Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Joey: Princess Charming 1

Joey: Princess Charming 1

Pagkamatay ng nanay ni Joey ay bigla na lamang nagpakita ang tatay niyang ni sa hinagap ay hindi niya alam na buhay pa. Dinala siya nito sa magarbo nitong bahay at ganon-ganon na lamang nagbago ang buhay ni Joey. *** “Fine, I will let you stay here. But in one condition. You must prove yourself to us. You will enter the Ember University and pass their upcoming exams. If not, you must leave.” Halos lumubog si Joey sa kinatatayuan nito dahil sa bilis ng pagsasalita ng kanyang madrasta. ‘Nag-fli-fliptop ba ‘to?’ tanong niya sa isipan. Pero napakamot na lamang siya ng kanyang ulo. “Do you understand?” Nakaka-pressure pang dagdag na tanong ni Aling Mariebeth. Mas lalo lang tuloy lumalim ang gitla sa noo niya saka siya mabagal na napalunok. “Uhm, ang galing niyo naman pong mag-English. Pwede pong pa-translate?” nakangiwing saad niya rito dahilan para mamula ang mukha nito sa pinaghalong inis at galit. *** Ngunit paano nga ba niya haharapin ang pagbabagong ito ng buhay niya? Mula sa isang kahig, isang tukang paghihirap, ngayon ay anak pala siya ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Idagdag pa ang mukhang laging galit na madrasta niya at prinsesitang hilaw na kapatid niya. Isa lang ang kailangang gawin ni Joey at iyon ang pumasa sa Ember University. At magagawa lamang niya ‘yon kung tutulungan siya ni Ivan Dela Fuente, ang lampa at nerd niyang kaklase. Pero bakit ba bigla-bigla na lang tumitibok ng malakas ang puso niya dahil sa loser na lalaking ito? ‘Bwesit! Hindi nakakaastig ‘to!’ Inis na sita ni Joey sa sarili lalo pa kung ang gusto naman ni Ivan ay ang hilaw niyang kapatid at hindi siya.
Romance
364 viewsOngoing
Read
Add to library
Langit Sa Piling Mo (S.P.G)

Langit Sa Piling Mo (S.P.G)

Ang book na ito ay naglalaman ng mga kwentong hindi angkop sa mga batang mambabasa. Ito ay kwento ng magkapatid, magkaibigan at magpinsan. Sina Devine Joy at Devine Marie ay ang kambal na lumaki sa isang kumbento. Makilala ang mga lalaking mayaman ngunit babaero. Si Jhaina na pinsan nila Mark At Yosef ay may pusong lalaki ngunit mapipikot ni Zoe na isang maginoo ngunit medyo bastos. At si Khalid na isang manyak na kaibigan ni Mark ay iibig sa isang babaeng nagpapanggap na lalaki. Isang mainit na romance ang inyong matunghayan sa bawat kwento ng ating mga bida. Tunghayan kung paano mapaamo at matutong magmahal ang taong nerd, takot sa obligasyon, mapagpanggap, tigasin at mga babaero.
Romance
1085.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

Mapipilitan si Sandy na umalis sa kinalakihan niyang lugar sa probinsiya para sa isang kasal. Kinuha siya ng magulang niya para ipakilala siya kay Dwight Montemayor, ang lalaking hindi na nagawa pang makalakad dahil sa isang aksidente. Pumayag si Sandy na ipakasal siya kay Dwight hindi dahil mayaman ang pamilya nito. Meron siyang malalim na dahilan kaya pumayag siyang makasal sa binata, ngunit sa kabila ng lahat ay magiging magulo ang buhay ni Sandy sa poder ng kanyang magulang dahil sa kanyang kapatid na si Amara. Laging ito ang mas magaling at mabuti, kahit kabaliktaran naman lahat ng pinapakita nito kay Sandy, at isa pa, ang iniibig ng kanyang kapatid ay ang kanyang mapapangasawa, si Dwight. Kaya mas lalong magiging magulo ang lahat sa pagitan nila Amara at Sandy. Muli kayang makalakad pa si Dwight? Darating pa kaya ang panahon na mapapatawad ni Sandy ang kanyang magulang?
Romance
106.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Nang Minahal Ka

Nang Minahal Ka

monteevs
Renvie Montefalcon. Tanyag. Spoiled brat. Mayaman. Pero sa pagbabalik ng kanyang alaala, nag-iba ang takbo ng buhay niya. Isa siyang impostor. Siya si Enya, isang naghihikahos sa buhay pero hiram ang mukha niya sa nagngangalang Renvie na matagal ng patay. Sumailalim siya sa isang facial transplant surgery four years ago gamit ang preserved face ng namayapang dalaga. Nanumbalik ang lahat ng sakit nang maalala niya ang nakaraan nang tuluyan siyang gumaling sa amnesia. Nagbalatkayo siya sa katauhan ni Renvie para balikan ang nag-iisang lalaki na kanyang minahal noon, si Braylon, ang taong nagbigay pasakit sa kanya. Gusto lamang niyang maghiganti para maibalik ang lahat ng sakit na pinaranas nito noon pero bakit siya umibig sa kapatid nito? Naging masalimuot ang balak sana niyang paghihiganti nang umeksena ang guwapo nitong kapatid na si Brander, isang NBI agent. Magiging lihim pa ba ang lahat kung nagsisimula nang alamin ni Brander ang kanyang pagbabalatkayo?
Romance
3.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance

The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance

Bata pa lang si Andreana Velasquez nang maulila siya dahil sa isang madugong ambush. Ang target sana ng pag-atake ay isa sa mga miyembro ng makapangyarihang pamilyang Vergara. Ngunit sa halip na ang mga ito ang tamaan, ang magulang ni Andrea ang nasawi—dahil kasunod nila ang sasakyang dapat sanang ambush-in. Sa isang iglap, nadamay sila sa malawakang putukan na para sa mga Vergara. Simula noon, isinisi ni Andrea sa pamilyang Vergara ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Bitbit ang galit at sakit, pinangako niyang hindi siya titigil hangga’t hindi niya napapanagot ang pamilyang responsable sa lahat ng kanyang pinagdaanan. At ngayon, oras na para singilin ang mga Vergara.
Romance
10130.0K viewsOngoing
Read
Add to library
HANGGANG NGAYON IKAW PA RIN ANG MAHAL

HANGGANG NGAYON IKAW PA RIN ANG MAHAL

KweenMheng12
Ang spoiled bratt na kababata ni Clyde ay laging sakit ng ulo ng kanyang Daddy, inatasan siya ng ama ng dalaga na maging personal bodyguard kapalit ng pagpapa-aral o maging scholar ng kumpanya nito. Childhood bestfriends na ang dalawa tinuturing na na kapatid ni Clyde si Chloe. Laging nasa malayo at nakamasid lamang sa malayo ang binata para bantayan si Chloe. Mula ng mamatay ang ina ng dalaga ay lalong lumala ang pagiging party goer, kahit sang club nag-iinom para lang makuha atteention ng daddy nito. Nauunawaan naman ni Clyde ang sitwasyon ni Chloe gusto lamang nito mabigyan ng halaga at oras. Tanging siya lang ang kasama ng dalaga sa lahat ng oras. Pero paano kung isang araw ay malaman nila ang isng sikreto na nagkapalit sila ng tadhana dahil sa isang pagkkamali. Si Clyde ang totoong anak ni Don Robles,dahil sa desperadang kinilalang ina ni Clyde. Pinagpalit silang dalawa ni Chloe para maging maganda ang buhay ng kanyang anak na babae,dahil iniwan ito ng kanyang kinakasama. Sa sobrang galit ng Don ay pinalayas silang mag-ina ni Chloe. Nanirahan sila Chloe sa probinsiya at hindi na muling nagpakita pa kila Clyde at Don Robles dahil sa sobrang kahihiyan. Makalipas ang isnag taon kinuha si Chloe para maging isang modelo. Ang dating spoiled bratt, pasaway at kinaiinisan ng lahat ay natutong magpakumbaba, mapagpasensiya at natutong makuntento sa simpleng buhay. Sa muling pagttagpo ng kanilang landas ay isang bilyonaryo at CEO na si Clyde dahil ipinamana na sa kanya ang negosyo ng mga robles. Inimbitahan siya na maging modelo ng alak, kaya sexy ang theme ng magiging trabaho ni Chloe. At sa hindi niya inaasahan ay darating si Clyde para panoorin ang kanyang shoot. Sobra siyang nanliit sa kanyang sarili dahil halos ibilad na niya ang kanyang katawan.
Romance
103.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Substitute Bride For The Dying Heir

Substitute Bride For The Dying Heir

Being stuck in a marriage with someone she doesn't know is hard. Lalo na at ayaw naman talaga ni Clarisse na maikasal kay Keanne Gustav. She was forced to be the substitute bride for the dying and ugly man, and she couldn't escape from that because of her father’s cruelty. Ang kapatid naman sana niya ang maikakasal sa lalaking iyon. Pero tumakas ang Ate Clare niya nang gabi bago ang kasal.She was disappointed and anxious, not until she discovered that Keanne Gustav is actually the most handsome and rich heir of the unwavering Real Estate Company in the whole of Asia. Ngayon ay nababahala siya na baka agawin sa kaniya ng kapatid niyang si Clare ang lalaking pinakasalan niya. Paano niya ipagdadamot ang pag-ibig at kasal na hindi naman talaga para sa kaniya?
Romance
614 viewsOngoing
Read
Add to library
MY TWINS

MY TWINS

KAMBAL, iyan ang naiwan ni Dave kay Anastasia, matapos siya nitong pagtaksilan. Nilisan ni Anastasia ang dati niyang buhay bilang assassin ng organisasyong Dark Moon at tagapamahala ng mga ari-arian ng pamilya Clinton bilang nag-iisang tagapagmana kapalit ng buhay sa piling ni Dave. Ang buong akala ni Anastasia ay nahanap na niya ang labis na kasiyahan dahil sa naging relasyon nila ni Dave pero may nangyaring hindi inaasahan. Natunghayan mismo ng mga mata ni Anastasia na katalik ni Dave ang best friend niyang si Katrina, na labis na nagpadurog sa puso niya. Simula noon ay pinili ng dalaga na mangibang bansa at buhaying mag-isa ang kambal niyang supling. Inilaan ni Anastasia ang buhay niya pag-aalaga sa dalawa. Nagbalik-loob din ang dalaga sa dati niyang buhay bilang tagapamahala ng ari-arian ng pamilya Clinton at bilang isang assassin. Ilang taon ang lumipas ay nagbalik si Anastasia sa Pilipinas kasama ang kambal niyang anak matapos siyang pagnakawan ng mga kasosyo niya sa negosyo. Sa muling pagkakataon ay nagkita rin sila ni Dave. Hahayaan pa kaya ni Anastasia na kumatok sa puso niya ang binata matapos siya nitong labis na sinaktan? Manumbalik pa kaya ang naudlot nilang pag-iibigan? Makuha kaya ni Dave ang loob ng kambal niyang anak? Paano kung malaman ni Dave ang tunay na pagkatao ni Anastasia?
Romance
9.6138.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Falling For Her Unexpectedly

Falling For Her Unexpectedly

Jenaiah
ni Khealie na umalis at suwayin ang mga magulang sa sapilitang pagpapakasal nito sa kaniya at sa lalaking hindi niya naman mahal. Sa kaniyang pag-alis ay hindi sinasadyang magka tagpo ang landas nila ni Cloud na siyang naging daan niya upang tigilan na siya ng mga magulang niya sa pwersahang pagpapakasal nito sa anak ng isa sa mga investors ng kaniyang ama. "Hindi ko sukat akalain na ang babaeng noon ay nag mamakaawa lamang na pakasalan ko ay siya palang makakatuloyan ko, hindi ako makapaniwala." madamdaming sambit ni Cloud. tanging matamis na ngiti lamang ang ibinigay ni khealie sa kaniyang asawa. Sino nga ba naman ang mag aakala na tototohanin pala nilang dalawa ang kasal na dapat sana ay palabas lamang kagaya nang napag kasundoan nila bago ang kasal.
Romance
869 viewsOngoing
Read
Add to library
Undying Memories

Undying Memories

Cactushoney
Dahil sa isang aksidente ay nagbukas ang third eye ni Quinn Belle at sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya ang lihim sa likod ng luma at nakakatakot na itsyura ng old Diplomat hotel na pinangangalagaan ng isang masungit but charming na si Florence. Sa pagkakataong ito ay binigyan ng misyon si Quinn kasama si Grim reaper na kamukhang-kamukha ni Florence, upang hanapin ang mga lost soul upang maihatid na sila sa liwanag. Sa kanilang pagsasama na puro bangayan ay may isang pangyayari sa nakaraan ang mauungkat at may kinalaman ito sa matagal na pananatili ni Florence sa lupa. Hanggang saan nga ba ang tapang ni Quinn para harapin ang mga nakakatakot at med'yo pasaway na mga multo? Maari nga bang muling tumibok ang pusong matagal ng patay?
Romance
105.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status