Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride

Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride

Gumuho ang mundo ni Mallory nang matuklasan niya ang kanyang pagbubuntis! Ang ama? Ang kilalang propesor sa pinapasukan nitong unibersidad! Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang pinapili pa sa kanya ni Professor Leviste ang dalawang bagay na maaari niyang gawin…ipalaglag ang bata, o ikasal siya rito. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob upang pumayag siyang ikasal siya rito pero hindi niya naman kayang ipagkait sa bata ang pagkakataong lumaking walang ama. Sa isang iglap, ang simpleng estudyante na si Mallory ay naging “Mrs. Leviste” — asawa ng isang lalaking kilala sa katalinuhan ngunit may pusong tila yelo. Ngunit, pagkatapos ng pag-iisang dibdib ng dalawa ay magkahiwalay silang natutulog at magkahiwalay na nabubuhay sa parehong bubong. Hanggang sa isang gabi na kumatok si Theodore sa kanyang pintuan, yakap ang isang malaking unan. "Nasira ang heater sa kwarto ko," paliwanag pa nito sa malalim na boses na may bahid ng kahihiyan. "Pwede…pwede bang dito muna ako matulog ngayong gabi?" Walang nagawa si Mallory kundi ang pumayag. Isang gabi na naging dalawa... na naging araw-araw. Sa ilalim ng iisang bubong, matutuklasan kaya nila ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, o mananatili silang bilanggo ng kasunduan na pinasok nilang pagkakamali?
Romance
38 viewsOngoing
Read
Add to library
CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD

CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD

**MATURE CONTENT** When a Gay Meets His Match: A Badass Lady Bodyguard with a pretty cheeky brain. Si Fourth Misuaris ay isang mayamang A-list actor—rebellious, palaban, at sanay sa buhay na siya ang nasusunod. Ngunit magbabago ang lahat nang dumating si Caramel Morgan, isang dating secret agent na ini-hire ng daddy niya na maging bodyguard at office secretary niya. Hindi alam ni Fourth, matagal na silang may koneksyon. Limang taon na ang nakalipas mula nang maganap ang isang gabi ng pagkakamali sa pagitan nila. Isang gabi na nagbunga ng isang lihim na anak. Habang pilit tinatago ni Caramel ang nakaraan, hindi niya maitanggi ang muling pag-usbong ng damdamin sa pagitan nila. Ngunit kasabay ng paglapit ng mga puso nila ay ang lalong paglala ng mga komplikasyon: arranged marriage, mga lihim, at mga planong hindi natuloy. Pagkalipas ng ilang taon ng pagkakahiwalay at sakit, muling bumalik si Fourth, handang ipaglaban ang kanyang pamilya. Ngunit puno pa rin ng sugat ang kanilang nakaraan. Isang dramatic rescue, isang gabi ng katotohanan, at isang muling pagkakataon ang magtutulak sa kanila sa desisyong piliin ang isa’t isa hindi dahil kailangan, kundi dahil mahal nila ang isa’t isa nang totoo. Isang kwento ng pagmamahalan, pamilya, at tapang kung saan ang tunay na pag-ibig ang magtatapos sa lahat ng sakit.
Romance
107.1K viewsOngoing
Read
Add to library
WILD NIGHT WITH HEARTBREAKER

WILD NIGHT WITH HEARTBREAKER

ATHAPOS
Si Vegee Mariano, isang heartbreaker, binayaran siya ni Steffi, eight-hundred thousand. Ipapahinto niya ang kasal ng babae at magpanggap na nobya sa nobyo nitong si Gabriel Quiros. Nagawa niya ang trabaho. Dumaan ang linggo, nagpakamatay si Gabriel Quiros dahil sa matinding depression. Siya ang sinisisi ng pamilya nito. Dahil sa takot umuwi siya ng Bohol. Naging payapa ang buhay ni Vegee sa probinsya. Hanggang isang araw, dumating sa buhay niya si Wilson Montreal. Naging pamilyado si Vegee sa mukha nito. Ito ang lalaking nakasama niyang kumain sa fast-food chain noon sa Manila. Nasa probinsya na ito at may business. Araw-araw itong bumibisita ang lalaki at nagsabi ito ng totoong nararamdaman nito. Hindi manhid si Vegee sa naramdaman ng lalaki at ganoon din siya sa kanyang sarili. Naging mapusok sila sa kanilang naramdaman. Isang gabi, nagyaya si Wilson sa resort nito. Nagpunta kaagad si Vegee ngunit nandoon si Steffi. Pinahiya siya ng babae at doon niya nalaman na si Wilson ay ang kapatid ni Gabriel Quiros. Kaya bang ipaglaban ni Vegee ang kanyang nararamdaman sa lalaki kung naghihiganti lang pala ang lalaki sa pagkamatay ng kapatid nito? Kaya niya bang ipaglaban pa rin ang kanyang pagmamahal sa lalaki kung nalaman niyang may relasyon si Steffi at Wilson? Paano kung nagbunga ang mapusok nilang mga gabi?
Romance
10961 viewsOngoing
Read
Add to library
ACCIDENT ONE NIGHT WITH THE ZILLIONAIRE

ACCIDENT ONE NIGHT WITH THE ZILLIONAIRE

Ang pagkakamaling gabi ni Faye at Aljur. Habang hinihintay ni Aljur ang kaniyang fiancee sa loob ng isang hotel, upang surpesahin ito sa kanilang anniversary. Ay hindi inaasahan na ibang babae ang maliligaw sa kaniyang kwarto. Hindi napansin ni Aljur na ibang babae ang kaniyang nakasiping at ito si Faye. Kinaumagahan, dali-dali na umalis si Faye nang matuklasan niya ang kaniyang sarili na katabi ang hindi kilalang lalaki. Tumakas si Faye dahil sa kaniyang takot. Ngunit, nang magising si si Aljur ay agad niya itong pinahanap. Upang alokin ito ng malaking pera at pagtahimik ni Faye. Sa hindi inaasahan, ay muling nagkita si Aljur at ang kaniyang fiancee na si Shantell habang hinahanap pa ni Aljur si Faye. Mauudlot kaya ang paghahanap ni Aljur kay Faye? Paano kung hindi tanggapin ni Faye ang alok ng lalaki? Maitatago ba ang mga naganap? O ito ang magbabago ng lahat?
Romance
9.915.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Ex-husband’s brother, My billionaire secret

My Ex-husband’s brother, My billionaire secret

Tatlong taon nang ipinaglaban ni Gianna Rosalie Montero ang pag-ibig na siya lang ang may hawak. Pero isang aksidenteng nagdulot ng pagkalaglag ng anak, isang malamig na asawang hindi man lang sumipot sa ospital, at isang video ng pagtataksil ang tuluyang gumiba sa kanya. Pag-uwi niya, dala ang isang maleta at basag na puso, nagpasya siyang tapusin na ang pagiging Mrs. Collins. Pinirmahan niya ang divorce agreement—ang dokumentong ibinigay pa sa kanya noong gabi ng kasal nila. Sigurado si Jaxton, babalik si Gianna bukas, gaya ng dati. Ngunit ngayong gabi, habang papalayo ang sasakyan… hindi na siya babalik. At magsisimula ang kwento ng isang babaeng iniwan, nasaktan, at muling babangon—hindi para sa iba, kundi para sa sarili niya.
Romance
7 viewsOngoing
Read
Add to library
PREGNANT AFTER THE MIDNIGHT

PREGNANT AFTER THE MIDNIGHT

Isang gabing hindi inaasahan. Isang pagkakamali na hindi na mababawi. Akala ni Brielle, matapos ang gabing ‘yon ay wala nang balikan, walang magiging komplikasyon. Pero nagkamali siya. Ngayon, may isang buhay sa sinapupunan niya. At ang ama? Si Matthias Castillejo—isang lalaking mayaman, makapangyarihan, at walang balak akuin ang responsibilidad. Para sa kanya, isang gabi lang ‘yon. Pero para kay Brielle, isang panghabambuhay na pagbabago.
Romance
406 viewsOngoing
Read
Add to library
Uncle Baby Daddy

Uncle Baby Daddy

Matapos mahuli ni Ashley Tan ang kanyang boyfriend na si Oscar na nagtaksil sa kanya kasama pa ang sarili niyang pinsan, nagdesisyon siyang lunurin sa alak ang sakit at hiya. Pero sa halip na makalimot, isang gabi lang ang nagbago ng lahat. Isang gabing kasama niya ang lalaking hindi niya dapat pinangarap kahit kailan: si Frank Roswell, ang Uncle ng ex niya.
Romance
10319 viewsOngoing
Read
Add to library
Carrying the Billionaire's Heir

Carrying the Billionaire's Heir

Isang gabi ng pagkakamali ang nagbunga ng isang responsibilidad na babago sa buhay ni Sabrina Turner. Dinadala niya ngayon ang tagapagmana ng isang bilyonaryong si Ryan Jacobs, isang lihim na maaaring sumira o bumuo sa kanilang mga mundo. Sa gitna ng mga intriga, panlilinlang, at posibleng pag-ibig, paano niya mapoprotektahan ang kanyang anak at ang kanyang sarili mula sa makapangyarihang ama nito?
Romance
1029.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Playboy Next Door

The Playboy Next Door

Ashe Alberts
Tahimik ang buhay ni Kit hanggang sa lumipat ang nakakainis na lalaki sa tabi ng unit niya. Gabi-gabing may maingay na kalabog at mga halinghing ang umistorbo sa tulog niya. Nang di na makatiis, sinugod niya ito at sinita. Ang mas nakakainis, pati siya ay nilalandi nito. Sa malas, akalain ba niyang ito rin pala ang naging modelo para sa raket na tinanggap niya. Right at that moment, alam na ni Kit na magiging impiyerno ang mga linggong magkakatrabaho sila ni Aiden. She was not prepared for it. Definitely not. Pero hindi pala doon matatapos ang kanyang problema. Kinaumagahan matapos siyang maglasing isang gabi, nagising siya sa kama ng lalaking kinaiinisan.
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)

The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)

"Sa mundo ng kasalanan, hindi lahat ng mga nagbebenta ng laman ay mga taong nawalan ng puso, at hindi rin lahat ng mayayaman ay kayang bilhin ang kapatawaran." Si Sandra Asuncion, ay isang babaeng ipinanganak sa marangyang pamilya at busog sa pagmamahal, ngunit natuldukan ito nang mangyari ang isang hindi inaasahan na massacre sa kaniyang buong pamilya. Nang mangyari iyon ay nawala sa kaniya ang lahat at napilitang siyang ibenta ang sarili para mabuhay. Sa mga gabi ng mga halakhakan, alak, at kasalanan, naging tanyag siya bilang “Ang Babaeng May Mabentang Laman.” Ngunit sa likod ng mga halik na walang saysay, isang gabi ang nagpabago sa lahat. Ang gabi na nakilala niya si Zaniel Arthur Mercer, isang multi-billionaire na kayang bilhin ang lahat lalong-lalo na ang laman ni Sandra. Ang dapat sana’y isang gabi ng bayaran ay nauwi sa paulit-ulit na pagkikita, hanggang sa ang pagkahumaling ay nauwi sa pag-ibig. Ngunit paano mo mamahalin ang lalaking nagmula sa pamilyang nagpapatay sa buong angkan mo? Sa pagitan ng init ng katawan at pagmamahal, paghihiganti at kapatawaran, kailangang pumili ni Sandra. Ang ipaglaban ang lalaking minahal niya, o ang kaluluwang matagal nang winasak ng mga Mercer? Dahil sa mundong ginagalawan nila, walang kasiguraduhan kung alin ang mas masakit para kay Sandra: Ang maging isang prostitute na patuloy na niyuyurakan ng karamihan? O, ang mahalin ang taong may dugong nananalaytay mula sa mga taong dahilan ng kaniyang matagal nang paghihirap? Isang madilim, mainit, at mapusok na kwento ng pag-ibig, kasalanan, at pagtubos. Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo, para sa pag-ibig na hindi mo kailanman inaasahan na darating upang mas lalo lamang na palalain ang iyong sitwasyon?
Romance
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1011121314
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status