The Hidden Heir Of The Obsessed Billionaire, CEO
Sir HazeFirst-Person POVSweet LoveDramaHeir/HeirnessBillionaireHidden IdentityMisunderstandingPregnantBabywingman
Sa likod ng malamig na mga mata ni Adrian de Luca ay isang lalaking handang angkinin ang babaeng gusto niya. Iyon ay si Samantha Romano, siya ang empleyadang matagal nang nagtatrabaho sa industriyang kanyang pinapatakbo at ang babaeng lihim na umiibig sa kanyang amo.
Para kay Adrian de Luca, laro lang sa umpisa si Samantha Romano. Ngunit habang tumatagal, mas lalo siyang nababaliw sa dalagang hindi natatakot suwayin anoman ang kanyang sasabihin.
Habang unti-unting nahuhulog ang kanilang mga puso, isang babae ang muling bumalik sa buhay ni Adrian, at iyon ay si Celestina Monteverde. Si Celestina ay ang isa sa pinakamaraming dahilan kung bakit pinili ni Samantha na maglaho. Bitbit ang lihim na anak ng bilyonaryo, pinili niyang mawala bago pa tuluyang masira ang kanyang buong pagkatao.
Note: Sisimulan kong isulat ang pinakaunang bahagi ng storya kung bakit ni Samantha piniling itago ang bata kagaya ng nasa title, just in-case magtataka kayo o malito dahil wala pang bata ang involve sa pinakaunang yugto. Thanks!