Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Fated  (A Surrogate Story)

Fated (A Surrogate Story)

Sa kagustuhan ni Ali na matuluungan ang kanyang Lolo na mailabas ng hospital ay sinubukan nitong harapin ang dati nitong gawin pero naipatalo ni Ali ang malaking halaga na ipinusta ng isang lalaking hindi niya akalain na lalong gigipit sa kanya. Sa kawalan niya ng pagasa ay inalok niya ang lalaki na patusin na lamang siya at katawan na lamang niya ang ipangbbabayad sa ipinatalo niyang salapi.
Romance
1011.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
I Kissed A Girl (FILIPINO)

I Kissed A Girl (FILIPINO)

Hindi matanggap ni Erica kung bakit lumaki siya sa pamilya na kakaiba. Papaanong kakaiba? Namulat kasi ito na ang kanyang ina ay isang Lesbian habang ang kanyang Ama naman ay isang bakla. Inggit na inggit siya sa normal na mga pamilya, iyon bang straight ang nanay at tatay, hindi katulad ng sa kanya. Palagi siyang tinutukso ng kanyang mga kaklase noong nag-aaral pa lamang ito, hanggang ngayon ba naman na may trabaho na siya? Kaya ipinangako nito sa kanyang sarili na siya ang magbabago ng kapalaran ng kanyang pamilya. Ipinangako nito na hinding-hindi siya matutulad sa kanyang ina o ama. Pero paano kung biglang makilala nito ang bagong CEO ng kanilang kompanya na si Pearl Torres? Kasing ganda nito ang kanyang pangalan na parang perlas na kumikinang. Magiging baliko rin kaya siya kagaya ng kanyang mga magulang? O mas pipiliin parin nito ang magkaroon ng normal na buhay na palagi niyang hinahangad para sa kanyang sarili.
LGBTQ+
1037.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
My Married Lover

My Married Lover

[Kumpleto - Completed] Si Ina na isang yaya sa Gomez family. Isang maayos at walang pinoproblema sa buhay magmula nang siya ay makatuntong sa bahay ng mga ito ngunit sa isang iglap ay nagbago na lamang ang lahat nang magkagusto ang asawa ng kaniyang amo na si Roy Gomez sa kaniya at maging siya ay nahulog din. Gayunpaman, sa una ay alam na niya na mali ito dahil may asawa na rin ito at ang babae pa na kumupkop sa kaniya mula sa ampunan. Sadya nga yata na kay lupit ng tadhana at nang nagmahal siya ay sa maling pagkakataon at tao pa. Kaniya nga ba na tatahakin ang daan na alam niya ay mali para lamang sa pagmamahal o tatahakin pa rin ang daan patungo sa kung saan ang dapat at tama? Kaniya ba na ipaglalaban ang kaniyang pagmamahal para sa lalaki, o ibabaon na lamang sa limot ang lahat upang protektahan ang pamilya nito? Siya na nga ba kaya ang magiging dahilan ng muling pagkawasak ng puso ng babaeng umampon sa kaniya o ang tutulong dito na malampasan ang trauma na naranasan sa nakaraan?
Romance
1013.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Revenge of Iza

The Revenge of Iza

Iza, isang matagumpay na negosyanteng babae na tila nasa kanya na ang lahat - isang mayaman na asawa, isang pamilya, at isang maunlad na karera. Sa araw kung saan nalaman nyang buntis sya ay wala na syang maihihiling pa. Gayunpaman, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya na ang kanyang asawa, si Roman, at ang kanyang kapatid na si Rebecca, ay may lihim na pag-iibigan at nagtaksil sa kaniyang likuran. Hindi makapaniwala si Iza at luhaang umalis sa unit ng asawa, hanggang sa maganap ang aksidenteng babago sa kaniyang buhay. Matapos ang anim na taon, nagpasya si Iza na tanggapin ang mga bagay sa kanyang sariling mga kamay. Taglay ang matibay na determinasyon, masinsinan niyang pinaghandaan ang kanyang paghihiganti laban kina Roman at Rebecca. Habang mas lumalalim ang kanyang paghahanap ng kasagutan, natuklasan niya ang lihim at nakatagong motibo na sumagot sa lahat ng inaakala niyang alam niya tungkol sa kanyang mga mahal sa buhay. Dapat niyang harapin ang sariling mga desisyon at makipagbuno sa kumplikadong pag-ibig at pagpapatawad. Sa paghihiganti na hinahangad ni Iza, mahahanap ba niya ang pagmamahal at hustisyang hinahanap, o uubusin siya ng pagkauhaw niya sa paghihiganti, na hahantong sa kanya sa landas na walang kasiguraduhan?
Romance
9.639.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
MAGDA:THE PRODIGAL SERIES 1

MAGDA:THE PRODIGAL SERIES 1

Jonai Barnabas
"MAPAGLARONG TADHANA." Ito lagi ang aking bukambibig sa tuwing binabalikan ko ang masasayang ala-ala ng nakaraan. Ang dati na masayang pamilya na binuo ng aking mga magulang na ngayon ay hindi ko na yata masisilayan pa. MAGDA ang tawag sa akin. Tulog sa umaga, gising sa gabi. Hindi ko ginusto ang kapalaran kong ito. Isang tanikalang bakal na tila nakagapos sa aking mga paa na kahit pilit akong kumawala ay wala akong magawa. Wala na bang pag-asang makaahon sa putik na aking kinalugmukan? Huli na ba ang lahat?
Romance
1.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Celeste: Of Beauty and Secrets

Celeste: Of Beauty and Secrets

Bimaia
Isang misteryosong lagusan ang bigla na lamang gumimbal sa tahimik na pamumuhay ng mga mamamayan sa mundo ng Albion. Nababalutan ito ng itim na mahika na nagdudulot ng matinding panganib. Dahil dito ay agad na tinipon ni Haring Qesien ang pinakamalalakas na mandirigma sa kanilang mundo. Misyon nila ang masugpo ang kadiliman, at tuluyang maisara ang lagusan. Sa hindi inaasahang pangyayari ay napabilang si Trese sa grupong ito. Isa lamang siya sa libo-libong mga alipin na pinagkaitan ng lakas sa mundo na punong-puno ng hiwaga at mahika. Ganoon pa man ay mayroon siyang madilim na sikretong pilit na itinatago sa iba. Ginawa ni Trese ang lahat, makasama lamang ang lalaking itinitibok ng kaniyang damdamin. Ngunit handa ba niyang isakripisyo ang mga mabibigat na tungkulin para lamang sa inaasam na kaligayahan? O babalik siya sa tunay niyang katauhan?
Fantasy
102.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Orphan Wife

My Orphan Wife

Noong birthday ng single mother na si Grace Saavedra ay hinayaan ng anak nito na si Dexter na matupad ang hiling ng ina. Ang magkaroon pa ng isang anak. Anak na babae. Sa isang ampunan, nakita ni Grace ang sampung-taong gulang na si Heather. Dinala sa bahay, at doon nakilala ni Dexter ang bagong kapatid niya. Si Heather na madalas niyang kaaway pero naging malapit sa kanya. Hanggang lumipas ang taon, ang batang si Heather ay isa ng dalaga, magandang dalaga. At iba na ang nararamdaman sa kanyang kuya na sampung taon ang agwat sa kaniya? Paano ba masasabi ni Heather ang nararamdaman para sa kapatid niya na hindi man niya tunay na kadugo ay para na niyang tunay na pamilya? Matatanggap ba kaya ni Dexter ang pag-ibig ng ampon niyang kapatid?
Romance
535 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Sa limang taong kasal ni Daisy Lopez at Kent James Hernandez, pinanatili ni Daisy na maging maayos ang lahat kahit pa niyuyurakan na ang kanyang dignidad at pagrespeto sa sarili. Akala niya na kahit walang pag-ibig at siya lang ang nagmamahal, ay dapat na buo at kumpleto ang isang pamilya. Hanggang sa araw na nalaman niya na malubha na ang sakit ng kanyang nag-iisang anak at kasabay ng balita tungkol sa annulment ng kasal niya kay Keint. May umusbong na pag-asa sa puso ni Daisy dahil sa wakas, hindi na niya kailangan magpanggap pa bilang asawa ni Kent James. Ngunit hindi pumayag ang malupit niyang asawa, at nagbigay ng suhol sa lahat ng media at lumuhod sa harap niya, humihiling ito sa kanya na bumalik siya sa buhay nito. Pero humarap si Daisy sa dating asawa na may kasamang ibang lalaki at magkahawak ang kanilang kamay upang ipakita na may mahal na siyang iba.
Romance
10642 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Ang Huling Alpana

Ang Huling Alpana

Ryan Rayl Samoray
Lingid sa kaalaman ni Apolo na nakatakdang mapasa-kaniya ang karugtong ng buhay sa kaniyang musika, kung kaya't naging dahilan ang kaniyang galit sa labis na kalbaryo nang mawala ang kaniyang Alpa. Manunumbalik ang kagandahan ng musika sa sandaling kalabitin na niya ang mga kwerdas niyon. Ngunit paano kung ang kaniyang hinahanap na Alpa at pana ay isang mortal na tao? At malaman niya na ito ay may taglay na kapangyarihan para pagyamanin ang musika sa sanlibutan? Kapalit nang hindi inaasahang pag-ibig ng nakatataas ng diyos ng araw at musika sa mortal na si Phana, piliin kaya nito na gawin siyang Alpa ng musika at pag-ibig? O ang gawin siyang pana ng katarungan? Mabibigyan kaya ng pag-asa ni Phana ang sarili para mahalin ang isang kagaya ni Apolo o ang harapin ang kaniyang napipintong kamatayan? Huli na ba para kay Apolo na umiibig na siya sa isang mortal? Kaya ba nilang manindigan gayung magkaiba ang kanilang mundong ginagalawan o ang maulit ang pagkakamali na noon ay kinasusuklaman ng diyos ng araw?
Fantasy
2.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Asawa ng Nakalimutan: Buntis at Inabandona

Asawa ng Nakalimutan: Buntis at Inabandona

Nalaman ko na buntis ako kasabay ng childhood sweetheart ng asawa ko na si Rosa. Para protektahan ang kanyang anak mula sa pagpapaabort, sinabi ng asawa ko na anak niya iyon. Sa anak ko? Pinagaan niya ang loob ko, sinabi niya na aangkinin lang niya ang bata kapag isinalang na ito. Kinumpronta ko siya, gusto ko malaman kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Malamig at walang alinlangan ang sagot niya: “Ang angkinin ang baby ang tanging paraan para protektahan sila pareho. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanya o sa baby niya.” Sa oras na iyon, habang nakatingin ako sa lalaki na minahal ko ng sampung taon, napagtanto ko na namatay na ang pag-ibig ko para sa kanya. Hindi nagtagal, kinundena ako ng pamilya ko, tinatawag akong pokpok dahil nagkaanak ako ng wala itong ama at pinressure ako na magpa-abort. Samantala, nasa ibang lungsod naman ang asawa ko, kasama ang sweetheart niya, tinutulungan siya sa kanyang pagdadalantao. Sa oras na nakabalik siya, nakaalis na ako.
Cerita Pendek · Mafia
2.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3132333435
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status