Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Last Soul Keeper 1: Rise Of The Phantoms

The Last Soul Keeper 1: Rise Of The Phantoms

Helena Price
Loriana Wrights was born with poor eyesight. Kahit pa may tulong ng salamin sa mata ay masyado pa ring malabo ang paningin ng dalaga. It was a rare condition that even a surgery cannot help aide her problem with her eyes. Sa pagsapit ng ika-dalawampu't isa niyang kaarawan, isang regalo mula sa hindi nagpakilalang bisita ang kanyang natanggap. Inside the crystal box is a normal-looking eyeglasses, but the moment she wore it, her eyesight suddenly went clear...and she started seeing blue and red fire on some people. Anong ibig sabihin ng asul at pulang apoy sa kanilang mga dibdib? Sino ang nagtangkang kunin siya sa gabi ng kanyang kaarawan? Maraming nabuong tanong sa isip niya na isang estranghero lang ang kayang magpaliwanag. "You only have on job. To keep the souls I seek..." Sa tulong ni Jiro, matutuklasan ni Ria ang totoo niyang pagkatao. Kung bakit niya nakikita ang mga apoy sa ilang tao at kung bakit siya nais dukutin ng Phantom Society. Flip the pages and discover the real world...because there is more to reality than meets the eye.
Fantasy
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
I Will Take Back What's Originally Mine

I Will Take Back What's Originally Mine

FireQUEEN
Si Jessa Diryln, isang part timer na babae na na-frame-up ng sarili niyang step sister. Matapos niya itong suportahan sa pag-aaral, ang nakukuha niya sa kanyang madrasta ay mga paninisi, pagpapahirap at pang-huli, na-frame-up siya. Upang makatakas sa posibleng pagkamatay na sinabi ng pamilya ng biktima, sinubukan niyang maglakbay nang hindi nililinis ang kanyang pangalan. Gayunpaman, sa halip na makalaya mula sa kamatayan, siya ay talagang namatay. Well, parang ganun nga. Pero bigla siyang nagising sa katawan ni Estacie Somyls. Ang pinakamasama pa, talagang mahirap din ang buhay ng may-ari ng katawan na sinapian niya! Isang babae na iniwan ng sariling ama para makasama ang bagong pamilya. Hindi lang iyon, ginamit pa ang sarili niyang mana mula sa yumaong ina! Ngayong siya na ang bagong may-ari ng katawan na ito, makukuha na ba niya ang orihinal na sa kanya?
Romance
101.4K viewsCompleted
Read
Add to library
His Bodyguard Wife

His Bodyguard Wife

BOOK 1: HIS BODYGUARD WIFE Maayos na ginagampanan ni West ang mga normal na gawain niya bilang isang mafia queen subalit nagkaroon ng malaking pagbabago sa takbo ng kan'yang buhay matapos sabihin ng ama na siya ay kasal na. *** Nang ibigay kay West ng ama ang misyon na protektahan ang kan'yang asawa na walang kaide-ideya na sila ay kasal na at mula sa pamilya ng mga mafia ay nagpas'ya siyang maging bodyguard nito subalit habang nakakasama niya ito ay unti-unti niyang nararamdaman ang mga emosyon na matagal niya ng kinalimutan lalo na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Paano pro-protektahan ng isang mafia queen ang kan'yang hot tempered na asawa kung maraming pangyayari ang magaganap na malayo sa inaasahan niya?
Romance
1011.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Love I Tried to Hide

The Love I Tried to Hide

Noong gabi bago ang kanyang kasal, gumuho ang mundo ni Tyrra. Nahuli niya ang kanyang kasintahan sa kama kasama ang kanyang kapatid na babae. Nadurog ang puso, nakilala niya ang isang guwapong estranghero at nagpalipas ng gabi sa kanya. Pagsapit ng umaga, wala na siya. Makalipas ang anim na taon, si Tyrra ay isang single mom na may magandang karera. Hinihiling sa kanya na kapanayamin ang isang mayaman, pribadong lalaki at ang parehong lalaki mula noong gabing iyon. Ang kanyang pangalan ay Lemar Domino. Kilala niya agad. Ilang taon na niya itong hinahanap. Nag-aalok si Lemar ng deal: gumugol ng isang buwan sa kanya, at maaari siyang magkaroon ng pakikipanayam. Hindi sigurado si Tyrra. Gusto niya ang pakikipanayam, ngunit gusto niya ring kalimutan ang nakaraan. Habang nagsasama sila, nagsisimula silang maging malapit. Ngunit tinatago ni Tyrra ang katotohanan. Hindi alam ni Lemar na siya ang ama ng kanyang anak. Lalong lumala ang mga bagay nang ang seloso na kapatid ni Tyrra na si Grace ay sinubukang kunin si Lemar para sa kanyang sarili. Mawawasak ba sila ng kanilang mga sikreto at hindi pagkakaunawaan? O patatawarin ba ni Tyrra, bubuksan ang kanyang puso, at muling mahahanap ang pag-ibig?
Romance
367 viewsOngoing
Read
Add to library
Kiss Of The Wind Book 1

Kiss Of The Wind Book 1

Mula sa masakit na karanasan sa unang pag-ibig, tatlong taon ang lumipas nang mapagpasyahan ni Celestine na ituon na lang ang sarili sa kompanyang naman mula sa nagretiradong ama. Sa mga papeles at tanging sa trabaho na lamang niya ibinuhos ang buong atensyon upang makalimutan ang masalimuot na karanasan mula sa dating nobyo na nangloko at ginamit lang siya para sa pera niya. Hindi naging madali para sa kaniya ang lahat ngunit minabuti niyang huwag nang pagtuunan pa ng pansin ang paghanap ng lalaki na para sa kaniya o kung meron ba talaga. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang lalaki na bigla na lamang sumulpot sa kaniyang buhay. Hindi niya inaasahan na makakatagpo ng isang gwapo at matipunong nilalang na kahit ang ipis ay maaring mahumaling rito. Sa bawat araw na magkasama sila sa isla ay hindi mapigilang mas nahulog pa ang kaniyang loob sa lalaki. Paano na niya mapipigilan ang malalim na nararamdaman gayung alam naman niyang hindi rin magtatagal ay maghihiwalay rin sila ng landas dahil aalis rin siya sa lugar na iyon matapos magbakasyon? Kakayanin niya kayang mawalay sa piling nito o hahayaan na lamang ang kung anuman ang nararamdaman para sa binata?
Romance
419 viewsCompleted
Read
Add to library
My Cold Boss, My Secret Husband

My Cold Boss, My Secret Husband

Sa mata ng lahat, isa lang akong ordinaryong secretary na walang halaga sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. Tahimik akong gumagalaw sa opisina habang pinapanood ang mga kasamahan kong halos sambahin ang malamig, makapangyarihan, at walang pusong CEO—si Evander de la Cruz. Para sa kanila, siya ang lalaking hindi kailanman bababa sa antas ng isang tulad ko. Pero ang hindi nila alam… asawa ko siya. Isang taon na mula nang ikasal kami nang palihim. Sa harap ng lahat, ako’y parang alipin lang ng trabaho, at siya nama’y boss na ni hindi ako pinapansin. Pero sa likod ng saradong pintuan ng kanyang opisina, nagbabago ang lahat. Doon, siya ang lalaking sabik sa aking haplos, handang lumuhod para lamang maramdaman ang init ng aking pagmamahal. Pinili kong itago ang aming kasal upang patunayan na kaya kong magsikap gamit ang sarili kong pangalan. Ngunit habang tumatagal, mas nagiging lantad ang pag-aangkin ni Evander—at mas nagiging mapanganib ang mundo sa paligid namin. Lalo na nang magsimulang gumalaw si Clarisse Montenegro, ang ambisyosang team leader na gagawin ang lahat para siraan ako at mapasakanya si Evander. At mas lalong lumala ang lahat nang pumasok sa eksena si Alessandro Cortez, ang tuso at mapanganib na CEO ng partner company na nahulog sa akin at handang gamitin ang negosyo para agawin ako mula kay Evander. Sa gitna ng mga lihim, tukso, at laban sa kapangyarihan, isa lang ang malinaw: kapag ang malamig na CEO ay umibig, hindi siya uurong sa digmaan. At ako ang dahilan ng digmaang iyon.
Romance
10376 viewsOngoing
Read
Add to library
Falling For My Cold Lady Boss

Falling For My Cold Lady Boss

Masayahin at palabiro si Halina Hernandez noong kabataan niya. Ngunit nang masaktan sa unang pag-ibig niya kay Goddy Vásquez, unti-unting nagbago ang kanyang pananaw—naging malamig siya at natutong husgahan ang mga taong hindi ka-level ng kanyang estado. Ayaw na niyang bumaba mula sa pedestal na tinatayuan niya, lalo na para magmahal muli ng isang lalaking hindi niya kapantay. Makalipas ang anim na taon, muling nagkrus ang mga landas nila. Akala niya, tuluyan na niyang nalimot ang sakit na dulot ng unang pag-ibig niya—pero nagkakamali siya. Dahil sa bawat paglapit ni Goddy, muli niyang naramdaman ang damdaming matagal na niyang pilit kinalimutan. Kaya ba niyang ipaglaban ang kanyang pagmamataas, o muli siyang mahuhulog sa isang pag-ibig na minsan nang sumira sa kanya?
Romance
1015.1K viewsOngoing
Read
Add to library
[Tagalog] My Unfamiliar Husband

[Tagalog] My Unfamiliar Husband

Nagising si Dana Montecarlo matapos ang limang taon na pagkakaratay sa ospital. She was under comatose, matapos niyang makaligtas mula sa isang malalang car accident. Sa kanyang paggising ay agad niyang nakita ng asawang si Garrett. Masaya si Dana na malaman na nakaligtas ang kanyang asawa mula sa aksidente, and he looks alive and well... Pero sa paglipas ng mga araw, napapansin niya ang malaking pagbabago sa kanyang asawa. Ang mga halik nito ay hindi na katulad ng dati, and he is acting aloof and distant towards her, as if she is a total stranger. Ano kaya ang nangyari sa kanyang asawa pagkatapos ng aksidente na kinasangkutan nila?
Romance
5.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My Pervert husband is a boss

My Pervert husband is a boss

Para kay Xian Leem, ang salitang patawad ay higit pa sa simpleng pagbibigay-laya at isa itong pangako na hinihintay niyang marinig mula sa babaeng matagal na niyang hinahanap. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo ang landas nila ni Katharine Orteza. Isang matapang at pursigidong babae na walang takot humarap sa kahit anong pagsubok sa buhay. Ngunit ang kanilang unang pagkikita ay hindi naging maganda. Isang hindi inaasahang insidente ang naganap. Isang kilos na hindi napigilan, na nagbago ng takbo ng kanilang buhay. Sa gitna ng inis, hiya, at mga lihim na damdamin, sisimulan nila ang isang kwento ng pagkamuhi... na maaaring magtapos sa pag-ibig.
Romance
10250 viewsOngoing
Read
Add to library
Vengeance of the Heiress

Vengeance of the Heiress

Pinagkatiwalaan. Minahal. Pero tinraydor. Gumuho ang mundo ni Dari nang mahuli niyang magkasama sa kama ang kanyang asawa at kakambal. Sa sakit at galit, tumakas siya sa gabing puno ng dalamhati—at natagpuan ang sarili sa bisig ng isang estranghero. Si David Kranleigh, isang bilyonaryong CEO. Isang gabing dapat ay malimutan. Pero hindi iyon basta nawala. Sa pagtatangkang magsimulang muli, isang trahedya ang tuluyang sumira sa kanya—isang aksidenteng nagdulot ng kanyang pagkabulag. Wala nang saysay ang lahat. Hanggang sa muntik na siyang sumuko… at isang pamilyar na tinig ang pumigil sa kanya. Si David. Hindi siya nito nakalimutan. At sa pagkakataong ito, hindi na siya nito hahayaang mawala. Upang iligtas siya mula sa mga traydor, pineke ni David ang kanyang pagkamatay at dinala siya sa Australia para magpagamot. Limang taon ang lumipas. Ngayon, hindi na siya ang dating Dari Wilson. Bumalik siya sa mismong anibersaryo ng kanyang pekeng pagkamatay—hindi bilang biktima, kundi bilang isang babaeng uhaw sa hustisya. Sisirain niya ang mga taong sumira sa kanya. Babawiin niya ang lahat ng ninakaw sa kanya. Ngunit isang sagabal ang hindi niya inaasahan—si David. Ang lalaking hindi sumuko sa kanya. Ang lalaking handang ipaglaban siya. Pero kaya ba niyang pigilan ang galit ni Dari? Sa laban ng pag-ibig at paghihiganti, sino ang mananalo?
Romance
10903 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2627282930
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status