Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Streaming Secrets of Mr. Labrador

Streaming Secrets of Mr. Labrador

"Hinire kita bilang streamer Alana! Hindi kasama duon ang paluhurin mo ako iyong harapan upang magmakaawang tanggapin mo ako pabalilk!" Lumaki si Alana Demetria sa isang mayaman na pamilya ng mga Buenaventura. Ngunit isang araw ay gumising na lang siya na isang condominium na lang ang tanging natitirang pamana sa kanya. Walang cards, cash at car na mga main essentials niya sa buhay. Buong akala niya ay makakahingi siya ng tulong sa nobyo ngunit ipinagtulakan at ipinagpalit siya nito. Nang malaman na wala ng kahit anong ari-arian ang mga Buenaventura. Idagdag pa na walang tumatanggap sa kanya bilang receptionist dahil mababa lang ang natapos niya. Nagbakasali siyang maging isang live streamer sa isang kilalang app. Unang araw pa lang niya ay naging mahirap na ang mga pagsubok sa pagiging baguhang live streamer. Pero may iilan sa kanyang mga supporter na labis siyang sinusuportahan. Ngunit akala ni Alana ay hanggang sa likod na lang siya ng cellphone mapapanuod ng kanyang mga supporter. Pero unang araw pa lang niya ay may nakapansin na agad sa angking kagandahan ni Alana. Anong mangyayari sa buhay ni Alana na akala niya ay walang patutunguhan? Ito na ba ang simula ng career niya gamit ang taglay na kagandahan? O ito ang simula ng karagdagang hirap na tatahakin niya sa kanyang buhay?
Romance
753 viewsOngoing
Read
Add to library
ESCANDALO DE SAN IGNACIO

ESCANDALO DE SAN IGNACIO

Felicity
SCANDAL... BILLIONAIRES... MARRIAGE... Exactly seven years ago, ginulantang ng sabay-sabay na eskandalo ang bayan ng San Ignacio kung saan nadadawit ang pangalan ng mga magpipinsnag Del Franco -ang pinakamakapangyarihang angkan sa bayan ng San Ignacio. Pagkatapos ng pitong taon, nagbabalik ang mga kababaihang dawit sa eskandalo para sa kani-kanilang mga dahilan. Si Elvie, isang guro na may mababang tiyansa na magkaanak ang mauugnay kay Leon Del Franco na dati niyang estudyante. Isang gabi ng pagkakamali ang magbibigkis sa kanilang dalawa ngayon. Si Miracle, alipin ng amnesia at madilim na nakaraan ang napilitang magpakasal kay Noah Del Franco -ang kakambal ng namayapa niyang kasintahan. Si Elaine, isang babaeng nakatakdang magmadre ang nagpakasal kay Kristian Del Franco Lagman na kilalang kasintahan ng anak ng pangulo ng Pilipinas. At si Misha, ang babaeng lumisan sa San Ignacio pagkatapos mawasak ang puso at buhay dahil kay Daisuke Del Franco. Ano ang mangyayari ngayong nakatakda silang magkita ng mga lalaking may utang sa kanila? Mauulit ba ang pagkakamali ng kahapon o magtatagumpay silang baguhin ang kapalaran nila ngayon. Ito ay kuwento ng apat na babae na nagpakasal sa apat na bilyunaryo. Ano nga ba ang mas makapangyarihan, pag-ibig o kayamanan? Sino ang magtatagumpay sa huli?
Romance
744 viewsOngoing
Read
Add to library
Taming the Casanova Billionaire

Taming the Casanova Billionaire

WARNING ⚠️ ⚠️ Rated SPG Si Alexandra Villamor ay isang simpleng empleyado sa isang marangyang cruise ship, ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay nagulo nang makilala niya si Julian Evans, isang makisig at mayamang bilyonaryo na kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig. Hindi inaasahan ni Alex na ang isang kasunduan sa pagitan nila ay magdadala sa kanya sa isang mundo ng intriga, pagsubok, at lihim. Habang pilit niyang pinangangalagaan ang kanyang dignidad, unti-unti namang nagiging mas kumplikado ang relasyon nila ni Julian. Sa pagitan ng mga pagkukunwari at tunay na damdamin, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa isang kwento ng pagmamahal at laban para sa katotohanan. Ngunit sa mundo ng kayamanan at kapangyarihan, may mga lihim na naghihintay na mabunyag at mga lihim na maaaring tuluyang magbago sa kanilang mga buhay.
Romance
1011.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Fierce Comeback of the Ex-Wife

The Fierce Comeback of the Ex-Wife

Rixxxy
Si Eleanor ay isang martir na asawa ni Herbert. Ang lalaki ang naging mundo niya at kaya niyang tiisin ang lahat para dito kahit pa ang pisikal na pananakit ng kaniyang biyenan at mga anak nitong babae. Ngunit nang malaman niyang nakabuntis ito, ay tila nawasak ang buong pagkatao niya. Kaya naman upang mabuo muli ang sarili at paghigantihan ang asawa at ang kabit nito ay tatanggapin niya ang tulong ng CEO at tagapagmana ng MADRIGAL Group of Companies na si Noah Madrigal. Pupulutin niya ang mga nasira at nabasag niyang mga piraso at gagamitin iyon upang paghigantihan ang mga nanakit sa paraang hindi nila mga inaasahan. Ngunit hanggang saan ang mararating ng paghihiganting pagtutulungan nilang dalawa? Paano kung sa ikalawang pagkakataon ay muli siyang magmahal at higit na masaktan at tuluyang mawasak?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Disguised Maid In The Wolf's Den

The Disguised Maid In The Wolf's Den

Si Agnes ay isang maganda at kaakit-akit na dalaga na kinailangang mamasukan sa mansyon ng mga Villacorte para makuha ang isang daang milyon na ipinangako ng don doon sa kanyang madrasta. Ngunit dahil nalaman niyang doon nakatira ang kilabot na playboy ng mga Villacorte na si Aeros ay nag make-up disguise siya sa takot na matipuhan siya nito at sapilitang makipag relasyon sa kanya. Ang hindi niya akalain, sa kabila ng pinapangit niyang hitsura ay natipuhan pa rin siya ng binata. Mahuhulog sila sa isa't-isa at magkakaroon ng relasyon ngunit mahigpit na tututol ang lola ng binata. Ano ang gagawin ni Agnes, aalis kaya siya sa mansyon ng mga Villacorte at iiwan kaya niya nang tuluyan si Aeros oras na makuha na niya ang kanyang kailangan? _-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_ Warning: Has A Explicit Mature Content, The Author Prohibits Readers Under 18 Years Of Age.
Romance
1011.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Island of Dolls

Island of Dolls

MANIKA. Isa sa pinakapaboritong laruan ng mga bata lalong-lalo na sa mga babae. Minsan, nangongoleksyon pa nga ang iba at ginagawang display. Gusto o hilig mo ba ang mga manika? Ako kasi hindi na. Simula nang mapunta kami sa islang yun. I started to hate dolls. Isang experienced na ayoko ng alalahanin pa. Doon sa... LA ISLA DE LAS MONECAS..
Mystery/Thriller
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
BAGAC

BAGAC

ArLaSan
Isang maganda at nakapang-aaya na pook ang BAGAC. Subalit sa aming paglalakbay sa ilang bahagi nito ay di sinasadyang naakit naming sumama sa aming hanay ang ilang paranormal na nilalang na siya ring naging saksi sa aming mga makamundong pagnanasa, malikot na pag-iisip, at pagtatahi-tahi ng mga pinagmulan at solusyon sa aming mga pakikipag-engkwentro sa kanila. Ako si Hardy. Tuklasin ang pusok at pakikipagsapalaran ko at ng aming mga kaibigan, kalaguyo at kapamilya laban sa mga taga-ibang dimensyon.
107.4K viewsCompleted
Read
Add to library
It Will Always Be You

It Will Always Be You

Lyric Chelsy Makinano, an Engineering student who transfered from UST to UP Diliman because of a deal she made with her father. Para sa kanya, naniniwala siya na dapat pinakilinggan ng mga magulang ang mga opinyon ng kanilang anak. Hindi dapat natatakot mag salita ang mga kabataan sa mga nakatatanda, lalo na kung para naman iyon sa ikabubuti. She believe that no matter who you are, or how young or old you are, we should speak for ourselves because it's our right. Meanwhile... Sebastian Anghelo Monteferrante, a Medical student who's studying in UST. His family is leaving in the states, but for some reasons, he chose to go home in the Philippines and continue his studies. He's the type of person na palagig nandyan sa tabi niyo if you need a shoulder. He's willing to do everything, kahit na medyo baduy, para sa mahal niya. Naniniwala siya na, ang mga babae, ay dapat tinuturing ng mga lalaki na parang prinsesa, na magiging reyna din ng kanilang palasyo.
Romance
2.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Ang unang pagkikita nina Isabelle Reyes at Andres Vargas ay sa isang handaan, kung saan kapansin-pansin ang natatanging kagandahan ng dalaga. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay napako sa kanya. Tanging si Andres lamang na nakasuot ng tuwid na unipormeng militar, may mahigpit na tindig, at tahimik siyang tiningnan na may kalmadong pagkawalang-interes. Ngunit dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya — ang pamilya Reyes at pamilya Vargas — pinilit ipakasal si Isabelle kay Andres, isang bagay na hindi naman tinutulan ng dalaga. Matapos ang kasal, habang sila ay magkasama sa kanilang higaan, tinanong ni Andres si Isabelle tungkol sa ugnayan nila ng kanyang kapatid na si Marco. Sa pagkakaalam ni Andres, may malalim na pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman, dahil sa pakiwari niya, inagaw niya ang nobya ng kanyang kapatid. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting nahulog ang kanyang damdamin para kay Isabelle at ninais niyang mapasakanya ito ng buo. Ngunit may isang lihim si Isabelle — isang lihim na siya ay muling nabuhay upang iligtas ang buhay ng lalaki mula sa nalalapit nitong kamatayan dulot ng digmaan. Maililigtas kaya niya ito, o magkasama silang mapapahamak?
Romance
10575 viewsOngoing
Read
Add to library
The Wayward Daughter

The Wayward Daughter

msalchemist
Ibinibida ang isang babaeng hindi padadaig sa mga pagsubok na darating sa buhay nito. Kahit na nga ba masama ang tingin ng nakararami rito, patutunayan nito na mali ang sabi-sabi ng iba. Malalaman dito ang tunay na kwento ng mga tinatawag nilang 'malandi, kaladkarin, babaeng mababa ang lipad'. Tampok ang buhay ng apat na bidang sinubok ng panahon at pinatatag ng karanasan sa buhay. Kilalanin sina Clip, Sinatra Blue, Ross, at Badong. Iba't ibang taong pinaglapit ng kinagisnang lugar. Iisa ang ginagalawan. Walang lumisan, walang nang-iwan. Patuloy na bumabalik. Lagi silang bumabalik dahil baka totoo nga na ang happy place nila ay matatagpuan sa mga apat na bidang pinagtagpo pero pilit nilalabanan ang tadhana.
YA/TEEN
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2526272829
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status