Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire

The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire

Sa loob ng tatlong taon, namuhay si Clarissa Montefalco sa ilalim ng anino ng kasinungalingan—isang simpleng babae sa paningin ng lahat, ngunit sa likod ng tahimik na anyo ay ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking business empires sa bansa. Minahal niya si Joaquin nang totoo, kahit pa hindi nito alam ang kanyang tunay na pagkatao. Ngunit sa pagbabalik ng babaeng mahal ni Joaquin, iniwan siya nito nang walang pasabi—pinahiya, sinaktan, at sinabihang siya pa ang pilit na humahabol. Hindi alam ni Joaquin na ang babaeng tinapakan niya ay may kapangyarihang baguhin ang buhay ng kahit sinong lalaki… kabilang na siya. Sa muling pag-uwi ni Clarissa sa Maynila upang pamunuan ang kompanyang iiwan ng kanyang ina, hindi niya inaasahang makikilala niya si Luis Antonio Dela Cruz—ang pinsan ng kanyang matalik na kaibigan, at isang lalaking may sarili ring itinatagong yaman at lihim. Sa gitna ng sakit, isang gabing puno ng alak ang nagtulak kay Clarissa sa piling ni Luis. At sa isang hindi inaasahang kasunduan upang makaiwas sa mga piling asawa ng kanilang mga magulang, lihim silang nagpakasal. Ngayon, si Clarissa Montefalco ay hindi lamang isang tagapagmanang hindi kinikilala—isa na rin siyang asawa ng isang secret billionaire. At si Luis? Isang lalaking dumarating sa mga panahong hindi niya inaasahan, dala ang pag-ibig na kailanman ay hindi naibigay ni Joaquin. Ngunit handa ba si Clarissa na magmahal muli, o mananatili siyang bihag ng sakit ng nakaraan?
1025.3K viewsCompletedAdded to Library 935 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
The Gentlemen Club Series: LOVE ENTANGLEMENT

The Gentlemen Club Series: LOVE ENTANGLEMENT

“You can rent their time, their smiles, even their affection...just don’t fall in love.” Si Preston ang unang lalaking minahal ni Kianna, ang lalaking inakala niyang makakasama niya habang buhay. Kaya handa niyang gawin ang lahat para iligtas ang relasyon nila. Pero paano mo aayusin ang isang relasyon kung ang mismong taong mahal mo ang unti-unting bumibitaw? Dati, punong-puno ng lambing, effort, at pagmamahal si Preston. Ngayon? Puro trabaho na lamang ang laman ng mundo nito. Mga gabing walang tawag. Mga date na laging kinakansela. Mga yakap na malamig na parang obligasyon na lang. Hanggang sa isang gabi, may naalala si Kianna na payo ng katrabaho niya, Vampire Host Club. Isang lugar kung saan maaaring umupa ng perpektong lalaki. Gwapo, charming, attentive… at kayang ibigay ang lahat ng pagkukulang ng isang boyfriend. At doon pumasok sa isip ni Kianna ang isang delikadong plano. Kung hindi na siya kayang pahalagahan ni Preston… Pagseselosin niya ito. Magbabayad siya para sa atensyon ng ibang lalaki. Gagamit siya ng host guy para ipaalala kay Preston kung ano ang mawawala rito kapag tuluyan siyang napagod. Pero paano kung sa gitna ng pekeng pagpapaselos… May isang host na unti-unting magparamdam sa kanya ng totoong pagmamahal? At paano kung mas masarap palang manatili sa isang fantasy kaysa bumalik sa relasyong matagal nang nanlalamig? Sa lugar kung saan bawal ma-fall, Sino ang unang masasaktan?
10544 viewsOngoingAdded to Library 20 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
Chasing the Billionaire

Chasing the Billionaire

Synopsis Sa prestihiyosong St. Monteverde International University, kung saan nag-aaral ang mga anak ng pinakamayayamang pamilya, isang simpleng scholarship student ang patuloy na humahabol sa lalaking tila hindi kailanman lilingon pabalik. Si Luna Villareal ay isang clumsy ngunit masayahing dalaga na lumaki sa hirap. Sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mundo, matagal na niyang minamahal si Giovanni De Luca, ang kilalang campus billionaire at tagapagmana ng isang malaking kumpanya. Cold, distant, at tila walang puso, si Giovanni ay sanay na panatilihin ang distansya sa lahat, lalo na kay Luna na palaging sumusunod at nagpapakita ng pagmamahal. Ngunit sa likod ng malamig na imahe ni Giovanni ay isang lalaking may mabigat na responsibilidad at lihim na takot na masaktan. Habang patuloy na hinahabol ni Luna ang kanyang puso, unti-unting nababasag ang pader na matagal na nitong itinayo. Sa gitna ng inggit, social pressure, at mga taong gustong paghiwalayin sila, mapapatunayan kaya ni Luna na ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa yaman o status? At handa ba si Giovanni na ipaglaban ang babaeng matagal na niyang piniling iwasan, pero hindi kailanman nakalimutan? Isang kwento ng paghahabol, pagtitiis, at pag-ibig na kayang baguhin kahit ang pinakamalamig na puso.
172 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
My Online Husband

My Online Husband

Larra V.
Just when Mandy thought that she has this perfect life, she, then, found her husband having an affair right in their home. Galit man siya sa nagawa ng asawa pero binigyan niya pa rin ito ng isang taon para sabihin sa kanilang mga magulang ang kanyang kagaguhan. Nagpakalasing si Mandy upang makalimutan ang sakit kahit man lang panandalian ngunit naging dahilan ito para makagawa siya ng makapagpapabago sa buhay niya. She inadvertently ordered herself a fake husband for a year! Sev Cortez. He will make her life more interesting and exciting. The man is the epitome of a God's beauty in ancient Greek mythology. Handa na sanang sumugal muli sa pagmamahal si Mandy, pero ang hindi niya inaasahan ay kamumuhian siya ng lalaki. The past that Mandy couldn't remember, and the truth about their past. She and Sev had met before!
2.1K viewsOngoingAdded to Library 52 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
My Only Love

My Only Love

Re-Ya
Isang ubod lalim na paghinga ang ginawa ni Anya bago inilibot ang tingin sa kanyang paligid. Pagkatapos ay sinuot niya ang de- kulay na salamin sa mata. Sinukbit ang signature na shoulder bag at maingat na hinila ang katamtamang maleta. Marahan siyang naglakad palabas ng paliparan. Dalawampu’t taon ang lumipas ng lisanin niya ang bansang Pilipinas para manirahan sa Amerika. Baon ang labis na hinagpis at pagkabigo sa pag-ibig ay nakipagsapalaran sya sa ibang bansa. Kaya naman ngayon sa muling pagtapak ng kanyang mga paa sa bansang kanyang tinakasan ay may kung anong pakiramdam sa dibdib niya ang hindi niya sukat mawari. Isa lang ang sigurado si Anya naroon pa rin ang bigat sa puso niya. Tila nanariwa ang pighati na dulot ng nakaraan. May butil ng luha na gustong bumukal sa sulok ng kanyang mga mata. Agad niyang pinawi iyon at pinuno ng hangin ang nagsisikip na dibdib. Mayroon siyang mahalagang pakay sa kanyang pagbabalik. Iyon ay ang lalaking kanyang inibig ng wagas subalit nagawa niyang talikuran. Subalit lagi na’y naroon ang katanungan sa isip niya. Kaya ba niya itong harapin? Handa ba siyang anihin ang poot at galit ni Clark sa kanilang muling pagtatagpo? Pagka’t ang tingin na ng lalaki sa kanya ay isang talusira.
2.6K viewsOngoingAdded to Library 57 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
104.2K viewsCompletedAdded to Library 153 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
MARRIED to a HEARTLESS COWBOY

MARRIED to a HEARTLESS COWBOY

(First Generation 5) Pilit na ipinakasal ng kanyang mga magulang si Terrence Mikael Saavedra kay Corazon Villaluna kahit pa may iba na siyang mahal kaya naman ipinangako niya sa sarili na gagawin ang lahat para magdusa sa piling niya ang asawa. Bata pa lang si Corazon ay gusto na niya ang binatang si Terrence kaya nang mabigyan siya ng pagkakataong maikasal silang dalawa, hindi na niya ito pinakawalan pa. Subalit sa kanilang pagsasama imbes na magiging masaya siya ay puro pait at hinagpis lamang ang kanyang nararanasan sa piling ng kanyang asawa. Darating kaya ang araw na matututunan siyang mahalin ng asawa o susuko nalang siya? Paano kung muling magbalik ang babaeng mahal ni Terrence sa buhay nila? Handa ba niyang ipaglaban ang kanyang karapatan bilang legal na Mrs.Corazon Saavedra?
1016.0K viewsCompletedAdded to Library 383 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
The Billionaire's Secret Agent

The Billionaire's Secret Agent

Caleb is a multi-billionaire business tycoon at the same time a loving brother to his siblings. His focus is on his family business, na minana niya pa sa namayapa niyang ama na si Don. Crisostomo Reid. May sampu siyang kapatid sa Ama, isa na rito si Chandria Reid. Isang sikat na modelo sa iba't-ibang panig ng bansa, ito ang pinaka close niya sa lahat ng kaniyang kapatid, dahil sa napaka sweet nito sa'kaniya. Kaya gano'n na lamang ang labis na panglulumo niya nang matagpuang patay ang kapatid ng mga awtoridad sa condo nito at pinaniniwalaang nag suicide pa. Sa kagustuhan niyang malaman ang totoong nangyari sa pagkamatay ng kaniyang pinakamamahal na kapatid two- years ago. Makikilala niya si Vanessa Rui, isang sikat na secret agent, also known as a detective at highly recommended nang kaniyang matalik na kaibigan.. Sa pagkrus ng landas nilang dalawa. Paano kung guluhin ng matapang at bruskong babae ang nahihimlay niyang puso. Handa kaya siyang buksan muli ito sa ngalan ng pag-ibig..
1014.4K viewsCompletedAdded to Library 388 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
Daddy, Mommy’s on the Run!

Daddy, Mommy’s on the Run!

Tatlong taon nang asawa ni Sabina ang kilalang CEO na si Sebastian Malfory—isang lalaking inakalang katuparan ng lahat ng kanyang panalangin. Pero isang gabi, natuklasan niya ang masakit na katotohanan: ginagamit lang siya nito para saktan ang tunay nitong minamahal, ang kapatid niyang si Waynona. Buntis sa kambal, durog ang puso, at walang masandigan, piniling tumakas ni Sabina dala ang isang lihim na magpapabago sa lahat. Pagkalipas ng ilang taon, bumalik siya bilang isang matagumpay at misteryosang babae—kasama ang dalawang batang may mata ng lalaking minsan niyang minahal. At nang muling magkrus ang mga landas nila ni Sebastian, isa lang ang tanong: handa ba siyang ipaghiganti ang sarili, o muling magpatalo sa lalaking dati’y dahilan ng kanyang pagkawasak?
525 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
You Are My Savior

You Are My Savior

Si Rhianna Evangelista kasama ang kaniyang Ina at nakababatang kapatid na si Ylona ay ikinulong sa isang mansiyon na malayo sa bayan at nasa liblib na lugar na pag-aari ng kaniyang amain na si Don Ysmael na isang kilalang Drug Lord sa bansa na hindi magawang hulihin at hindi mahuli-huli dahil sa koneksiyon na mayroon siya. Dahil sa gusto ni Rhianna na iligtas ang kaniyang ina at kapatid, maging ang kaniyang sarili. Nagpasya siyang tumakas sa kaniyang amain para mailigtas ang kaniyang ina at kapatid. Doon niya nakilala si Leonardo Estralta Jr., isang Agent na siyang nakakita sa kaniya at kumupkop. Naging kasapi siya ng kanilang samahan at nagkaroon ng layunin na tugisin at pabagsakin ang mga taong nasa likod ng pagtulong kay Don Ysmael. Subalit, habang tumatagal nahuhulog na ang loob ni Leonardo kay Rhianna at napagtanto niyang mahal na niya. Handa ba niyang bitawan ang tungkulin para sa babaeng minamahal at makasama hanggang sa pagtanda at ng pamilya kasama si Rhianna o isasantabi ang nararamdaman at ipagpapatuloy ang paglilingkod sa bayan?
105.7K viewsCompletedAdded to Library 131 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
PREV
1
...
1617181920
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status