Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Sypnosis Mula pagkabata, hindi na naranasan ni Venisse ang init ng tunay na pamilya. Sa murang edad, natutunan niyang tumayong mag-isa—kahit pa ibig sabihin niyon ay isakripisyo ang sariling pangarap. Sa edad na 23, isang hindi inaasahang pagbubuntis ang tuluyang gumiba sa plano niyang buhay. Unti-unting nawala ang pag-asa. Araw-gabi siyang kumakayod—kahit anong trabaho, mapasukan lang. Para sa gamot, check-up, at isang kinabukasang hindi pa sigurado. Hanggang sa dumating ang panahong wala na siyang pagpipilian. Pumasok siya bilang GRO sa isang kilalang bar—isang trabahong kailanma’y hindi niya inakalang papasukin. Sa bawat ngiti at aliw sa mayayamang bisita, pinipilit niyang itago ang lungkot at takot sa likod ng mata. At doon sila nagtagpo—ni Dr. Kurt Navarro. Isang gabi, isang emergency. Ang batang dinadala ni Venisse sa sinapupunan, nalagay sa panganib. Isang komplikasyon. Isang mahal na operasyon. Isang bayarin na hindi niya kayang pasanin. At sa gitna ng kaguluhan, may inalok si Kurt. Isang kasunduan. Anim na buwang kasal. Walang emosyon. Walang label. Puro papel at pirma. Kapalit: kaligtasan ng anak niya. Pero paano kung habang lumilipas ang bawat araw, unti-unting lumambot ang pusong matagal nang pinatigas ng sakit? Paano kung sa likod ng kontrata, unti-unti niyang nararamdaman ang bagay na hindi kasama sa usapan? Pag-ibig. Isang kasunduan. Isang kasinungalingan. Isang pusong unti-unting bumibigay. Pero sa dulo ng anim na buwan… pipirma ba sila para sa wakas? O para sa panibagong simula?
Romance
9.8726 viewsOngoing
Read
Add to library
Membalas Hinaan Mantan Suami

Membalas Hinaan Mantan Suami

Tidak Masalah kamu menghinaku dulu, Mas. Namun sekarang kamu pasti terkejut, bukan? ketika ada salah satu manajer restoran memanggilku Bos! Betapa malunya dirimu bersama istri barumu melihat kesuksesanku setelah bercerai denganmu.
Rumah Tangga
7.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Contract With The Gay Billionaire

The Contract With The Gay Billionaire

Livre
Si Sofia Ramos lumaki sa isang orphanage. Musmos pa lamang, naintindihan niya na kung gaano kaimportante ang pera sa mundo. Kaya naman, nang makalabas na sa kinalakihang orphanage, napagpasyahan niyang makipagsapalaran sa syudad kahit ano pang trabaho ang pasukin niya. Pero isang lalaki lang pala ang mag-iiba at magaangat sa kaniya sa buhay. Sino nga ba ang lalaking ito na nagbigay ng kulay sa kaniyang walang kulay na buhay?
Romance
106.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Ex-Wife Comeback

The Billionaire's Ex-Wife Comeback

Isabel G
Minahal ko siya sa kabila nang malamig niyang trato sa akin, ngunit sa huli ay parang basura niya lang kung itapon ako sa pagbabalik ng kaniyang unang pag-ibig. Pero hindi ako papayag na mauwi sa wala ang mga araw na natitira sa akin. Hindi mo na ako maaangking muli, President Riego!
Romance
44.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Coincidentally Fated

Coincidentally Fated

Matapos masaksihan ni Ezrah ang pagkamatay ng kaniyang kasintahan sa harapan niya mismo ay wala siyang nagawa kundi ang mag tago sa farm na ipinamana sa kanya ng yumaong mga magulang para lang takasan ang masasamang loob na nais rin siyang kitlan ng buhay. Nang akala niya ay magiging ligtas na siya sa lugar na pinagtataguan niya ay tsaka naman dumating ang isang misteryosong lalaki sa buhay niya. shot and severely beaten. Ganyan ang kalagayan ng nag hihingalong lalaki na bigla nalang lumitaw sa harap ng pintuan niya. At dahil nga sariwa Pa sa ala-ala niya ang pagkawala ng nobyo ay tinangka niya itong itaboy at tanggihang tulungan. Akmang pagsasarhan na sana niya ito ng pintuan nang bigla itong humandusay sa harap niya. Labag man sa kalooban niya ay wala siyang nagawa kundi tulungan at gamutin ang binata. Noong una ay pinilit niya itong itaboy pero bigo siya. Sa halip ay nag kasundo silang doon muna manatili ang lalaki kapalit ng pagtulong nito sa gawain sa farm. At sa araw araw na nakasama niya ang binata ay hindi niya maalis ang takot na nararamdaman niya sa katauhan nito, ngunit sa Kabila ng takot na iyon ay natangpuan Pa rin niya ang sarili na unti unting nahuhulog sa estranghero. Pero paano nga ba niya magagawang tuluyang mahulog at mag tiwala sa binata gayong wala siyang alam sa katauhan nito? At ano nga ba ang sikreto sa likod ng misteryoso niyang pagkatao? May kinalaman kaya ito sa nakaraan ng dalaga? Aksidente nga lang ba talagang napadpad roon ang binata? O may dahilan ito kung bakit gusto niyang manatili roon?
Romance
95.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Sa taong 2030, sa lungsod ng Maynila, magtatagpo ang dalawang taong galing sa magkaibang mundo. Elaine Santos—isang simpleng babae mula sa isang maralitang pamilya, determinadong gawin ang lahat para mailigtas ang kanyang kapatid na may malubhang karamdaman. Nang mawalan ng pag-asa at pagkakakitaan, mapipilitan siyang tanggapin ang isang alok na magbabago sa kanyang kapalaran. Aidan Velasquez—isang batang negosyante at bilyonaryong kilala sa kanyang lamig, determinasyon, at pusong sarado sa pagmamahal. Sa mata ng publiko, siya ay perpekto. Ngunit sa loob, siya'y wasak—binuo ng pagkabigo, at nilason ng isang nakaraang hindi niya matahimik. Ang kanilang landas ay magtatagpo sa pamamagitan ng isang kasunduan—isang isang-taong kasal kapalit ng tulong pinansyal para sa kapatid ni Elaine. Sa simula, malinaw ang mga hangganan: walang damdamin, walang komplikasyon, isang kontrata lang. Pero sa bawat araw ng pagiging "asawa" ni Aidan, mararamdaman ni Elaine ang paglamlam ng kanyang mga pader. Unti-unti, binubuksan niya ang pintuan ng kanyang puso—hindi lang kay Aidan kundi sa lahat ng taong nakapaligid dito. At si Aidan, sa kabila ng kanyang malamig na maskara, ay masusubok harapin ang katotohanan ng kanyang nakaraan—lalung-lalo na ang sakit na iniwan ni Selene Navarro, ang babaeng minsan niyang minahal. Habang tumatagal, mas lumalalim ang komplikasyon. Lilitaw ang mga lihim. Mabubunyag ang mga sugat. At masusubok ang tibay ng damdamin sa gitna ng mga kasinungalingan, takot, at responsibilidad. Sa huli, ang tanong: Ang pag-ibig ba ay kailangang ikontrata—o ito'y malayang nararamdaman sa tamang panahon?
Romance
631 viewsOngoing
Read
Add to library
The Heir's Revenge

The Heir's Revenge

Skycosine
Ilang taon nagtiis si Jesse sa puder sa tita at pinsan niya na todo ang pagpapahirap sa kan'ya kaya tumakas ito at nagtrabaho sa club at doon niya nakilala si ML na isang bilyonaryong lalaki na kayang tumulong sa kan'ya para sa paghihigante sa mag-ina. Tulong nga lang ba ang maibibigay ni ML o pati ang pagmamahal na minsan lang niya ipagkatiwala?
Romance
643 viewsOngoing
Read
Add to library
Minamahal Lang Ako ng Tatay Ko Pagkamatay Ko

Minamahal Lang Ako ng Tatay Ko Pagkamatay Ko

Ang anak ng first love ng tatay ko ay nagdusa sa heatstroke dahil iniwan ito sa sasakyan, kaya itinali niya ako sa galit at ikinulong ako sa loob ng kotse. Tinignan niya ako nang may labis na pagkamuhi at sinabing, “Wala akong malupit na anak na tulad mo. Manatili ka rito at pagnilayan mo ang sarili mo.” Nagmakaawa ako sa kanya, humingi ako ng kapatawaran sa kanya, at nakiusap na palabasin niya ako, pero ang nakuha ko lang bilang kapalit ay ang kanyang malupit na utos. “Maliban kung mamatay siya, walang sinong pwedeng magpalabas sa kanya.” Nakaparada ang kotse sa garahe. Walang makarinig sa akin kahit gaano kadaming beses akong sumigaw. Makalipas ang pitong araw, sa wakas ay naalala niya ako at nagpasyang palabasin na ako. Gayumpaman, wala siyang ideya na namatay na ako sa loob at hindi na muling magigising.
Read
Add to library
PROMISE YOU FOREVER

PROMISE YOU FOREVER

"First day of work new day starts again" wika ni Amethyst. Papunta na sya sa bago niyang papasokang hotel kung saan Siya ay magiging receptionist. Graduate Siya ng Business Administration In Hotel and Management. Average man ang katalinohan ay isa naman siyang napakagandang dalaga, Sexy, matangkad, maputi, matangos ang ilong. Lagi nga siyang inaanyayahang sumali sa mga beauty pageant sa school at sa kanilang baranggay. Siya lang talaga Yung ayaw sumali dahil hassle para sa kanya. Hindi rin niya gusto Yung nag to-two piece sa harap ng maraming tao shy type Siya kumbaga, Wala Siyang ganung confidence sa harap ng maraming mga tao sa kabila ng balingkinitan niyang katawan at making umbok ng bundok sa harapan ay nahihiya Siyang makita ito ng mga kalalakihan. Sa edad niya na 26 years old ay Hindi pa Siya nakapag boyfriend. "Good morning Amy!" Saad ni Louise isa sa katrabaho niya sa Hotel. Naging magkaibigan sila ni Louise sa isang Hotel kung saan sila nag OJT. Magkaiba ang napasukan nilang kolehiyo pero sa iisang hotel sila nag OJT sa sister's brach ng hotel ng pinapasukan nila. Ito ang pinaka malaking Hotel sa Lugar nila ang Forge Hotel. "Kumain kana Loe?" tanong ni Amethyst sa kaibigan. "Oo eh...nag sleep over kasi si Dwayne sa Bahay kagabi at nagsabay na kami kanina papasok sa trabaho kaya nakapagluto Ako ng maaga," si Dwayne ay boyfriend ni Louise.. Oo may boyfriend si Louise samantalang Siya ay di pa nakapag boyfriend kahit kailan. "Ikaw ba Amy Kumain kanaba?" dagdag pa nito. "Yah, Kumain na Ako sa Bahay, alam mo naman ako diba?" balik niya sa tanong niya sa kaibigan. "I know..so pano Tara na!" Aya nito ang ang ibig Sabihin ay pupwesto na sila sa desk information ng Hotel para mag ompisa na Silang mag duty. 9:00am nakasi.
Romance
769 viewsOngoing
Read
Add to library
A man that I loved or A man that he loved me

A man that I loved or A man that he loved me

Emma
Una pa lamang ay magustuhan na ni Helomina Ang binatang si Miguel na Ngayon lang niya nakilala. Ngunit ayaw niyang aminin sa kanyang sarili na gusto niya Ang binata. Dahil sa takot itong sumubok sa isang relasyon. Natatakot Kasi itong masaktan. Kaya minabuti na lamang niya itong irito sa kanyang matalik na kaibigan. Ngunit nalaman niya na may gusto Rin Pala Ang binata sa dalagang si Helomina. At inamin niya ito na siya Ang gusto niya at Hindi Ang kaibigan. Sa una ay nag-alinlangan Ang dalaga sa pagmamahal Ng binata ngunit hindi naglaun ay inamin din Ng dalaga na gusto niya Ang binata. Nagtagal Ang relasyon nila kahit malayo Ang binata sa dalaga. Pero dahil sa malayo at Hindi palaging nagkikita Ang dalawa ay nag-alinlangan Ang binata sa pagmamahal Ng dalaga. Kahit alam Naman niya Ang tunay na nararamdaman Ng dalaga para sa kanya. Kahit pa malayo sila sa isa't Isa naging tapat Naman Ang dalaga sa pagmamahal niya sa dalaga. Pero Hindi naglaon kahit mahal Ng binata Ang dalaga ay Hindi siya naging tapat dito. Dahil na rin sa hindi ito kapilinging Ang dalaga. Pero patuloy Rin ang pagmamahal Ng dalaga sa binata kahit na Kung minsan ay Hindi na ito nagpaparamdam sa dalaga. Kalaonan ay Ang binata na mismo Ang bumitiw sa relasyon Ng dalawa. Kahit masakit sa dalaga Ang katotohan na iniwan siya Ng kanyang minahal dahil Hindi niya ito kayang panindigan at ipaglaban. Nagdusa Ang dalaga dahil doon. Pero sa Oras na iyon ay may dumating sa kanyang buhay na isang lalaking na handa siya mahalin at ipaglaban. Kaya siyang panindingan at pasayahin sa abot Ng kanyang makakaya. Hindi Naman nabigo ang lalaki. Pero paano Kung may gustong bumalik sa buhay niya nagustong ipaglaban Ang pagmamahal niya pero huli na Ang lahat.
Other
858 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status