasyon ay magiging daan upang mapasakamay siya ng pinakamapangahas at pinakamakapangyarihang lalaki sa buhay ng ex niya. Ang sariling tiyuhin nitong si Leonardo Verano. Tahimik. Malamig. Pero nakakabaliw kung tumingin. Inalok siya ng kasal nito. Proteksyon. Kayamanan. Lahat ng nawala sa kanya, ibinalik, kapalit ng sarili niya. Pero ang magmahal kay Leonardo ay may kasamang kondisyon. At ang unang batas? Bawal mong banggitin ang pangalan ng pamangkin niya, habang buhay.
9.75.7K viewsOngoingAdded to Library 176 Times as mahal mo ba ako
Read
+Library
ANG PIYAYA NI PIPAY

ANG PIYAYA NI PIPAY

“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon. “PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa. Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa. “Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta. "Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito. “Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.
1021.6K viewsCompletedAdded to Library 734 Times as mahal mo ba ako
Read
+Library
PREV
1
...
1516171819
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status