Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hiding The Billionaire's Twin Heir

Hiding The Billionaire's Twin Heir

Lumaki si Louise na mulat sa panglalalaki ng kaniyang ina na siyang naging dahilan para maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Dahil pinili ni Louise na sumama sa kaniyang ama, naranasan niyang apihin ng mapagmataas na pamilya ng kaniyang ama. Wala na halos mapuntahan si Louise, pakiramdam niya kalaban niya ang mundo, lalo na nang mapag-alaman niyang niloloko siya ng kasintahan at matalik na kaibigan. Sa paghahangad niyang makalimot sa lahat, isang gabi ang bumago ng tuluyan sa takbo ng buhay ni Louise ng makatalik niya ang pinakamayaman at kilalang bilyonaryo sa bansa. Ang bilyonaryong ito ay matagal ng naghahangad na magkaroon ng tagapagmana. Ngunit dahil sa isang sekretong napag-alaman ni Louise tungkol sa lalaki ay labis siyang natakot para sa kaligtasan ng kambal na pinagbubuntis niya. Naisipan ni Louise na magtrabaho bilang sekretarya sa kompanya para mabantayan ang bawat galaw ng bilyonaryo at masiguradong hindi sila mahahanap ng kambal. Gayunpaman, ginagawa ng bilyonaryo ang lahat at habang nakikita ni Louise kung gaano ito kapursigido na mahanap ang kambal ay mas lalo rin niyang nakikilala ang tunay na katauhan ng misteryosong bilyonaryo. Ngunit kung kailan pa naging sapat ang dahilan niya para ipakilala ang kambal sa ama ng mga ito ay matutuklasan niya na ang sariling ama ang dahilan sa likod ng panganganib ng buhay ng bilyonaryo at ng kambal. Napagtanto ni Louise kung gaano kagahaman sa pera ang ama at gagawin nito ang lahat kahit mapahamak pa sila ng anak mga niya. Sa puntong ito magbabago ang kagustuhan ni Louise sa buhay — ipagkakatiwala niya ang kaligtasan ng kambal sa bilyonaryo at tutulungan itong pabagsakin ang ama at ang pamilya nitong umapi sa kaniya.
Romance
108.4K viewsOngoing
Read
Add to library
MY BELOVED MAFIA BOSS

MY BELOVED MAFIA BOSS

Magkaiba dulo ang mundong kanilang kinagagalawan ngunit nakatakda silang magtagpo sa pinakamasalimuot ng bahagi ng kanilang buhay upang hilumin ang isang malalim na sigalot sa pagitan ng kanilang pamilya. Sa kabila ng kasikatan ni Nadja Santiago bilang sa Djana ay matindi ang kanyang pinagdaraanang problema sa buhay. Nakilala siya sa ibabaw ng entablado dahil sa kanyang nakakaantig na mga awitin. Ngunit ang ningning niya sa itaas ay saglit lang dahil sa inggit at kasakiman. Isang misteryosong lalaki ang nagsamantala sa kanya kaya siya tinalikuran ng kanyang pamilya at kaibigan. Napilitan siyang iwan ang music industry at nagpakalayu-layo. Sa ibang bansa na niya ipinanganak ang kambal na sanggol. Pinilit ni Victor na tumayo sa sariling paa. Ngunit isang lihim ang sinisikap niyang pagtakpan dahil sa sikreto ng pamilyang kanyang pinagmulan. Papatunayan niya sa ama na karapat-dapat siya sa pagiging MAFIA BOSS balang araw ngunit hahadlangan siya ng mas ganid sa salapi at kapangyarihan. Ipinalasap sa kanya ang kalupitan ng mundo hanggang makilala niya ang taong tunay na magmamahal sa kanya. Ngunit paano kung ito rin ang magbubunyag sa isang pagkakamali na bahagi ng kanyang nakaraan? Manaig kaya ang pagpapatawad at pagmamahal sa pagitan nina Nadja at Victor? Paano hahadlangan ng kanilang pamilya at mga taong nakapaligid na tunay ang wagas nilang pag-ibig sa isa't isa?
Romance
1019.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)

Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)

Mr. Noi
Si William Styles, isang tipikal na cute na binatilyo ay namumuhay ng payapa at normal na buhay gaya ng iba hanggang sa isang insidente ang nagpasindak sa kanyang buong pagkatao. Sa hindi inaasahang pagbabagong ito sa kanyang buhay, nakahanap siya ng bagong tahanan, mga kaibigan, at isang usbong ng pag-ibig sa grupo ng mga taong lobo na may dilaw na mata. Pangil sa pangil at kuko sa kuko ay kung paano nila labanan ang kanilang mga kaaway, ang mga taong lobo na may pulang mata. Isang gabi, isang nakakatakot na pangyayari ang naganap. Umagos ang sariwang dugo sa bundok at nagkalat ang mga bangkay sa kagubatan. Magagawa ba nilang ipaghiganti at protektahan ang kanilang mga mahal sa buhay sa ilalim ng pulang buwan?
Other
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
What's Wrong with Miss Alex?

What's Wrong with Miss Alex?

Meganne Lou Laxa o mas kilala bilang si Secretary Laxa, she worked hard as the CEO’s Secretary sa Estrellas Group ngunit after 10 years she resigned due to personal reasons. Gusto n’ya rin kasing magawa ang mga oridinaryong bagay lang sa iba pero impossible sa kan’ya, gusto n’yang hanapin, ano ba talaga ang para sa kan’ya? But little did she know na ang katulad n’yang mapagmahal sa pamilya, positive, dedicated, maloko at pala ngiti ay magiging the one ng isang taong hindi pa buong tanggap ng lipunan. Sa tagal ni Secretary Laxa na nagtratrabaho sa Estrellas ay nakatagpo na rin ito ng mga tunay na barkada at ng taong tinuturing n’ya bilang kan’yang matalik na kaibigan sa matagal na panahon, si Alex Estrellas na siya ring bunso ng pamilyang nagmamay-ari ng kompanyang kan’yang pinagtratrabahuhan. Ngunit biglang bumaliktad ang mundo ng sabihin ni Alex ang mga katagang, Meganne Lou Laxa, mahal kita, mahal na mahal kita higit pa sa pagiging kaibigan. Ilang taong naging alipin si Meg ng pagkakataon, na halos mawalan na ito ng sariling buhay para lang maitawid ang pangangailangan ng kan’yang pamilya. Ngayon? Handa pa rin ba siyang panindigan ang gusto n’ya kahit halos kontra ang lipunan? Na halos lahat kwinikwestiyon kung sino at ano ang tao pinili n’yang mahalin? Hanggang kailan kaya mairarason ni Meganne ang mga katagang, bakit hindi siya? Bakit hindi pwedeng siya? Bakit, what’s wrong with Miss Alex?
LGBTQ+
8.4K viewsCompleted
Read
Add to library
He Rejected My Marriage Proposal

He Rejected My Marriage Proposal

Chief Secretary na maaasahan lagi sa umaga, at isang nakakaakit na kasalo sa kama tuwing gabi—iyan ang buhay ni Bona Sobrevega sa mga bisig ni Sean Fernandez. Matapos ang tatlong taon na pagsasama at pag-aalaga sa isa’t isa, inakala ni Bona na pantay ang nararamdaman nila. Kung kaya’t nang alukin niya ang lalaki ng kasal, hindi niya inaasahang guguho ang mundo niya nang sabihin nitong walang halong pagmamahalan ang samahan nilang dalawa maliban sa kanilang mga katawan. Mula noon, umiwas na siya’t tinalikuran ang buhay kasama ang lalaki. Umangat ang kanyang karera at naging isang tanyag na abogada na walang tumangkang kumalaban sa kanya sa komunidad. Dumami ang mga manliligaw at dito’y nagkukumahog na gumapang pabalik sa kanya, puno ng pagsisisi, ang lalaking minsan na niyang minahal ilang taon na ang nakalilipas. Ngunit sa mga pagkakataong ito—wala na siyang nararamdaman para dito.
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Destined to be Mr. CEO’s Wife

Destined to be Mr. CEO’s Wife

Si Chloe ay ipinagkasundo ng kaniyang mga magulang sa isang Matandang negosyante matapos matalo sa sugal ang kaniyang mga magulang. Pilitin man niya ang kaniyang sarili ay hindi makaya ng kanyang sikmura ang makasama si Valentino ng dahil lamang sa kasalanan ng kaniyang mga magulang. Hanggang mag krus ang landas nila ni Riley at mabuo ang kanilang isang gabing pinagsaluhan. Tumakas si Chloe sa kasal nila ni Valentino Rosso sa tulong ng kanyang kaibigang si Kean, ngunit dahil sa kahihiyan ay sinundan siya nito sa ibang bansa at nag eskandalo sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Dumating naman si Riley para ipagtanggol niya si Chloe sa mga magulang nito at kay Valentino. Abangan ang mga susunod na mangyayari sa pagitan ng mga magulang ni Chloe at mga gulong ihahatid nito ng dahil sa pagpili ni Chloe na manatili sa piling ni Riley .
Romance
1020.0K viewsCompleted
Read
Add to library
My Beloved Corazon

My Beloved Corazon

Imyham
Dahil sa hindi inaasahang aksidente nawalan ng paningin ang binatang si Benny, ang mundo niya ay binalot ng kadiliman kasabay noon ay ang pagnanais n'yang muling babalik ang kaniyang minamahal. Sapagkat gusto niya na kahit hindi na bumalik ang kaniyang paningin ayos na sa kaniya basta makasama niya lang si Corazon. Bulag ang kanyang mga mata ngunit hindi nawawalan ng pagasa ang kaniyang puso na hintayin ang dalaga sa muli nitong pagbabalik kahit batid niya na suntok sa buwan ang pangarapin na muli pa niyang makikita ang babaeng unang nagpatibok ng kaniyang puso.
Romance
103.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
Romance
10472 viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Stepbrother’s Deception

My Billionaire Stepbrother’s Deception

"Sa ayaw at sa gusto mo, sa 'kin ka, kung ayaw mong masira ang dignidad ng pamilyang 'to." --- Pakiramdam ni Senra Lazurel ay nag-iisa na lamang siya sa mundo dahil hiwalay ang kaniyang mga magulang. Isa siyang stripper sa kilalang club at doon din ay nakilala niya ang taong hindi niya inaasahan... Si Ivran Moredad. Si Ivran ay isang binatang bilyonaryo na nais angkinin ang dalaga, ngunit hindi magiging maganda sa paningin ng tao dahil ito pala ang kaniyang magiging stepsister. Dahil sa pagkahumaling sa dalaga, isang supling ang naging mitsa ng dignidad sa kanilang pamilya. Makakalaya ba sila sa mala-presong lihim na ito?
Romance
10199 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3132333435
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status